Chapter 28

3.2K 85 1
                                    

Chapter 28: Chance

Nang makapasok siya ay agad niyang inistart ang kotse. Teka, hindi pa ba sasakay sila Andrew?

Binuksan ko ang bintana sa side ko at sinigawan sila Andrew na nandoon pa rin sa labas. “Hoy! Sakay na!”,sigaw ko sa kanila pero ngisi lang ang sinagot nila sa’kin.

“Sino ba may sabi na dito sila sasakay?”, napatingin ako kay Chuck ng magsalita siya.

“What—“

Hindi na ako nakapagsalita dahil agad niya ng pinatakbo iyong kotse, sa gulat ko ay agad ako napakapit sa upuan ko.

“Putek kang Jimenez ka!”, sigaw ko sa kanya. Parang walang siyang narinig at mas lalo pa na binilisan ang pagpapatakbo niya ng sasakyan niya.

Maya-maya ay naramdaman ko na dahan-dahan na kaming bumabagal. Kaagad ko isinoot ang seatbelt na kanina ay hindi ko pa naisoot. In case of emergency. Baka mamaya ay paharurutin na naman ng walanghiyang ito ang sasakyan niya.

Habang nagda-drive siya ay tahimik lang ako na naka-upo. Nilalayuan ko siya! Nilalayuan ko siya! No talking! No staring!

“Ngayon, kakausapin mo na ba ako?”, posang galang ito! Lalayuan ko na nga siya, ba’t ba niya ako kinakausap?!

Hindi ako sumagot. Kunwari ay wala akong naririnig. La La La—

“Tang*na mooo Chuck!!!”, kaagad ako napakapit sa suot ko na seatbelt ng bigla niya na naman bilisan ang pagmamaneho. Papatayin ba ako nito?! Punyeta!

“Sumagot ka kasi!”, saad niya at unti-unti na naman binabagalan ang pagpapatakbo niya ng sasakyan niya.

“Ano ba? Ano ba?”, kinakabahang saad ko sa kanya ng hindi manlang siya tinitingnan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Bakit mo ako iniiwasan?”, sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla akong kinabahan sa tanong niya.

Agad ko tinuon ang tingin ko sa may bintana. Kanina pa ako nako-corner, shit!

“Sumagot ka o bibilisan ko ang pagmamaneho ko!”, napatalon ako sa gulat ng bigla siyang sumigaw.

“Hindi kita iniiwasan, okay? Ayan na sinagot ko na ang tanong mo! Kaya pwede ba, kumalma ka lang ‘jan at magdrive ka ng maayos! Gusto ko pang mabuhay!”, singhal ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla nalang niyang inihinto ang sasakyan.

“Ano na naman?”, aba, naiinis na ako ng Chuck na ‘to ah!

Kitang-kita ko kung paano niya inis na naisuklay ang dalawang kamay niya sa buhok niya dahilan para magulo ito. Agad niya akong tinignan.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon