12

279 4 2
                                    


"Huwag ka na mainis. Malapit naman na ang Christmas break," Levi said. Nilapag niya ang coffee sa harapan ko.

Naka-focus ako sa ginagawa ko sa laptop ko. I was reviewing for our quiz sa major and I'm also doing a report. Kunot noo ako habang nagta-type sa laptop ko. Levi is also doing his schoolworks. Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa condo ko. This is our favorite coffee shop.

"Hey," tawag sa akin ni Levi.

Bumagsak ang balikat ko. "Anghirap naman nito! Ayoko na. I can't do this." I said and pout. Sumandal ako sa inuupuan ko.

Bumuntong hininga naman si Levi. "Let me see. I'll help you. You can't give up easily," He told me.

He explained it to me. Medyo naintindihan ko naman nung siya na ang nag-explain. Nag-enjoy din siguro ako na tinuturuan niya ako kaya naintindihan ko. Pwede naman pala pagsabayin ang pag-aaral at paglandi, e.

Nagkwento na lang ako kay Levi nang matapos ako sa ginagawa. He was listening to me while doing his schoolworks. Nakatingin siya sa laptop niya pero sumasagot siya sa mga tanong ko, halata mo rin na nakikinig talaga siya. Tumahimik ako dahil medyo nakaka-abala na rin ako sa kanya at pwede namang mamaya ko na ikwento sa kanya.

He looked at me when he noticed that I stopped talking. "Why? Continue. I'm listening," he told me.

"Mamaya na. Tapusin mo na muna 'yan," I gave him a smile.

He also smiled at me before continuing what he's doing. Inabot kami ng anong oras sa coffee shop dahil marami kaming pinag-usapan. I went to the dance studio the next day. Levi also went there. Nakaupo siya sa couch sa kalapit ni Coach habang ako ay busy sa pagpa-practice.

I checked my phone while I was taking a break from dancing. Umupo muna ako at uminom ng tubig habang binabasa ang chats ng mga kaibigan ko sa group chat namin. Nag-chat kasi ako kanina doon para mag-aya ng inuman at ngayon ko lang nababasa ang replies nila. Si Fiona ang nag-aaya uminom.

Aries: ano ba yan umagang umaga nag-aaya na uminom

Laurice: kapag ba sumama ako sa inyo papasa ako?

Fiona: hindi pero malalasing ka naman

Eli: priorities Laurice, priorities. kaya sumama ka na

Tom: yes finally! im waiting for this moment!!!! libre ko na alak guys

Aries: napaghahalataang single ampota

Tom: bro what

Aries: walang nagbabawal uminom

May mga pagtatalo pa sila doon kaya natatawa ako habang umiinom ng tubig. Si Xhenlai ay naka-seen lang. Iniisip ko kung may mairereto ba ako kay Tom. Si Gwen kaya? Pero halata namang 'di siya type ni Tom. I typed my reply before sending it to our gc.

Jenwel: sa condo mo ba @Aries di pinili?

Agad namang nag-reply si Aries nang imention ko ang nickname niya.

Aries: sige lang pero sinong siraulong nagpalit ng nickname ko????

Maya maya ay nagchat ulit siya.

Aries: NASAAN YUNG ARIES POGI MALAKI MUSCLE

Nag-haha react na lang ako sa chat niya at binaba na ang phone ko. Lumapit sa akin si Levi. I gave him a smile when he sat beside me.

"Gusto mo ba sumama?" I asked him. "May inuman mamaya sa condo ni Aries," sabi ko sa kaya.


He looked at his watch. "What time?" He asked.


He Stole My Heart (Heart Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang