Chapter 17

3.9K 109 1
                                    

Chapter 17: Mamamalengke

“Sumakay ka na! Ano na naman ‘yang iniisip mo!”, natauhan ako ng maramdaman ko ang kamay ni Chuck na nasa balikat ko. Tignan mo, chansing diba? Ang aga-agang chansing! Tss.

“Wala ka na do’n!”, sumakay na ako ng kotse niya at hinayaan ko siya na mag-isang maglagay ng mga pinamili naming sa compartment ng kotse niya. Maya-maya ay pumasok na din siya.

Ini-start niya na ang kotse at nag-drive na siya. Hanggang sa sasakyan ay inaasar niya ako, ako naman parang wala lang naririnig na sa kanya. Sige, magsawa ka kakadada mo jan!

“Saan tayo pupunta?”, tanong ko bigla ng makita ko na iba ang dinadaanan namin.

“Mamimili.”

“tapos na tayong mamili!”, sigaw ko at bumalik ng pagkakasandal sa upuan.

“Sino may sabi sa’yo na tapos na tayo?”, nakangisi niyang sagot. Tapos ay naramdaman ko na lang na huminto na ang kotse niya. Tumingin ako sa paligid. Nasa tapat kami ng isang public market!

“Ano’ng gagawin natin dito?”, tanong ko sa kanya.

“Baka magma-mall, ‘no?”, pamimilosopo niya. Hinarap ko siya agad at tinaas ang kanang kamao ko. “Joke lang, natural mamamalengke.”, saad niya habang inaalis ‘yung seatbelt niya.

Ano? Mamamalengke?! Hindi na sa nandidiri ako dito sa palengke, pero, seryoso? Kasi ang sabi sa’kin noon, marami daw mandurukot, lalo sa ganitong lugar. Kaya mula nung bata ako ay kapag namamalengke ang mga katulong namin sa bahay, kahit gusto ko na sumama ay hindi ako pinapayagan ng erpat ko.

Napatingin ako sa side ko, noon ko narelize na nakalabas na ng kotse si Chuck. Kasalukuyan niyang kinakatok ngayon ang bintana ko at sinesenyas na lumabas na ako.

First time ko na mamalengke. Hmm. Siguro naman ay hindi ako madudukutan dito? Saka wala naman madudukot sa’kin. Na-kay Chuck ang pera at phone ko.

Lumabas na ako ng kotse. Pagkalabas na pagkalabas ko ay doon ko narinig ang ingay sa paligid. Katanghalian na tapat pero marami pa din ang namamalengke.

“Dapat pala hindi ka nag-shorts.”, napatingin ako kay Chuck na kasalukuyan akong hine-head to foot. Naka-shorts at simpleng gray t-shirt lang kasi ako tapos ay sneakers.

“Hindi mo naman kasi sinabi na mamamalengke tayo. Tss.”, umirap ako kay Chuck at natuon ang tingin ko doon sa nagtitinda ng bananacue.

“Oy, bili mo nga ako noon.”, turo ko kay Chuck doon sa nagtitinda hindi kalayuan sa’min. Nagulat ako ng bigla ay tumawa siya.

Hinila niya ako papaalis doon sa pwesto namin at dinala ako papunta doon sa may nagtitinda ng isda. “Mamaya ka na kumain pagkatapos mamili. Takaw eh.”, tumatawang saad niya habang hinihila ako.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon