08

288 5 3
                                    

"Tangina, angsakit ng ulo ko!" Inis na sabi ko habang pauwi kami ni Levi. "Ikaw, bakit ka ba nandito? Bakit mo iniwan yung babaeng kausap mo?" Tanong ko pa sa kanya.

Napabuntong hininga siya. "Calm down, woman. You're drunk." Sabi niya.

"Oh, e, ano naman kung drunk?!" Hinarap ko siya. "Lagot ka sa mga kaibigan ko kapag naabutan nila akong wala!" Pananakot ko pa sa kanya.

He shook his head, nauubusan na ng pasensya. "Nakasalubong ko si Aries bago kita puntahan." Sabi niya.

I pouted before crossing my arms over my chest. Napatingin ako sa kanya nang tumunog ang phone niya. Seryoso siya nang sagutin ang tawag. Sino naman 'yon? Yung babaeng kausap niya kanina?

"Yeah, she's with me." Sabi niya. "Yes. Ihahatid ko na siya sa condo niya... Alright," He glanced at me. Seryosong seryoso! I raised a brow to him. "Si Tom, hinahanap ka." Sabi nya.

I didn't answer. Tumunog ang phone ko at nagtext na ang mga bruha sa group chat namin. Kanina pa pala sila nagcha-chat doon. Inaasar lang nila ako kaya hindi ko na 'yon pinansin. Tinabi ko na ang phone ko at sumandal sa inuupuan ko at pumikit. Naramdaman kong tumigil ang kotse kaya nagmulat ako.

Lumabas si Levi sa kotse niya at umikot sa side ko. Levi opened the door beside me. Tinanggal niya pa ang seatbelt ko bago ako alalayan na bumaba.

"Kaya ko!" Inis na sabi ko saka binawi ang kamay ko pero matutumba ako. "Ay, puke!" Napahawak ang sa balikat niya.

He smirked sarcastically. "Hm? Kaya mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin at hinayaan na siyang alalayan ako. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit ko. Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Your key," sabi niya.

Binigay ko naman sa kanya yung bag ko para siya na ang maghanap. Bumuntong hininga siya at hinanap doon ang susi ko. Hanggang sa loob ng kwarto ko ay nakaalalay siya sa akin. Hiniga niya ako sa kama ko. Siya pa ang nagtanggal ng heels na suot ko.

"I'm not going to undress you but you should change your clothes. You smell like alcohol." He said.

Sumama ang mukha ko at nagmulat. Kala mo naman hindi pa niya nakikita 'to! Tumayo ako at dumeretso sa loob ng bathroom ko. Nag-shower ako at muntik pang makatulog sa loob ng bathroom. After ko magbihis ay lumabas ako sa bathroom at nagulat nang makitang naroon pa rin siya.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin. "Drink this," inabot niya sa akin yung glass of water.

Tinanggap ko naman ito at ininom. "Angsakit ng ulo ko," sabi ko. "I want to sleep na," sabi ko at pumikit.

"Take a rest. You drink a lot of alcohol, paniguradong masakit ang ulo mo bukas." Sabi niya. Humiga ako at inayos naman niya ang kumot ko.

Nakatulog agad ako after that. Kinabukasan nagising ako at sobrang sakit nga ng ulo ko. Naalala ko yung mga pinag-sasabi ko kay Levi kagabi! Nakakahiya! I acted like that infront of him?! What the hell, Jenwel!

Kinuha ko ang phone ko at nabasa ang mga message niya sa akin.

Levi: I know I upset you last night for some reason. I don't know what I did wrong but I'm sorry.

What? Siya pa ang nag-sorry?!

Nasabunutan ko ang sarili ko at tumayo mula sa kama ko. Hanggang sa matapos ako sa pagligo ay yun ang iniisip ko. Kumain ako ng lunch at nag-ayos na, papunta sa dance studio. Sana naman wala siya doon.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now