01

722 9 7
                                    

"Sigurado ka bang sa Manila mo gustong mag-aral?" Tanong sa akin ni Daddy. "Or you could also study sa University na pinapasukan ni Hillary. Mababantayan ka niya kapag nasa iisang school kayo." Dagdag pa ni Daddy.

I took a deep breath. I looked at my dad who's standing at the side of my bed. Nasa kabilang side ako at nakaupo. He just got home from work. Nasa pocket niya ang parehong kamay habang nakatingin sa akin.

"I want to study in Manila, Dad. I don't want to stay here in Laguna, gusto ko rin mag-explore sa ibang lugar." I told him.

At gusto ko nang umalis sa bahay na 'to. I rather choose to study and live alone in Manila kesa naman magstay dito at mag-aral sa same University na pinapasukan ni Ate Hillary. For sure ayaw niya rin na nasa iisang University kami. We're not in good terms simula pa lang.

"If you want to study in Manila, then you're staying at my place there—" I cut him off.

"No, Dad." Matigas na sabi ko. "I want to live alone."

Kumunot ang noo niya. "You can't," He said.

"Why?" Kunot noong tanong ko. "I can cook, Dad. I can do house chores. I know how to wash my own clothes. I can live alone, Dad. Hindi na ako bata." Sabi ko sa kanya.

"But, you can also do things that you know you should not."

Natahimik ako at umiwas ng tingin. I know kung anong tinutukoy niya. It irritates me everytime na pinapaalala nila 'yon. Ilang beses akong huminga ng malalim para kumalma.

"You're too impulsive sometimes. You can't even decide on your own. Mahirap kang hayaan mag-isa dahil hindi mo pinag-iisipan ang mga ginagawa mo."

I sighed and stood up. "Dad, tungkol pa rin ba 'to sa nangyari noon?" I asked. He just sighed. "Dad, ano pa bang kailangan kong gawin para mapatunayan ko ang sarili ko sa inyo?"

"Fhaye, listen, I am doing this for you para hindi na maulit yung nangyari noon. Mahirap na. Especially that drug incident—"

"I told you I didn't take drugs!"

"But the result was positive, Jenwel Fhaye." He said. "Are you saying that the result was fake? At hindi lang 'yon ang inaalala ko. You're too young to be in a relationship and go out and drink with your friends!" He added.

I still didn't take that fucking drugs! Hindi ko nga alam kung paano nagkaroon ng drugs sa iniinom ko noon! I was having fun and bigla na lang ako nakaramdam ng hilo. Nung nagising ako nasa ospital na ako at galit na galit si Daddy. He's really mad but I'm not lying. I didn't take drugs. Hindi ako adik. Punyeta, sa ganda kong 'to?!

"Hindi niyo pa rin nakakalimutan 'yon, no?" I smirked sarcastically. Of course, tatatak sa kanila yung mga pagkakamali ko but never the good things I did. "Wala ba akong chance na magbago?"

"I know you, Jenwel Fhaye..." Dad said in a calm voice. "Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyari noon pero hindi ko nagugustuhan ang pagrerebelde mo."

My lips parted in shock. Rebelde? Rebelde na ba ang paghahanap ng kaligayahan sa labas? I just want to have fun outside. Kasi kapag nandito ako, nasasakal ako. Anghirap huminga sa iisang lugar kasama si Ate Hillary at ni Mama. Mama Mercedes is my step-mom, I welcomed and treated her as my real mom, but she can't do the same thing to me.

"Daddy, kahit ngayon lang, magtiwala ka naman sa akin." Pakiusap ko. "Let me live alone."

Para mapatunayan ko sa inyo na kaya ko. Kaya ko na wala kayo. I want to prove myself to you that I can live alone without depending to anyone. Para na rin walang masabi ang asawa mo sa akin. Hindi naman ako buhay prinsesa dito kahit na may karapatan ako, pinagmumukha niya lang talaga palagi na inaalipin siya dito. May mga kasambahay naman kami, no.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now