Chapter 33

3.3K 92 0
                                    

Chapter 33: Sino sa inyo?

Matapos naming na kumain ay nagkayayaan na mamasyal. Mamayang gabi kasi ay nagkayayaan sila na mag-inuman kaya ngayon ang perfect timing para makapaggala-gala.

"Couz, umuwi din pala sila Travis dito?", naglalakad kami palabas ng mansyon ng bigla akong lapitan at kausapin ni Andrew. Tumango ako.

"Great. Papapuntahin ko na din sila dito para mas masaya.", saad niya at tumatawang naglakad palapit sa mga nauunang sila Troy.

Andrew and Lucas used to be friends with Travis and Miguel. Magkakabarkada sila noon at talaga naman na palagi silang nandito sa mansyon kapag summer at kapag may okasyon. Kaya kilala na rin sila nila Lola at Lolo maging ng mga magulang nila Andrew.

**

Naglakad lang kami papunta doon sa malawak na taniman ng manga sa likod ng mansyon. Hindi naman ganoon kainit kaya nakaka-enjoy dahil na rin sa sariwang hangin.

"Grabe, ang sarap tumira dito!", tuwang-tuwa sila ng marating naming ang malilim at malamig na taniman ng manga. Mas maraming matataas na puno dito.

Pumasok kami sa kubo na nakatayo doon, nagsisilbi iyong pahingahan. "Nakakaantok naman.", saad nila. Totoo iyon dahil maging ako ay inaantok.

Nang makapasok sa loob ay kaagad kong inukupa ang malaking duyan na gawa sa rattan. Malaki iyon na kasya ang dalawang tao.

Ini-stretch ko ang dalawa kong kamay at humiga doon. "Makatulog muna.", saad ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko pero nagulat ako ng biglang tumabi sa'kin si Chuck. What?

"Uyy, magbati na kasi.", kantyaw nila sa'min. Agad akong umayos ng higa at umakto na tatayo na pero kaagad niya akong hinila na naging dahilan para mas lalo ako mapahiga. Shucks! Chuck, Wag naman ganito..

"Bati naman kami.", saad ni Chuck. "Diba, Aiz?", saad niya. Tumingin ako sa kanya at nakangiti na siya sa'kin. Agad na kumalabog ang puso ko. Wag kang ngumiti ng ganyan! Please lang!

Iniwas ko ang tingin ko at pilit kinalma ang sarili ko. "O-Oo.", sagot ko. Narinig ko na nagtawanan sila at inasar pa kami. Hindi ko nalang sila pinansin at pinilit pa rin na kalmahin ang nagwawala ko na puso. This is not good. Baka sa sobrang pagwawala ng puso ko ay bigla na lang akong madulas. I don't want that to happen.

Naggala lang kami at tumambay malapit sa bukid kung saan naroon yung kubo hanggang sa mag-gabi na. Nagkayayaan na rin na bumalik na ng mansyon. Bukod kasi sa aalis iyong mga boys para bumili ng iinumin nila ay maghahapunan na rin naman.

Pagkabalik namin sa mansyon ay nandoon na si Lolo. Kausap niya sa living room si Kuya Marco at yung isa pang lalaki na kung tama ang akala ko, ay isa sa mga trabahador niya. Pumasok na kami sa bahay, nilingon ako kaagad ni Lolo at kaagad na nginitian.

"Aiza, halika nga rito.", tawag sa'kin ni Lolo. Kaagad naman ako lumapit sa kanya, naiwan sa may pintuan sila Klarisse at 'yung iba pa.

Umupo ako sa tabi ni Lolo. "Natatandaan mo ba itong apo kong to, Marshal?", nakangiting wika ni Lolo doon sa kausap niya na lalaki. "Yung dating iyaking bata dito?", tumawa si Lolo pagkasabi niya noon. Napa-simangot ako.

"Lolo naman!", saad ko. Lalo pa siyang natawa at ibinaling muli ang tingin kay Kuya Marco na nakaupo sa tabi noong Marshal daw.

"Ito ang nag-iisa kong apo na babae. Nako, hija, may nobyo ka na ba?", nanlaki ang mata ko sinabi niya. Kaagad na pumasok sa isip ko si Chuck! Stupid mind! Bakit ko naiisip si Chuck, eh hindi ko naman 'yun boyfriend?!

Narinig ko na nag-ubuhan iyong mga kaibigan ko na naiwan sa may pinto malapit lang sa'min. Agad ko silang nilingon at nanlaki ang mata ko ng makita na nakatingin silang lahat kay Chuck na ngayon ay nakangisi.

"Wala! Lolo naman! Wala po akong time sa ganun!"

"Aww!", narinig ko ang mahinang reaction nila Kevin dahil sa sagot ko. Nako! Patay kayo sa'kin mamaya!

Narinig ko na medyo natawa si Lolo dahil doon. Agad siyang napa-iling. "Mukang 2 years mula ngayon ay madadagdagan na ang pamilya natin, ah? Tama ba ako, Marco? Baka maunahan ka pa nitong si Aiza.", tumatawang sambit niya. Isa pa itong si Lolo eh!

Tumatawang tumango si Kuya Marco. "Siguro nga, Lo.", saad niya at tumingin ng nakakaloko sa'kin. Oh, no? Wag mo sabihin na pati itong over-protective ko na pinsan ay sumasang-ayon na sa mga sinasabi ni Lolo?

Maya-maya lang ay umalis na roon si Mang Marshal. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa tabi ni Lolo at lumapit sa mga kaibigan ko na naroon pa rin sa may pinto.

"Loko kayo!", saad ko sa kanila. Napansin ko na hindi sila kaagad sumagot sa sabi ko, bagkus tumingin sila sa may likod ko, lumingon ako doon at nakita ang lolo ko na nakangisi habang tinitignan isa-isa ang mga kaibigan ko.

Lumapit si Lolo sa'kin at binati ang mga kaibigan ko. "Welcome dito sa amin.", nakangiti niyang bati.

"Magandang gabi, po!"

"Sino sa inyo ang nobyo ng apo ko?", nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Bago pa ako makapagsalita ay agad napako ang tingin niya kay Chuck. "Ikaw ba?", Crap!

"Lo-", naputol ang dapat ay sasabihin ko ng sumagot si Chuck.

"Hindi po ako.", saad niya. "Pero, malapit na po.", literal na napanga-nga ako dahil doon. Hampasin ko kaya ito ng magising sa katotohan?

"Mukang kailangan pala kitang paturuan ng gawaing bukid kay Marco.", tumango-tango si Lolo habang sinasabi iyon. "Hayaan mo, sa mga susunod na araw.", saad niya tapos ay nagpaalam na at umalis.

Okay? Si Lolo? Hindi pa ako nasanay? Pero dafudge! Papaano niya nakumpirma na si Chuck ang gusto ko? Okay gusto ko, di ko na dine-deny 'yun. There's no point in denying.

Pagkaalis ni Lolo ay sumunod na rin kami, umakyat na kami para makapagbihis para kumain. Pagkaakyat sa kwarto ay dumiretso kaagad ako sa CR para maligo.

"Girl! Baba na kami! Sunod ka nalang!", narinig ko na sigaw ni Klarisse sa'kin sa labas ng banyo.

"Sige!"

Maya-maya lang ay natapos na rin ako maligo, nagbihis lang ako ng cotton shorts na pambahay ko tapos ay maluwang na t-shirt. Bago lumabas ay napatigil ako dahil napadaan ako sa isang full-length mirror. Kaagad ko hinawakan ang laylayan ng shirt na soot ko.

Ito iyong t-shirt ni Chuck na may malaking nakasulat sa gitna na 'kiss me' , hindi ko pa pala ito naibabalik sa kanya.

"Aiza, kakain na raw! Baba na!", napatalon ako ng sumigaw si Lucas sa may labas ng kwarto ko.

"Oo, nandyan na.", sagot ko sa kanya at dumiretso na sa may pinto. Hindi na ako nakapagpalit ng damit, siguro ay ayos na ito. Kapag sinita ako ni Chuck dahil sa t-shirt niya ay sasabihin ko nalang na ibibili ko nalang siya ng bago.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon