24

298 1 0
                                    


trigger warning: harassment , strong languages


"Hoy! Ano? Bakit ka natulala?" 


Napatingin ako kay Fiona. Nag-aalala ang mukha niya habang yung dalawa ay nakatingin lang din sa amin. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin bago muling uminom. I pretended that I don't give a fuck. 


"E, ano naman kung bumalik siya?" I smirked, it was forced. "As is... babalikan siya ni Levi," I bit my lower lip. I covered in with the shot glass. 


Fiona rolled her eyes. "'Yan! Confident ka dapat! Ikaw ang girlfriend, ikaw ang may karapatan!" tumatangong sabi ni Fiona. 


They changed the topic pero natahimik na ako. I sighed before standing up, nagpaalam ako na pupunta muna sa restroom. I retouched my makeup and stared at myself in the mirror. 


I don't know what to feel after knowing that she's back... Alam ba ni Levi? Alam kaya niya na narito na ulit ang ex niya? Bakit bigla akong nakaramdam ng takot? My mind was clouded.. angdami kong iniisip. Kung bumalik na siya... babawiin niya ba si Levi? Is she going to take him away from me?


I don't want to overthink. Levi loves me... pero anong laban ko sa ilang taon nilang relasyon? Anong laban ng ilang buwan naming relasyon sa taon nilang relasyon? Sobrang tagal nag-move on ni Levi kay Tamara... paano kung bumalik lahat ng nararamdaman niya kay Tamara sa oras na makita niya muli ito?


Natatakot ako...


"Tamara, it's good to see you again," sabi nung babae sa likod ko.


Napatigil ako sa paglalakad palabas nang restroom nang marinig ang pamilyar na pangalan. I froze at napatitig na lang sa baba. 


"You're finally back," sabi pa nito. "Are you staying here again for good?"


Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa dalawang babae na nag-uusap hindi kalayuan sa akin. 


Tumango ang babae. "Yes. I need to fix a lot of things here, especially something me and Levi," sabi nito.


She's tall. She has fair skin, small face, and her hair was long. She has almond shaped eyes, thin lips, small and pointed nose. She's not skinny, her body was just normal. She's pretty. Her eyes smiles with her lips.


"I heard he already have a new girlfriend?" sabi ng kausap nito.


Nakita kong ngumiti si Tamara. "Well, I'm going to meet him. We're going to fix our relationship," sagot nito. "Ako lang naman ang nararapat para kay Levi," dagdag niya. 


Bumilis ang tibok ng puso ko at wala sa sariling naglakad palabas ng club. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. My friends are probably busy to even notice that I left the club. Babalik din naman ako doon I just need some fresh air. 


My mind was occupied. Sa dami ng iniisip ko hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa naman ako kalayuan sa club pero hindi ko gusto ang lugar na ito. Madilim na at wala masyadong nadaan na tao. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now