Chapter 3

6.4K 145 4
                                    

Chapter 3: Beating Chuck

Nakarating kami ng tambayan at itong mga kasama ko tawa pa rin ng tawa sa nangyari sa’kin. Ang sarap lang nilang paguntog-untugin!

“Yo, guys!”, bati ni Andrew ng makapasok sa tambayan. Agad niyang nakuha ang atensyon nina Chuck na naglalaro ng videogames.

Tinigil nila ang ginagawa nila at pumunta sa kung nasaan kami. “Yo.”, pati babalik ni Chuck. “Pinsan ka ni Aiz, diba?” tanong niya.

Ngumiti si Andrew. “Oo, dude. Kaibigan ka niya diba?”, tanong niya kay Chuck. Tumango si Chuck bilang sagot tapos ay nagbatian na silang mga lalaki. Wala ako ma-gets sa usapan nila kaya pumunta ako kung nasaan yung dalawang babae.

“Sino ‘yun?”, tanong ni Klarisse habang nakatingin kay Neo.

“bagong kaibigan ni Andrew.”, simpleng sagot ko at kinuha ang controller ng nilalaro nila Chuck kanina. Naka-pause yung laro nila Chuck. Paano ako makakapaglaro.

“Chuck! Start new game ko ah.”, hindi ko na siya hinintay sumagot. Ni-new game ko na agad.

“Wag!”, rinig ko na sabi niya. Maya-maya nakita ko na siya sa likod ko.

Nagkibit-balikat ako at ibinalik ang tingin ko sa screen. “Too late.”, saad ko at sinimulan na maglaro noong karera na nilalaro lang kanina nila Chuck.

Muka mang inis ay nakita ko na tumabi siya sa upuan ko. Tapos ay kinuha yung isang controller. “2 players tayo, boss.”, saad niya. Hindi pa ako nakasagot ay ni-restart niya yung game tapos ay ginawang two players.

“Ano’ng price pag ako nanalo?”, tanong ko sa kanya. Napansin ko na din na nasa likuran na naming sila Andrew pati mga kaibigan niya tapos ay sina Kevin.

“Kahit ano gusto mo.”, nakangiting sabi ni Chuck.

“Sige, pag ako nanalo. Kunin mo board ko kay Kalbo.”, saad ko sa kanya narinig ko na natawa sila Kevin.

“What? Kalbo naman talaga si sir. Tanong mo pa kay Andrew.”, saad ko at ibinalik ang tingin ko sa screen.

“Fine. Kalbo na kung kalbo.”, sagot ni Chuck. “Paano kapag ako ang nanalo?”, napatingin ako sa kanya at nakangisi siya.

“Ade kahit ano din.”, saad ko.

Nakita ko na napataas ang kilay niya. “Kahit ano?”, nakangiting sabi niya.

“Kahit ano nga. Kulit.”, sagot ko.

“Sige, kapag ikaw ang nanalo. Kukuhanin ko ang skateboard mo kay Kalbo. Pero..”, pabitin na sabi niya.

“Pero ano? Come on Chuck.”, iritableng sabi ko.

“Pero kapag ako ang nanalo, papayag ka makipag-date sa’kin.”, nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Seriously?

Narinig ko ang pagtawa nina Kevin mula sa likod pati na din nila Andrew. Ang walanghiya at taksil kong pinsan! Ugh!

Kung iisipin, magaling talaga maglaro ng ganitong mga videogames si Chuck. Wala nga nakakatalo sa kanya sa’ming magkakabarkada eh. Pwera sa’kin. *evil laugh* Sisiguraduhin ko na mananalo ako sa kanya.

“Sige.”, nakangising saad ko.

“Sure ka?”, nakangiti ng malawak na saad niya.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon