19

284 4 5
                                    


"Manonood ka rin?" tanong ko kay Levi.

Tumango siya. "Manonood ka, e." he answered. "Binigyan na pati ako ni Aries ng ticket," sabi niya.

Bukas na ang laro ni Aries. "Naks, close na close na kayo, ha." sabi ko. Grabe, kahapon niya nga lang binigay sa akin yung ticket, sinisingil pa ako!

Tumango siya. "Hindi niya ako nilubayan nung nag-inom kami," natatawang sabi niya.

Napailing na lang ako. Kumakain kami ngayon ng lunch dahil may time siya na samahan ako n[gayon kaya pinuntahan niya ako dito. A lot of students, some of them ay kilala ko, mga nakatingin sa amin ni Levi. Nagulat pa yata sila dahil magkasama kami ni Levi. Narito rin si Bianca, kanina pa lingon nang lingon sa amin.

Nasabi naman na sa akin ni Levi na umamin noon sa kanya si Bianca. Ayos lang naman sa akin, medyo close din kaming dalawa dahil nakakasama ko siya mag-inom. Wala naman akong kaso sa mga nagkakagusto kay Levi hangga't ako naman yung mahal at pipiliin niya, wala akong kinakabahala.

After eating lunch, umalis na rin si Levi dahil may klase pa siya at baka abutan siya ng sobrang traffic pabalik sa university. Vacant naman kami hanggang 3 pm kaya tumambay na lang ako kasama yung ibang kong blockmates. I saw Eli walking at the hallway with her blockmates, too. I smiled when I saw her smiling with them. I hope she feels better.

Nagkaayaan kami sa starbucks habang hinihintay namin mag 3 pm. I just ordered coffee then binuksan ko yung laptop ko dahil may report din kami mamaya sa isa naming subject. Nung gabi naman ay nasa condo lang ako. I cooked my dinner and kausap ko ngayon si Levi. Magka-video call kami habang nagluluto ako at siya naman ay nagrereview.

Tapos na yata siya kumain kaya balik na siya sa pagre-review. Hanggang sa kumain ako ay magka-usap kami. Pinapanood ko lang siya habang kumakain ako. Seryosong seryoso siya mag-basa. Nasa kwarto niya siya dahil sobrang tahimik ng paligid niya at halata rin sa background. Naka-upo yata siya sa study table niya dahil kitang kita ang liwanag na nagmumula sa lamp na nasa study table niya.

He looked at me through the screen and I smiled at him. Hindi ako makapagsalita dahil may laman pa ang bibig ko kaya tinapos ko muna ang pagnguya ko at nilunok ang kinakain bago magsalita.

"Pati mata ko busog na busog," sabi ko sa kanya. "Pogi mo, sarap halikan," I giggled.

He chuckled. "You like kissing me, huh," he said.

"Hoy, 'di, ah! Nagiging assuming ka na, ha," I teased him.

He smirked. "Ikaw ba naman kasama ko palagi," ganti niya!

Tumaas ang kilay ko. "Excuse me?" pagtataray ko.

Natawa siya. "Ganda mo, baby," he said.

Naneto, alam na alam kung paano ako kunin! Inirapan ko nga siya. Hindi ako easy to get.

Hanggang sa paghuhugas ko ng pinggan ay magkausap kami. Pinatay lang namin yung tawag nung matutulog na kami. Kinabukasan naman ay sabay kami nagpunta ni Levi sa Arena. Naka-yellow ako, ganoon din si Levi at ang mga kaibigan namin. FEU ang kalaban nila Aries. Nandito nga rin si Heather, taga FEU kasi siya at baka susuportahan ang school nila. Binati ko nga siya at parang paalis na rin siya.

"Nakita mo si Heather? Nakasalubong ko siya sa labas kanina," sabi ko kay Eli.

Tumingin siya sa akin at umiling. "Hindi. Si Allen ang nakita ko kanina," sabi niya.

Tumango ako. Baka may pinuntahan lang saglit si Heather. Nandito boyfriend niya, e, baka babalik 'yon. Nagpicture kaming magkakaibigan. Pinicturan din namin si Aries na nasa court, nagwa-warm up. Medyo malapit kami sa court at kitang kita namin siya. Dumadami na rin nang dumadami ang tagahanga ni Aries.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant