Chapter 39

3.5K 94 0
                                    

Chapter 39: Magnanakaw

Nakabalik na kami ng Manila at may pasok na ulit kami ngayon. Monday at talaga namang tamad na tamad ako kung hindi lang naman talaga ako pinilit na pumasok ni Chuck ay malamang natutulog pa ako ngayon.

“Antok na antok na ako!”, saad ko at dumukdok sa ibabaw ng table ko. Kakatapos lang ng klase namin at break na.

“Ikaw, anong ginawa mo kagabi? Sabi ko naman sa’yo, wag mo akong iisipin kapag gabi e!”, napangiwi ako sa sinabi ni Chuck pero hindi ko pa rin iniangat ang ulo ko sa pagkakadukdok.

“Wag kang joker, Chuckie. Shh.”, bulong ko dahil antok na antok na talaga ako.

Saglit na tumahimik, ang akala ko ay hindi niya na ako kukulitin. Nagulat, nawala ang antok, at napabalikwas ako sa pagkakadukdok ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng isang bagay sa pisngi ko. Kaagad ko na tinignan si Chuck, nasa gilid ko siya at nakangisi.

“Anong ginawa mo?”, hindi makapaniwalang saad ko sa kanya. Ang akala ko ay magdedeny siya, pero nagulat ako ng ngumuso siya.

“Ki-niss ka.”, nakatawang sabi niya. Hindi kaagad ako naka-react sa gulat ko. A, shet! Ako pa ba ito?

Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Bakit biglang uminit?

“Magnanakaw ka.”, halos pabulong ko ng sabi. Narinig ko ang malakas niyang tawa pagkatapos noon.

“Magnanakaw ng halik?”, saad niya. “Buti nga sa pisngi lang ‘yun, e. Next time sa labi na. Para sulit.”, napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Bigla niya akong nginisian at biglang kumindat.

Shet! Habang tumatagal ay lalong bumubulgar ang bibig ni Chuck, alam ko na kaya niyang totohanin ang sinasabi niyang ‘yun, at iyon ang kinakakaba ko. Ang dumating ang araw na nakawin niya ang FIRST kiss ko!

***

“Okay class, get one half lengthwise! Number it one to twenty!”, tamad na tamad ako na kumuha ng papel sa bag ko. Last subject na naming ito sa araw na ito at talaga namang antok na antok na ako. Feeling ko ay hinihila na ako ng kama ko pahiga. Sigurado ako na pag-uwi ko sa bahay ay bagsak kaagad ako.

“Aiz, ito na hati na tayo.”, umayos ako ng upo at ibinalik ang bag ko sa may gilid ng magsalita si Chuck, hinintay ko na matapos siya sa paghati ng papel tapos ay nagsimula na kaming mag-quiz.

Dictation ang ginawang quiz ni Sir Palma, aaminin ko na hindi naman ako mahina sa dictation pero ngayon ay wala akong masyadong naisagot. Hindi ko alam kung dala ba ito ng antok o talagang wala lang akong natutunan sa diniscuss ni Sir para sa araw na ito. Nang matapos ang quiz ay dinismiss na rin naman kami ni Sir.

“Aiz, skate?”, kasalukuyan ako na nag-aayos ng bag ko ng maramdaman ko sa gilid ko si Chuck. Kaagad ko siyang tiningala at nakita ko na hawak-hawak niya na ang skateboard niya.

Ngumuso ako at nag-isip. Inaantok ako diba? Inaantok ako kanina diba? Pero ba’t ganon? Ngayon parang bigla nalang nawala ang antok ko?

“Hindi ko dala skateboard ko, e.”, saad ko sa kanya at isinara ko na ang zipper ng bag ko at tumayo. “Next time?”, dugtong ko pa at isusukbit na sana ang bag ko ng bigla niya itong agawin sa’kin at isinukbit niya iyon sa kabilang balikat niya.

Ngumisi siya. “Good timing pala, e. Tara may papakita ako sa’yo.”, saad niya habang nakangiti. Nagtataka ko siyang tinignan.

“Ano?”, tanong ko. Bigla bigla ay inirapan niya ako, montik na ako matawa sa pag-irap niya sa’kin pero nagulat ako ng bigla nalang niyang hilahin ang kamay ko at maglakad kami palabas ng school. Kaagad na kumabog ang dibdib ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Dapat ko bang hilahin ang kamay ko pabalik? Dapat ko din bang hawakan ang kamay niya?

Hindi ko alam ang gagawin ko pero parang katawan ko na mismo ang nagkaroon ng reaction. Namalayan ko nalang ang sarili ko na hinahawakan din pabalik ang kamay niya. Kaagad ko na naramdaman ang paghinto ni Chuck. Mula sa magkahawak namin na kamay ay umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakaawang ang labi niya habang titig na titig sa’kin.

“A-Ano?”, tanong ko.

Ilang saglit siyang natigil bago unti-unting ngumiti at umiling. “Wala lang. Tara, babe.”, saad niya at naglakad na ulit. Kumpara kanina, mas mabagal ang lakad niya at nagkakasabay na kami. Hindi ko maiwasan at napangiti na rin ako. Pero syempre konti lang, ayoko naman na ipahalata sa mga NANONOOD samin na enjoy na enjoy at gustong-gusto ko itong pag-ho-holding hands naming ni Chuck.

Nang makarating kami sa parking lot ay nagulat pa ako ng huminto kami sa tapat ng isang Hilux. Kaya napatingin ako kay Chuck.

“Bakit dito?”, tanong ko. Nagulat ako ng ilabas niya mula sa bulsa niya ang susi at biglang patunugin ang Hilux na nakaparada sa harap namin. Wag niyong sabihin na bagong sasakyan niya ito? Aba’t ang loko, ang yaman sa sasakyan, a?

“Oo, regalo sa’kin ni Dad. Graduating na, e.”, saad niya bigla ng mabasa siguro kung ano ang iniisip ko. Now that I realized, graduating na kami at wala pa akong naiisip na ibigay sa kanya. Damit? Marami na siya noon. Pabango? Relo? Skateboard? Camera? Ano pa ba ang pwede ko na ibigay sa kanya?

Binitawan na ni Chuck ang kamay ko at binuksan ang pinto sa may backseat. Saglit siyang may kinuha doon, at nagulat ako ng ipakita niya sa’kin ang isang kulay maroon na skateboard. Nakangiti niyang inilahad sa’kin ang skateboard.

“Bumili ako ng board kaya naisip kita. Parehas ng design yan saka eto.”, ipinakita niya sa’kin iyong hawak niyang itim na board at tama nga siya, magkapareho ang design. “I choose Maroon kase alam ko na ayaw mo ng pink.”, ngumisi siya.

Tinanggap ko ang board na hawak-hawak niya at ngumiti din sa kanya. “Ano dating gawi?”, nakangiting saad ko bago ko inilapag sa daan ang skateboard at sumakay dito.

“This time, pag nahabol kita. Date ang kapalit. Not a friendly date, but a real date.”, nakangising sagot niya bago patunugin muli ang sasakyan niya at sumakay na din sa skateboard niya.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon