Chapter 2

7.5K 171 7
                                    

Chapter 2: Aiza is off-limits

Bumalik ang tingin ko sa loob ng classroom. Nakuha ng kakarating pa lang na lalaki ang atensyon ko. Kasi bukod sa nasa kanya ang atensyon ng mga babae sa loob ng silid na ‘to, aaminin ko hindi nalalayo ang itsura niya kina Chuck. In short, pogi siya.

Ngiting-ngiti siya habang papasok sa loob ng room. Ah. Kausap niya ang mga kaibigan niya na kasabayan niya na naglalakad. And there I saw my evil cousin, Andrew. So kaibigan pala niya ‘to? Who is he, then?

Tinanggal ko ang earphone ko sa tenga ng makalapit sa harap ko si Andrew.

“Ano?”, inis na sabi ko sa kanya. Akala niya ay nakalimutan ko na, na inis ako sa kanya bago ako umalis ng unit niya? Pwes, nagkakamali siya!

“Grabe ka naman! Hanggang dito inis ka pa rin sa’kin?”, natatawang sabi niya.

“Wag ka tumawa jan, hindi ako natatawa sa’yo. Bwiset ka.”, sagot ko at inirapan siya. Nagulat ako ng mula sa kawalan ay biglang lumitaw si unfamiliar guy.

“Woah, dude. Who’s the chick?”, saad nito habang nakatingin sa’kin. Chick? Muka ba akong manok? Hayop na ‘to!

“Dude, she’s not a chick. Okay?”, natatawang saad ni Andrew at hinarap ako. “Aiza, this is Neo.”, pagpapakilala niya sa lalaking naka-akbay sa kanya.

Hindi ko na nasagot si Andrew dahil lumabas mula sa gilid nila si Troy, David at Francis.

“Aiza! What’s up!”, bati nila sa’kin at isa-isa silang nakipag high-five, na masaya ko naman na tinanggap.

“Dude, you know her?”, takang tanong ni Neo  sa mga kaibigan niya.

Lumapit si Troy at naupo sa ibabaw ng lamesa ko. “yup, the one and only. Aiza del Castillo.”, ngumiti ito at nakipag-apir na naman sa’kin.

“Not only that, she’s Drew’s cousin.”, sabat naman ni Francis. “And our friend.”, dagdag pa niya.

“So ano? Later? Same place?”, lumapit na din sa’kin si David.

“So does that mean, you’re also my friend now?”, nakangising-aso na saad ni Neo. Ew. That dogface!

“Uh-uh. I don’t like that smile, dude.”, natatawang saad ni Troy. “If you have something in mind, pakikalimutan na.”

“She’s off-limits.”, tumatangong saad ni Francis tapos ay tumingin kay Andrew. “Bro’s family, right?”, makahulugang saad nito. Nagtanguan naman sila, including Andrew. I don’t get these people.

“Couz, pagpasensyahan mo na ‘tong si Neo, bago eh.”, natatawang saad ni Andrew tapos ay inukupa ang upuan sa tabi ko.

“Hoy, sino may sabi sa’yo na pwede ka jan? May nakaupo na jan!”, suway ko sa kanya..

“Sino?” takang tanong niya.

“Si Chuck. Pati yung upuan hanggang doon sa dulo meron.”, saad ko. “kung gusto niyo doon kayo sa likod ko maupo.”, dagdag ko.

Ngumiti si Andrew. “Si Chuck? Yung dati mong suitor? Kayo na ba?”, nang-aasar na sabi niya. Agad kong dinampot ang bag ko na nakasabit lang sa may gilid tapos ay binato sa mukha niya.

“Aw! Masakit?”, natatawang tanong ni Neo sa kanya.

“Ikaw batuhin ko ng bag ko, hindi ka masasaktan?”, sagot ni Andrew sa kanya habang hinihimas ‘yung mukha. Sila Troy natatawa lang sa may gilid. “Nakakadalawa ka na sakin Aiza del Castillo.”

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon