Chapter 5

5.1K 146 3
                                    

Chapter 5: Girlfriend ko 'yan

 “Cordoja!!!”, rinig ko kaagad ang sigaw ni Andrew pagkababa na pagkababa pa lang naming sa kotse. “Couz!”

“Aiz! T’was amazing! God, I didn’t knew you were that cool!”, hyper na sigaw ni Troy ng salubungin ako. 

Thank God, nakarating kami ng buhay sa finish line. And know what? We won! We fuckin’ won! I didn’t expect na mananalo kami, but then again, ganoon talaga, nangyayari talaga ang mga bagay-bagay kapag hindi mo masyado ine-expect.

“May galos ka ba?”, lumapit sa’kin si Andrew at pinagtitignan ang mga braso ko pati ang ulo ko. “Patingin!” sigaw niya.

Natawa ako. “Couz, I’m fine. Ayos lang ako!”, saad ko at binawi ko ang braso ko na hawak niya.

“Hey, Chuckie!”, bati ko kay Chuck na nandoon sa may likuran nila Andrew. “I’m safe, look! Alive and breathing!”, he smiled at me, tapos ay naglakad palapit sa’kin.

“Good, dahil kung hindi..”, saad niya tapos ay bigla niya akong inakbayan. “Kung hindi, sa ospital ang diretso niyan.”, nguso niya kay Neo na ngingiti-ngiti sa may likod ko.

Nagtaas ng kilay si Neo at ngumiti. “She’s really good. I enjoyed the race.”, saad niya tapos ay kininditan ako. Naramdaman ko kaagad ang paghigpit ng kamay ni Chuck na nasa balikat ko. 

Alam ko, alam ko naman na past suitor ko si Chuck. Na binasted ko siya, at alam ko din, hindi sa naga-assume ako na hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya sa’kin. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ‘yun. Pero hindi niyo ako masisisi kung hindi ko siya ie-entertain. Bukod sa hindi ako nagb-bf ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. I made it clear naman with him. Na friend lang ang tingin ko sa kanya, and na-gets naman niya ‘yun. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko talaga siya mapipigil sa gusto niya na maramdaman o sa ire-react niya. Hindi ko naman siya pwedeng kontrolin at sabihin na huwag ganyan, huwag ganito. Ayoko naman na lumabas na porket gusto ako nung tao e, sasamantalahin ko na. Chuck is kind, and he’s one of my bestfriends. He knew me too well and I know na naiintindihan niya ako.

“Treat ko?”, saad ni Chuck habang nakaakbay sa’kin. Tumingala ako sa kanya para tignan siya.

Pinitik ko ang noo niya at inalis ang pagkaka-akbay niya sa’kin. “Treat? O eto, libre sapak.”, biro ko sa kanya at itinaas ang kanang kamao ko. 

“Aw pare, sapak daw.”, asar nina Kevin sa kanya habang natatawa na pinapanood kami.

Nag-pout si Chuck tapos ay hinila ako, madali niya akong nahila dahil nga sa laking tao niya. Matangkad at matipuno. Madalas niya ibalandra sa’kin ang katawan niya, inaakit ako. Pero sorry siya, di ako intresado sa abs niya!

“Kiss na lang, boss.”, tatawa-tawang saad niya sa’kin at ngumuso pa.

“Yuck, Chuckie!”, tinulak ko siya palayo sa’kin at pabirong sinuntok yung braso niya.

“Hey there, pretty. We meet again?”, napalingon kami sa lumapit. Ah, si Kris.

Tinanguan ko lang siya at ibinalik ang tingin ko kila Chuck na nag-aasaran na ngayon.

“Diba hindi mo naman boyfriend si Cordoja?”, tanong ni Kris. The fuck? Chismoso ito ha!

“Neo?”, tanong ni Chuck sa’kin. I just mouthed ‘Yes’ sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot sa’kin.

“Since, you won naman.. Pwede bang maimbitahan ka namin? Hang-out lang.”, saad ni Kris habang nakangisi at nakatitig sa’kin. Tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Yung para bang he’s checking me out, kung ano ang maipupuri niya sa’kin at kung ano ang maipipintas niya. 

Lumapit ito sa’kin hanggang sa magkaharap na kami. “I changed my mind, what if? A date?”, nakangising saad niya. Napapito iyong mga kaibigan niya na nasa niya.

“Ah. Sorry. Hindi kasi ako nakikipag-date eh.”, saad ko sa kanya. “Lalo na doon sa..”, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa katulad ng ginawa niya sa’kin. “Lalo na sa mas maliit sa’kin.”

“Pfff-“

“Hahaha!”

“Nice one!”

Rinig ko na komento nila Kevin na nasa likod ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang mood ni Kris. “Alam mo, huwag ka ng pakipot. Alam ko na yung mga ganyang style-“

“Eh, yung style ng kamao ko, alam mo?”, biglang sumabat si Chuck sa usapan namin. Pumagitna siya at hinila ako papunta sa likod niya. Pigil na pigil ang tawa ko ng magkaharap sila. Grabe kasi, hindi naman sa nagiging mean ako pero hanggang dibdib lang ni Chuck si Kris. 

“Pare, wag ka makisabat pwede ba-“

“Wag mo ako pare-hin, pwede din ba?”, halata na nang-aasar na sabi ni Chuck. “Girlfriend ko ‘yan. Ano? Kakana ka pa?”, iritadong saad niya. Maya-maya ay umalis na sila Kris na halatang inis pa rin sa nangyari.

Pagkaalis nila ay tawa ng tawa itong sila Chuck. Ako naman nakatingin lang ng hindi makapaniwala sa kanya, ng makita niya ako na nakatingin sa kanya ay nagkibit-balikat lang siya at itinuloy ang pagtawa.

Sanay na ako kay Chuck, yung paganyan-ganyan niya. Yung sinasabi niya na girlfriend niya ako. Palagi kasi pag may uma-approach na lalaki sa’kin, yung ganun ang ginagawa katulad ni kris, sinasabi niya na girlfriend niya ako para tantanan ako. Madalas siyang ganoon kapag lumalabas kami, sa school hindi kasi sa school wala naman nag-aaproach sa’kin. Siguro akala nila tomboy nga ako, kahit na ang totoo e hindi naman.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon