Chapter 36

3.4K 105 1
                                    

Chapter 36: Nagbunga

Ilang sandali pa kaming nanatiling ganoon hanggang sa umihip ang malakas na hangin, kaagad na nanginig ang katawan ko dahil sa lamig.

“You’re cold?”, tanong niya. This time, mas mahinahon na. “Let’s go.”, lumayo siya sa’kin at inalalayan ako.

Lumakad na siya pero nanatili akong naroon at hindi gumagalaw, hindi ko maigalaw ang paa ko. Tuwing magagalaw ito ay kumikirot, buti nga at nakakaya ko pa na tumayo ngayon.

“Bakit?”, tumingin siya sa’kin at lumapit muli.

“Masakit paa ko.”, sagot ko. Tinitigan niya muna ako saglit bago ako tinalikuran, laking gulat ko ng bigla siyang umupo sa harap ko.

“Sakay na.”, he said.

Magsasalita pa sana ako pero umihip na naman ang hangin na naging dahilan na naman para manginig ako. Sumakay na ako sa likod niya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya habang tumatayo siya ng pasan ako sa likod niya.

Nakarating kami sa kwarto ko, wala doon sina Klarisse at Monica. At alam ko na wala pa rin doon yung iba. Hindi ko alam kung itinuloy nila yung inuman nila pero mas mabuti nga siguro kung ganoon dahil kung magkakasalubong na naman itong si Chuck at Neo ay baka mas grabe pa ang mangyari compared sa nangyari kanina.

Pagkarating sa kwarto ay ibiniba niya lang ako sa kama ko, tapos noon walang pasabi siyang lumabas na.

Okay? Umalis na siya, makakahinga na ako ng maluwag. Pero akala ko lang pala ‘yun, dahil wala pa halos dalawang minuto ay bumalik din siya, na may dalang ice pack.

Umupo siya sa ibabaw ng kama katabi ko. “Umayos ka ng higa, akin na paa mo.”, saad niya.

Hindi kaagad ako nakasagot. “Akin na, sabi!”, napaayos ako ng higa ng wala sa oras, kaagad niyang kinuha iyong paa ko at inilagay sa may lap niya.

Hinaplos niya iyon. Halos manigas ako sa pagkakahiga doon at halos hindi na ako makahinga. Haplos pa lang niya iyon, paano pa kaya kapag halik— What? Anong? Bakit nauwi sa halik ang sprain ko sa paa?! Ang layo naman ng paa sa labi!

“Hoy! Masakit ba kako?”, bumalik ako sa sarili ko ng sigawan niya ako. Again, sinigawan nya ako. Nakakarami na ang isang ito! Baka akala niya ay porket umiyak ako sa harap niya ay pwede niya na akong sigawan—

“Aray!”, I suddenly blurted out. Paano ba naman kasi, tinapik iyong paa ko. Kitang may sprain! Kung siya kaya itong pilayan ko at hampasin ko ang paa!

“Sumagot ka kasi, masakit pa ba?”, seryoso n’yang tanong.

“Duh, natural aaray ba ako kung hindi masakit?”, pamimilosopo ko sa kanya at inirapan siya. Narinig ko naman ang pagtawa niya dahil doon. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil sa tawa niya, he seems like he’s happy.

Hinimas niya ang paa ko, matapos ang ilang sandali ay tumigil na siya at maingat na inalis ang paa ko sa lap niya at tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako ng tabihan niya ako sa pagkakahiga ko. Maluwang ang kama at talaga naman na kasyang-kasya kami.

“So, we’re good now?”, tanong niya habang nakahiga sa tabi ko. Good na nga ba kami? There’s no point na naman na iwasan ko siya, alam niya na ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko pa naman inadmit ng harapan na oo nga at inlove ako sa kanya. Pero umiyak ako sa harap niya, sapat ng sagot yon diba?

Tumango ako, humarap ako sa kanya at nakita na nakatingin din siya sa’kin. Ilang sandali din kaming nagtitigan bago niya ako biglang hinila palapit sa kanya at kinulong sa mga bisig niya.

Agad na humataw ang puso ko dahil sa ginawa niya, hindi ako makatanggi, kasi aaminin ko. Gusto ko rin ito.

“Gusto ko na marinig sa’yo.”, saad niya. “Na inlove ka sa’kin.”, agad kong tinago ang mukha ko sa dibdib niya. Biglang uminit ang mukha ko, ito na iyon eh. I can’t admit it to him, nahihiya ako. For the first time, nahihiya ako! Leche!

Naramdaman ko na iniangat niya ang ulo ko at sa isang iglap lang magkatitigan na naman kaming dalawa. “Sabihin mo na.”, he said tapos ay nag-smile. Kaagad na nagwala ang mga paro-paro ko sa tyan dahil sa simpleng ngiti na ‘yon. Shit! Ang lakas na ng epekto niya sa’kin ngayon!

Umiling ako at pilit pinikit ang mata ko, kunwari tulog ako—

“That won’t work. Alam kong gising ka kaya sabihin mo na.”, saad niya, still hindi pa rin ako dumidilat. “You don’t want to open your eyes? I’ll kiss you, then.”, gulat na napadilat ako dahil sa sinabi niya na yon. Kaagad bumungad sa’kin ang nakangisi niyang mukha.

“Kainis ka, wag mo nga akong kulitin.”, saad ko at tumalikod sa kanya. Pero talagang makulit siya, niyakap niya ako patalikod habang nakahiga pa rin kami.

“Bakit mo ako tinatalikuran?”, he said, chuckling. “Kinikilig ka ba?”

“Hindi ako kinikilig!”, napairap ako sa kawalan ng sabihin ko iyon. Hindi ako kinikilig, dahil kilig na kilig ako. I don’t know anymore. Hindi ko na alam kung ano ‘tong nararamdaman ko, but there’s one thing that I know, i like what I’m feeling.

“Eh, sabihin mo na nga kasi.”, lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa’kin. Shit! Sobrang lapit naming sa isa’t-isa!

“Wala akong sasabihin!”, angal ko. “Matutulog na ako.”, I said then again pinikit ko ang mga mata ko, pero of course di naman ako matutulog. Ayaw ko lang na macorner niya ako.

“Hahalikan talaga kita—“

Dumilat ako at hinampas ang kamay niyang nakapalupot sa may bewang ko. “Wag mo akong manyakin! Hindi porket inlove ako sa’yo papayag na ako sa mga kamanyakan mo, ha!”, sigaw ko sa kanya. Nang matapos ko iyon isigaw ay doon ko halos mahampas ang sarili kong ulo, ayaw ko aminin ng harapan na inlove ako sa kanya pero sinigaw ko pa!

“You’re inlove with me, sinabi mo na.”, sabi niya tapos ay tumawa. “Nagbunga din ang paghihintay ko.”

Napangiti ako doon.  Oo nagbunga ang paghihintay niya, montik pa ngang hindi magbunga eh. 

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon