Chapter 13

4.1K 108 1
                                    

Chapter 13: Kiss me

Kakatapos lang namin na magpalit ng damit na pang-PE at kasalukuyan kami na nasa gym at iniintay iyong prof namin. Araw ng miyerkules ngayon, at ito na ang panghuli na subject namin para sa araw na ‘to. Marami-rami rin ang estudyante na andito, syempre hindi mawawalan ng mga babae na ang shorts na soot ay akala mo nasa bahay lang, pati iyong mga babae na panay ang pari’t parito sa harap namin.

“Pang-six na.”, rinig ko na saad ni Klarisse.

“Tange! Pang-seven na niya iyan! Kanina pa ‘yan pabalik-balik!”, sagot ni Monica kay Klarisse. So, nagbibilangan pala ang dalawang ito kung ilang beses na dumadaan sa harap naming ang babaing ito na may kulay pink na headband na may ribbon pa sa gilid, seryoso? Bata lang?

Mula sa pwesto ko ay nakita ko na paparating na sina Chuck, kasama niya si Kevin at Vincent. Wala ang pinsan ko na si Andrew, maging sina Troy, Francis, David, at Neo dahil sa pang-umagang PE sila napunta.

Kitang-kita ko rin kung paano magtinginan ang mga babae na nadadaanan nila sa kanila.

“Aiz, patabi sa bag mo.”, saad ni Chuck ng makalapit sila sa’min. Iniabot niya sa’kin iyong gym bag niya. Kinuha ko iyon at nilagay sa may tabi ng bag ko.

Maya-maya ay dumating na ang prof namin at pinaayos na kami. Basketball ang PE namin, at dahil pang apat na meeting na namin ito sa prof namin ay maglalaro na kami.

“Sino ang may experience na sainyo dito sa paglalaro ng basketball?”, tanong ni Sir. Nagtaas ako ng kamay, may experience na ako sa paglalaro dahil madalas ay naglalaro kami ni Andrew. One on one.

Dahil hindi naman talaga pang-babae na sports ang basketball ay kakaunti lang ang mga babae na nagtaas ng kamay. Sa mga lalaki ay halos lahat nagtaas.

“Forward iyong mga babae na nagtaas ng kamay.”, utos ni Sir. “Bumuo kayo ng dalawang groups. Maglalaro tayo ng basketball.”

Pina-upo ni Sir iyong mga lalaki tapos ay iyong mga babae na natira na hindi nagtaas ng kamay. Sa grupo ko ay kasama ko si Klarisse at Monica, tapos ay iyong dalawa pa na classmate namin, tapos ay ako.

“Paunahan lang na makakuha ng 30 points.”, paliwanag ni Sir. Nagpaalala pa siya ng mga rules tapos ay pinapunta niya na kami doon sa may gitna ng court.

Nang mag-umpisa ang laro ay nasa-amin ang bola. Si Klarisse ang naghahawak noon. Katulad ko ay matangkad at mahahaba ang legs ni Klarisse, isa iyon sa advantage kung bakit mabilis siyang nakatakbo papunta sa may ring naming tapos ay agad niya na pinasa sa’kin ang bola at ako ang nag-shoot.

Pumito si Sir. “2 points for Aiza’s group.”, saad niya. Napatingin ako sa mga kasama naming na babae sa loob ng court at nakita ko ang masamang tingin nila sa’min.

“Go, babe!”, rinig ko na sigaw ni Chuck. Tumingin ako sa kung nasaan siya at kahit malayo ay pinandilatan ko s’ya ng mata. Kung wala lang dito si Sir ay kanina ko pa siya namura.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon