09

297 9 3
                                    

"Bro, don't stare at him, he's gonna melt na."

Napatingin ako kay Xhenlai nang sabihin niya 'yon. Loko 'to, ah. Hindi ko naman kasi napansin na nakatitig na pala ako kay Levi na kausap si Laurice ngayon. Masama ang mukha ni Laurice sa hindi malamang dahilan.

"You're not jealous, right?" Tanong pa niya.

Hinarap ko siya. "Selosa ako pero hindi ako magseselos sa kaibigan ko." Sabi ko kay Xhenlai. "May ibang gusto 'yan," sabi ko pa.

Tumango siya. "Yeah, I heard." Sabi niya.

Lumapit ako dun sa dalawa. Nasa sala sila habang kami ay nasa dining, naghahain na sila dahil kakain na kami. Nagluto kami ng pasta at umorder ng pizza. Tatawagin ko na sila Laurice at Levi dahil kakain na kami, mukhang seryoso naman ang pinag-uusapan nila.

I smiled when they saw me. "Kakain na," sabi ko sa kanila at tumalikod na.

Umupo ako sa kalapit ni Eli, nasa kabila naman niya si Xhenlai. Si Levi ay umupo sa kalapit ko. Buti na lang at malaki ang condo ni Aries at kasya kami dito sa dining area. Maganda ang design ng condo niya, all black, yung ibang gamit naman niya ay dark color. Pati tiles ay black.

"What do you want to eat?" Tanong sa akin ni Levi. Tumingin ako sa kanya. "Don't look at me like that." Tumawa siya. "Totoong pagkain muna ang kainin mo. Mamaya na ako, for dessert." He whispered before winking at me.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tutusukin na kita ng tinidor, e."

"Magkaibigan nga kayo," he smiled at me. Nawala ang mata niya sa pag-ngiti pero hindi naman niya pinakita ang ngipin niya. Nakaka-asar din pala pagmumukha nito!

We started to eat na rin dahil mag-iinom pa kami. Nagkekwentuhan kami habang kumakain. We're talking about a lot of stuffs. Masyado akong focus sa pakikipag kwentuhan at hindi ko napapansin na kanina pa pala lagay nang lagay si Levi ng pagkain sa plato ko.

"Tataba ako," sabi ko sa kanya.

He raised his brows. "So? Maganda ka pa rin," sabi niya.

Naitikom ko ang labi ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko na may nang-aasar na ngiti sa akin. Umubo ubo pa si Aries! Mabilaukan ka sana!

"Tigilan mo nga ako," sabi ko kay Levi. Nginisian niya lang ako.

"Pakipot, amputa. Te, 'di bagay sayo." Sabi sa akin ni Fiona. I looked at her and made a face.

Hindi ko na pinansin ang pang-aasar nila. Palibhasa ako ngayon ang may dalang lalaki kaya ako ang trip nila. Kapag talaga sila nasaktan, tatawanan ko sila!

"How's Legal Management, by the way, Tom?" Maya maya ay tanong ni Levi kay Tom. Para naman siyang tatay!

Ngumiwi si Tom. "It's fine. Mahirap lang mag-adjust nung umpisa but I enjoy studying Law." Sagot naman nito.

"Yeah. You can ask me if you're struggling with something. Maybe I can help you in any way." Sabi pa ni Levi. "You, too, Eli." sabi niya kay Eli.

"Talaga? Thank you, Kuya Levi!" sabi ni Eli kaya nagtawanan kami. 

Natawa rin si Levi. "Levi na lang, please." sabi niya.

Sobrang hirap siguro talaga ng course nila, 'no? Paano kaya nakakaya ng utak ni Levi 'yon? I already saw how thick their books are, tapos may iba pa silang binabasa. Grabe, anong klaseng utak kaya ang meron sila?

"Easy lang, ha?" Sabi sa akin ni Aries nang ilapag niya ang bacardi sa center table ng sala niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagsimula na rin kaming uminom. Nakailang shot agad ako ng alak. Hindi ko alam pero wala akong pake sa pait na nalalasahan ko ngayon, parang kulang pa nga! Mas mapait 'tong nararamdaman ko. Kalapit ko si Levi pero hindi kami nag-uusap. He's also drinking and I can feel his stare pero sa harap lang ang paningin ko.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now