Chapter 4

5.7K 142 1
                                    

Chapter 4: Race

“Ako’ng kinakabahan sa’yo, Aiz! Puta! Daig ko pa’ng hindi naihi!”, natawa ako sa linya ni Andrew. What the.

Lumapit ako sa kanya tapos ay tinapik ang tiyan niya. “Wala ka ba tiwala sa’kin?”, tanong ko habang chine-check ang iso-soot ko na helmet.

“Wala! At walang nagsabi sa’kin na ganitong racing pala tong sasalihan nyo!”, inis na sigaw niya. Alam ko na nagulat siya, maski ako din naman nagulat na ganitong racing pala yung tinutukoy ni Neo, yung street racing na illegal na ngayon. Pero imbis na matakot ay mas lalo pa ako na-excite.

“Chill, dude. She would be safe.”, sumulpot si Neo sa likod ko, katulad ko ay may hawak din siya na helmet.

“Siguraduhin mo lang, Cordoja. Dahil kapag may nangyari masama jan, manghihiram ka ng mukha sa aso.”, banta ni Andrew kay Neo tapos ay luminga-linga sa paligid.

“Couz? Hinahanap mo? Chicks?”, tanong ko at sinundan ang tingin niya.

“Hindi. Hinahanap ko sila Chuck. Sabi ko pumunta e.”, sagot niya. “Ayun! Chuck!”, napatingin ako sa direksyon na tinitingnan niya. At ayun, sila Chuck at buo naming barkada andoon.

“Makipag-date sa’kin, ayaw mo. Mas gusto mo pa yung ganito!”, bungad na sermon ni Chuck sa’kin at tinaas ang kamay na handa na para pitikin ang noo ko.

Agad akong umatras at tumawa. “Ayoko nga ng date.”, saad ko.

“Neo, ano na?”, bumaling ako kay Neo na busy sa pakikipag-kwentuhan kina Troy.

“Aiz! Goodluck.”, lumapit isa-isa sa’kin sina Troy at isa-isang nakipag-bro fist.

“Salamat.”, nakangiting saad ko.

Maya-maya lang ay tinawag na lahat ng kasali. Lumapit na kami ni Neo doon sa gagamitin naming na kotse. Grabe ang cool ng kotse niya. I think I need to ask Dad to buy me one!

Isinoot ko na yung helmet ko bago pa ako pumasok sa kotse. May natitira pa naman kasi na halos limang minuto. At shit lang! Ngayon ko nararamdaman ang kaba!

“Siguraduhin mo magiging safe ka.”, saad ni Chuck na nasa likod ko lang. Hinarap niya ako at kinatok ang soot ko na helmet.

“Aw! That hurts, Chuck.”, sagot ko sa kanya at tinapik ang kamay niya na nasa may helmet ko pa din.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Chuck tapos ay yakapin ako. It’s not like, hindi ako sanay ng niyayakap niya ako. Lagi niya ako niyayakap pero alam ko na friendly hug lang yun, pero ngayon? Iba ang pakiramdam ko.

“Oh, tama na ang PDA, magsisimula na ang laro.”, hinila ni Andrew si Chuck tapos ay siya naman ang yumakap sa’kin.

“Boyfriend mo ba ‘yan?”, bulong sa’kin ni Andrew. Bigla ko siya tinulak at pinalo ang tiyan niya.

“Gago ka ba? Hindi!”, inis na saad ko sa kanya.

“Let’s go, Aiz.”, anunsyo ni Neo at nakita ko na siya na sumakay sa driver’s seat ng kotse.

Tumingin ako saglit kay Andrew at kina Chuck tapos ay tumango bago tuluyang sumakay sa passenger’s seat ng kotse.

“Bring home the bacon!”, rinig ko na sigaw nila and with that, pinaharurot na ni Neo ang kotse papunta sa starting line.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon