05

321 7 4
                                    

"Anong plano niyo? Uuwi ba kayo ng Laguna?"

Malapit na kasi ang undas, malapit na rin mag sembreak. Ako, wala akong plano. Bahala na. Dito na lang ako sa Manila dahil ayokong umuwi sa Laguna. I'll spend my time here, exploring things. Masaya naman ako sa sarili ko, 'no!

"Uuwi ako ng Laguna," sabi ni Eli.

"Same," si Fiona.

"Ako rin," si Tom.

Pati si Aries ay uuwi rin. Si Laurice naman ay hindi pa rin niya alam kung uuwi ba siya o hindi. Pero ang sabi niya, baka umuwi siya at magtrabaho sa coffee shop nila para may pagkaabalahan siya habang walang pasok. Sinabi ko naman sa kanila na hindi ako uuwi. Kaya nung dumating ang sembreak ay wala akong kasama magpunta sa mga party.

"Where's your friends?" Vince asked me. Schoolmate ko.

"Umuwi sa Laguna," sagot ko. "Hoy, madaya!" Turo ko kay Yohan.

"What? Hoy, uminom na ako!" Sabi niya pa. "Ikaw na!" Binigay niya ang baso sa isa pa naming kasama. Nasa club kami ngayon at sila ang kasama kong uminom.

"Angtagal naman ni Alisson?" Si Kristen. "Kanina pa siya on the way, ah." sabi niya at inilabas ulit ang phone niya.

"Baka traffic," sabi naman ni Vince.

Maya maya naman ay dumating na si Alisson. Maganda talaga si Alisson. When I first saw her, talagang nagandahan ako sa kanya. Natural ang ganda sa mukha niya, kahit nga yata walang ayos, maganda pa rin siya. Mukha siyang model!

"Sorry, guys, I'm late!" Nakipag-beso siya sa amin bago umupo. "Nagka-emergency lang sa bahay," ngumiti siya sa akin. "Do you want another drink? Ako na bibili, it's on me."

Mayama sila dahil may ari ng ospital ang parents niya, pareho pang doctor. Siya ay accounting ang kinuha. Buti at hinayaan siya ng parents niya na mag-accounting. Balak ko sana siyang ireto kay Tom kaso may nakakamabutihan na pala siya.

"Restroom muna ako. Dami kong nainom," sabi ko sa mga kasama ko.

Naglakad ako papunta sa restroom. Hindi ganoon karami ang tao ngayon dito sa club. Umuhi lang ako at naghugas ng kamay saka muling lumabas. Hindi ko pa ulit nakikita si Levi, siguradong busy siya. Kasama niya siguro yung family niya. Naglalakad na ako pabalik sa mga kasama ko nang may makasalubong ako. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

"Seb.." mahinang usal ko.

He also looks surprise to see me. "Jenwel," he said my name. "How are you?" He casually asked. I almost forgot how his voice sounds like. 

We're okay. Maayos naman kaming naghiwalay noon. Hindi ko lang siguro matanggap na wala na kami. Pumayag naman akong makipag-hiwalay sa kanya dahil para rin 'yon sa kanya. Kailangan niyang pumunta dito sa Manila para mag-aral and we can't handle a long distance relationship. Kaya pumayag akong maghiwalay kami kahit masakit. Masyado pa kaming bata noon. 

Nahirapan akong magseryoso after that. Kasi kahit pumayag ako, hindi naman 'yon ang gusto ko. He promised na hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari but he needs to make decisions for himself and for his future. I need to let him go. Yun lang ang choice na meron ako nung time na 'yon, e. Mas mahihirapan lang ako kapag ipagpipilitan ko pa yung gusto ko.

"I'm doing good, Seb." Sagot ko. Ang alam ko we're studying in the same school. Pero sa laki ng school namin, hindi ko siya nakikita doon. Ngayon lang ulit kami nagkita. Maybe he's also busy achieving his dream to become a pilot.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon