Chapter 22

3.7K 107 0
                                    

Chapter 22: Bakla ka naman eh

Habang nasa kotse ay panay ang tingin ni Chuck sa’kin. Hindi ko mahuli ang tingin eh, kapag titingin ako biglang iiwas, kapag naman hindi ako nakatingin, saka titingin ng titingin. May topak ata ito e!

“Ano ba? Tingin ka ng tingin! Uupakan kita!”, sigaw ko sa kanya

“Baka kasi may nakakalimutan ka.”, saad niya. Ano’ng nakakalimutan ko? Birthday niya ba?

“Di mo naman birthday, ano’ng nakakalimutan ko?”

Nakita ko na bumuntong hininga siya. “Yung date natin.”, ah oo nga pala. Nakapangako nga pala ako sa kanya. Tss. Ba’t kasi padalos-dalos itong bibig ko eh!

“Kailan ba? Ngayon na ba? Kita mong naglilipat kami!”

“May sinabi ba ako na ngayon?”, sagot niya. Aba’t pilosopo ang isang ito ah!

“Sabi ko nga. Tss.”, sagot ko sa kanya.

Maya-maya lang ay nakarating na din kami sa lugar kung saan nandodoon iyong dati naming bahay. Sabi ni Kuya Marco ay may katulong na daw siya na nakuha para tagalinis, tagaluto, at tagalaba namin sa bahay.

“Ako na.”, nagbubuhat ako ng maleta ng biglang agawin ni Chuck sa’kin iyong buhat-buhat ko at siya na ang nagpasok noon sa loob ng bahay. Hindi na ako nakapagreklamo kasi talaga naman na mabigat iyong maleta na iyon. At sigurado ako na hindi sa’kin ang maleta na ‘yun, kakaunti lang naman ang dala ko na gamit dahil nga may mga naiwan ako na gamit dito.

Ganoon pa rin ang itsura ng bahay, walang pinagbago. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay winelcome kami ng tatlong maid.

“Magandang araw po. Sir, Maam.”, bati nila sa’min at saka kinuha iyong mga maleta na dala nila Andrew.

“Paki-akyat na lang yung mga gamit, Manang.”, utos ni Kuya Marco.

Habang tumutulong sila Chuck sa pag-aakyat ng mga gamit naming ay umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ko na ganoon pa rin ang itsura nito.

Halos puro puti ang makikita sa loob ng kwarto ko, pwera nalang doon sa comforter at pillowcase ko na color brown. Siguro ay kung hindi mo alam na ako ang may-ari ng kwarto na ito ay aakalain mo na kwarto ito ng lalaki. Bukod kasi sa pintura ay dahil na rin siguro sa mga nandoon sa loob, kung sa ibang babae kasi ang makikita mo ay puro pampaganda, sa’kin naman puro anime figures tapos ay iyong mga cap ko na maayos na nakahilera at nakasabit doon sa may wall, pati na rin yung mga skateboards ko at mga bola ng basketball at soccer na nandoon sa may gilid.

Nakahiga ako sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Chuck na hila-hila ang maleta ko at dala-dala iyong bagpack ko, siguro ay naiwan ko sa kotse niya.

“Burara ka talaga kahit kailan.”, saad niya tapos ay umupo sa ibabaw ng kama ko habang iginagala ang tingin niya sa loob. “Ayos ng kwarto mo ah, mas panlalaki pang tignan sa kwarto ko.”, pang-aasar niya.

“Eh bakla ka naman, eh.”, pambibiro ko. Nagulat ako ng bigla siyang sumampa sa kama at pumatong sa’kin.

“Ah, bakla?”, seryosong sabi niya habang titig na titig sa’kin. The fu**?

“Sino ngayon ang—Aray!”, reklamo niya ng bigla ko siya sapukin, bull’s eye. Abnormal, eh.

Tumayo na siya habang hinihimas-himas pa ang ulo niya na sinapok ko. “Ang sadista mo!”, saad niya at umirap sa’kin, natawa ako dahil doon. Can you believe it? Itong lalaking ‘to, nang-iirap?

“E, manyak ka eh! Pati ako minamanyak mo!”, saad ko at binato siya ng unan ko. “Abot mo nga yung remote sa’kin tapos buksan mo aircon.”, utos ko sa kanya.

“Ako pa inutusan mo?”

“Hala sige ka, ‘di ako sasama sa libre mo sa’kin.”, pananakot ko sa kanya

“Hindi libre yun, DATE yun!”, talagang pinagdiinan pa niya yung word na date.

Umirap ako. “Ganon din naman yun, tss. Dali na kunin mo na remote tapos buksan mo aircon!”, wala na siyang nagawa kung hindi ang tumayo sa kama ko at kuhanin iyong remote na nakapatong sa may study table ko. Pagkakuha niya noon ay binuksan niya na ang aircon tapos ay bumalik sa kama at tumabi sa’kin.

“Oh, bakit nandito ka pa?”, tanong ko habang nakahiga at naglilipat ng channel sa TV.

“Dito muna ako, boring sa bahay e.”, sagot niya. At ang mokong nahiga pa sa tabi ko! At home na at home lang ah?

Hindi na ako sumagot sa kanya dahil busy ako sa panonood, hindi na din naman siya nagsalita. Tahimik lang na nakahiga. Kung nagtataka kayo kung ba’t hindi ko pa sinisipa patayo ng kama ko itong si Chuck, simple lang, normal na sa’kin yung ganyan, yung nahihiga siya sa tabi ko. Alam ko naman na nirerespeto ako ng isang ‘to eh, na kahit gaano siya kamanyak ay wala siyang gagawin sa’kin. Aba! Takot lang niyang mabugbog ko.

“Date na tayo ngayon.”, biglang sabi ni Chuck habang nakahiga

“Ano’ng date? Kakain lang tayo eh, magkaiba ang date sa kain.”, totoo naman diba? Magkaiba ang kakain sa magde-date.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Oo na, tara na?”, yaya niya.

Tutal naman ay ginugutom na ako at boring din naman dito. “Sige.”, pagsang-ayon ko. “Lumayas ka na, magbibihis ako.”, saad ko sa kanya at pinagtulakan siya patayo ng kama ko.

Nakita ko ng ngumisi siya. “Magbihis ka na. Wala namang malisya. Parehas naman tayong lalaki.”

PAK!

“Labas o sisipain kita?”, sigaw ko sa kanya. Busangot ang mukha niya habang tumatayo.

“Sadista, nakakarami ka na sa’kin ng batok!”

Dinilaan ko lang siya at tinulak palabas. Ang mokong minamanyak na naman ako, tss.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon