Chapter 7

5K 125 6
                                    

Chapter 7: Rumors

Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin pati na rin kung may tagos ako, thank God dahil wala. Tapos noon ay lumabas na ako.

“Tagal.”, saad ni Chuck na nakasandal doon sa may pader habang iniintay ako.

“Sino ba kasi may sabi sa’yo na mag-intay ka.”, saad ko sa kanya at isinukbit ang bag ko tapos ay nagsimula na maglakad.

“Ganyan ba? Tapos kitang ibili ng napkin?”, saad niya. Agad na nanlaki ang mata ko dahil sinabi niya iyon ng hindi manlang nahihiya. Agad ako napatingin sa mga nakakasalubong naming na alam ko naman na nakikinig sa usapan namin.

“Oo na, salamat na. Pero pwede bang wag ka maingay.”, saad ko sa kanya at umirap. Thankful ako dahil sa ginawa niya pero hindi ibig sabihin non e pwede niya na ipamalita na ibinili niya ako ng napkin. God!

“Date muna.”, saad niya.

“Date mo ang mukha mo, Chuck!”, inis na sigaw ko sa kanya. Nagsisimula na naman siya!

Nakita ko na natawa siya at tumingin sa paligid namin. “Sorry, mainit lang ulo niya.”, saad niya at doon ko naalala na nasa hallway nga pala kami at maraming nakakarinig sa’min.

Asar akong naglakad papunta sa room at siya nakasunod lang sa’kin.

Padabog ako na naupo sa upuan ko at dumukdok doon. Masakit pa rin ang puson ko. Ugh! Bakit ba kasi kailangan na every month magdusa kaming mga babae ng ganito?!

“Couz, nangyari sa’yo?”, tapik ni Andrew sa balikat ko. Hindi ko siya sinagot dahil wala talaga ako sa mood.

“Nangyari jan? San kayo galing?”, rinig ko na tanong ni Andrew kay Chuck.

“Wala kumain lang, badtrip yan. Yaan mo muna.”, sagot ni Chuck sa kanya tapos noon ay hindi ko na sila muli pa narinig na nagsalita. Good thing about Chuck is hindi siya madaldal, alam niya kung kailan dapat magsalita at kung kailan hindi dapat.

***

“Andrew! Your chick is outside.”, naalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip ko ng may sumigaw.

Inis na napaangat ang ulo ko at agad na bumungad sa’kin ang mukha ni Neo na ngiting-ngiti habang papasok sa loob ng classroom. Ngayon lang siya pumasok? Hindi ko napansin na wala pala siya kanina.

“Hi there, hot chick.”, bati niya ng makarating siya sa pwesto niya na nasa likod ko.

Ibinalik ko ang ulo ko mula sa pagkakadukdok habang nakatingin kela Andrew na nandoon sa may pinto. Kausap niya si Krisha at naglalandian na naman sila.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon