Chapter 19

3.3K 100 1
                                    

Chapter 19: Goodbye-kiss

“Wag ka nga kasi malikot jan!”, pang-sampung beses ko na ata iyang sinasabi sa kanya.

“Nangangawit na nga ako!”, reklamo niya saka gumalaw na naman.

Sa inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na batukan siya, ang kulit eh! Sinabi nang wag gumalaw. Tss.

Nandito kami ngayon sa banyo at kasalukuyan ko na hinihilamusan ang mukha niya. Kanina pa kami andito at konting tiis pa ay maaalis na ang drawing ko sa mukha niya.

“Wag mo idiin!”, reklamo na naman niya. Shit to ha, kung hindi didiinan ay hindi talaga matatanggal iyon. Tss. Pero kawawa naman siya, pulang pula na kasi ang mukha niya dahil sa kanina ko pa na pagkuskos.

“Hoy, kayong dalawang lovers jan. Matagal pa ba kayo?”, sumilip si Andrew mula sa pintuan ng banyo. Nakabihis na siya habang may kinakain na chips na kung hindi ako nagkakamali ay mula doon sa pinamili ko kanina. Aba’t ang bilis ng bibig nito, ah.

Matapos ang ilang pang minuto ay natanggal ko din ang ink sa mukha niya. Nahirapan ako doon, seriously. Kahit na pagkuskos lang naman ang ginawa ko. Hehe. Pangako ko tuloy, ‘di ko na uulitin ‘yun. Mahirap pala magkuskos eh. Kakangawit.

“Kainan na!”, bumungad sa’min si Andrew pagkalabas namin sa banyo. Naka-upo na siya at nakahain na.

Tss. Gutom lang?

“Dito ka na kumain.”, saad ko kay Chuck noong imbes na sa kitchen siya dumiretso ay doon siya sa living dumiretso ay inayos iyong gym bag na dala niya.

Humarap siya sa’kin at ngumiti. “Akala ko hindi mo ako aayain eh.”, saad niya at nauna pa sa’kin na pumunta sa kitchen at umupo doon. Grabe lang, hindi naman halata na gutom din siya? Tss.

Pinagpapawisan ako ng malapot habang nakatingin doon sa niluto ko na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Kasalukuyan na kumukuha ng kanin sina Chuck, napapikit ako ng mariin ng abutin ni Andrew ang mangkok na may laman noong ‘sinampalukan’ ko.

“Mukang masarap ah-“, sinubo niya na iyong kanin sa kutsara niya. At kitang-kita ko kung paano nag-iba ang itsura niya.

Kitang-kita ko na nilunok niya agad iyong sinubo niya, walang nguya-nguya. Lunok kaagad!

“Ano’ng lasa ‘yan?”, di makapaniwalang sabi niya habang umiinom ng tubig na nasa baso niya. “Ano ba yan?”

“Sinampalukan.”, saad ko ng hindi manlang kumukuha ng pagkain.

“Bakit lasang panis na sinigang! Pwe! Akala ko masarap, muka lang pala!”, hirit niya. Isa pang salita ng pintaserong ito, babanatan ko talaga ito!

“Tangines mo, Andrew-“

“Ha? Masarap naman ah?”, nakanga-nga pa yata ako ng mapatingin ako kay Chuck. At shit lang, ha! Shit lang! Kinakain n’ya iyong luto ko, at mukang sarap na sarap pa siya!

“P-Pare? Hinay hinay..”, suway ni Andrew sa kanya habang halata naman sa boses na nasusuka na ito dahil sa ginagawa ni Chuck. Kulang na lang nga ay maduwal siya e. Tae!

Hindi kami pinansin ni Chuck at tinuloy niya lang ang pagkain niya. At, take note, naubos niya iyong niluto ko. Walang labis at walang kulang. Samantalang ang walanghiya kong pinsan ay agad na umalis, kesyo ‘di daw niya masikmura ang nangyayari, grabe, arte lang, ano?! Tss.

“Ah! Grabe, busog ako!”, saad ni Chuck noong nasa living room na kami. Di na ako naghugas ng pinggan, si Andrew na ang bahala jan. Pwe!

“Kainis ka, alam ko naman na hindi masarap!”, sigaw ko sa kanya at saka s’ya inirapan. Sinungaling ang isang ito eh.

“Nasarapan ako.”, saad niya habang nakatingin sa’kin tapos ay nakangiti.

“Oo na. Layas na! Baka mamaya dito ka pa matulog!”, tumingin ako sa ibang direksyon at ngumiti. One thing I like about this person is, alam niya kung paano ako purihin. Alam ko naman talaga na masarap ako magluto, konting practice lang. Bwahahaha.

“Kung pwede lang nga eh!”

“Aba’t talagang!”, napatayo ako sa pagkakaupo sa couch ng wala sa oras. Walanhiyang ito! Di na nahiya!

Tumawa siya tapos ay binitbit na iyong gym bag niya. “I really had fun today, with you.”

“Ah… Ako din.”, saad ko pero hindi tumitingin sa kanya. Shit itong lalaking ito ha!

“Aalis na ako.” Paalam niya tapos ay nagtungo na sa pinto. “Aalis na ako.” Paalam na naman niya.

“Okay. Bye.”, saad ko pero di ko siya nililingon at nakatuon lang ang atensyon ko sa TV. Ayaw gumana noong remote! Peste!

“Aalis na ako!”, finally napatingin na ako kay Chuck. Paano ba naman sumigaw!

“Umalis ka na nga! Bakit ba? Nasa’kin ba paa mo?! Tss.”, nakita ko na napangiti siya sa sagot ko. Abnormal din ito minsan eh.

“Sabi ko nga.”, saad niya. “Wala manlang bang goodbye kiss?”, dinampot ko kaagad ang tissue box na nasa gilid ko at binato sa kanya. Pero ang mokong, nakaiwas! Sayang!

“Bye!”, tumatawang saad niya habang palabas ng pinto. “See you on Monday!”, sigaw niya at tuluyan na siyang nakaalis.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon