Chapter 6

5.2K 141 5
                                    

Chapter 6: Mens

Sumunod na araw, late ako nakapasok dahil sa napuyat ako kagabi. Isipin nyo nalang ano oras na ako nakauwi? Kasabay ko si Andrew, parehas kaming late!

“Couz, mauna ka na.”, saad ni Andrew sa’kin habang nakatingin doon sa may hagdan. Tinignan ko kung sino o ano ang tinitignan niya doon.

“Krisha? Really, couz?”, nang-aasar na sabi ko sa kanya. Sumimangot lang siya tapos ay pinagtulakan na ako paalis. Nakita ko pa bago ako makalayo ang paglapit niya kay Krisha at ang pagpalupot naman ni Krisha sa kanya. Krisha Domingo, pambansang flirt ng campus. I hate to say this, but yeah, she’s a bitch, really.

Tumuloy ako ng paglakad papunta sa room namin. Pagkapasok ko ay agad ko nadatnan si Chuck na may kalandian na naman na kaklase namin. Nakaupo pa siya sa may ibabaw ng table ko habang yung babaeng kausap niya ay halos idikit na ang katawan sa kanya.

“Aiz!”, bati niya ng makita ako.

Tumango ako. “Yo, tsupi!”, saad ko sa kanya habang pinagtutulakan siya paalis sa ibabaw ng table ko. Kasi uupo ako.

“Hi there, Aiza?”, feeling close na saad ng babaeng kalandian ni Chuck sa’kin with matching malandi tone pa.

Tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay. “Hi?”, saad ko at umupo na sa upuan ko at kinuha ang phone ko. Damn, I forgot to charge my phone!

“Nga pala, nakuha ko na board mo kay Sir.”, napatingin ako kay Chuck ng sabihin niya ‘yun. Pero agad din ako tumingin sa ibang direksyon dahil sa nakita kong kadiri na ginagawa nila ng babaeng hitad na ‘to. It’s not like nagseselos ako or something, but really? PDA in front of me? Ako pa naman yung tipong madaling mainis sa ganito. Landian jan, landian dito. Tss.

“Ok, salamat”, sagot ko sa kanya at pabalibag na ibinalik ang phone ko sa loob ng bagback ko.

“Woah, kakabili mo lang ng phone mo ah? Sinisira mo na naman?”, I heard him say that while laughing. “Okay, I’ll see you later.”, rinig ko pa na saad niya at kasunod noon ay pagkarinig ko ng yabag paalis.

“Nakalimutan ko i-charge.”, saad ko na naiinis pa rin. Ba’t ba ang dalas ko mainis this past few days? Ano’ng date na ba ngayon? Damn! Hindi kaya, magkakaroon na ako?

“Inis ka na naman?”, tanong niya tapos ay tumabi sa’kin. “Selos ka ‘no?”

“Seryoso, chuck. Masasapak na kita.”, masama ko siyang tinignan at niyukom ang kamao ko sa harap niya.

Tumawa siya tapos ay ibinaba ang kamao ko na handang-handa na para suntukin s’ya. “Easy, kaya ka napagkakalaman na tomboy eh.”, natatawang saad niya. Nag-fake laugh ako at iniiwas na ang tingin ko sa kanya. Bwisit na lalaki ‘to! Ang sarap lang talagang sapakin.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon