Chapter 12

4.6K 118 2
                                    

Chapter 12: Pinasundo at date

Mag-gagabi na pero hindi pa rin tapos ang reunion namin, nagkaya-yaan kasi na mag-inuman.

“Aiza, shot?”, alok ni Miguel sa’kin. Umiling ako.

“No, I’m fine.”, sagot ko sa kanya habang hawak ang phone ko. I really wanted to go home. Pero hindi ko naman masabi sa kanila.

I am browsing my inbox ng makita ko ang pangalan ni Chuck. He texted me.

Chuck: san ka? Tambay tayo?

 

Ako: Good timing. Reunion ako. Pick me up! Badly want to get out of here.

 

I texted him the address kung saan itong bahay nila Angie, alam ko na maya-maya lang ay andito na siya dahil medyo malapit lang naman ang bahay nila Chuck dito.

Chuck: wait. Shower lang ako. Para mabango pagnagkita tayo. ;)

Napangiwi ako ng mabasa ko ang text niya, hindi na ako nagreply.

After almost 30 minutes ng paghihintay ay may lumapit na maid kay Angie.

“Ma’am, may bisita po.”, saad noong maid, napatingin ako at itong mga kasama ko na babae sa table doon sa kasunod nung maid. Oh, great.

Umalis na iyong maid at naiwan si Chuck na nakatayo. He’s wearing a simple khaki shorts tapos ay dark blue na polo shirt then sneakers. He’s even wearning his earring.

“Hi?”, paunang bati ni Melanie. Nakita ko na ngumiti sa kanya si Chuck.

“Sino ‘yan? Kaklase ba natin yan?”, rinig ko na tanong ni Angelica.

“Uhmm. You looked unfamiliar. Classmate ka ba namin ‘nun?”, tanong na naman ni Melanie tapos ay tumayo at naglakad palapit sa nakatayong si Chuck.

Nakatingin lang ako sa kanya, ng magtama ang mata namin ay agad siya na ngumiti.

“Gosh! Ang pogi niya!”, I heard Angie said.

“Ah.. Hindi.”, sagot ni Chuck. “May sinundo lang ako dito.”, paliwanag niya.

“Sino? Ako?”, biro ni Melanie tapos ay tumawa pa siya. Sarap talagang sungal-ngalin ng babaeng ito.

Umiling si Chuck. “Aiza.”, tawag niya sa’kin at tumaas ang kilay. Kitang-kita ko mula sa kinauupuan ko ang gulat na mukha ni Melanie. That’s right, wag kasi assuming!

Tumayo na ako sa upuan ko at dinampot ang bag ko sa may lamesa. “Una na ako guys.”, saad ko. Nakita ko na naglakad palapit si Chuck sa’kin.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon