26

347 1 0
                                    


Finally, malapit na akong mag 3rd year! Malapit na akong matapos sa 2nd year! Konting kembot na lang, mamukat ko tapos na ako sa college! Pero nakakakaba naman kasi hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin after ng college life ko. 


Sobrang nakakakaba at nakakatakot. Baka kasi isang araw gumising ako at hindi na si Levi yung kasama kong salubungin ang bawat araw. 


Si Levi lang kasi ang kasama ko sa lahat. Ang komportable akong gawin ang lahat. Siya lang ang kasama kong harapin ang lahat, ang nasasandalan ko, ang kahinaan ko, at ang lakas ko. I don't have a mother whom I will share my accomplishments, happiness, disappointments, pain, and success with. Si Levi lang ang meron ako. 


Si Levi lang. Ang Levi ko..


 "Napatawag ka?" tanong ko kay Laurice matapos sagutin ang tawag niya.


 Alas nuebe pa lang ng umaga, kagigising ko lang, nakahiga pa si Levi sa kama ko at nakadapa. Walang suot na kahit ano dahil sa nangyari kagabi. Maliligo na sana ako nang tumawag si Laurice. 


[Dito ako sa condo ni Eli, e.. hindi ko kaya mag-isa 'to] bakas ang pag-aalala sa boses ni Laurice kaya kumunot ang noo ko. 


"Ha? Bakit, anong nangyari?" tanong ko. 


[Kagabi kasi nag-aaya siyang uminom kaso hindi ko nasamahan kasi may plates akong tinatapos. Sabi ko imessage kayo baka kako pwede kayo kaso nag-inom pala mag-isa. Ngayong umaga, pinuntahan ko. Nalaman ko yung dahilan kung bakit siya nag-ayang uminom...] 


Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Levi was already awake, sitting beside me with his arms around my waist and his face placing on my neck. Hindi ko siya magawang pansinin dahil sa mga sinasabi ni Laurice. Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang sinabi ni Laurice. 


[Bumagsak si Eli, Jenwel...] 


Fuck! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Akala ko ba babawiin niya?! I thought he's already focusing on her studies?! 


Napasinghap ako. Nasapo ko ang noo ko at hindi ko alam kung anong sasabihin. Humiwalay si Levi, paniguradong narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Laurice. Ilang beses akong huminga ng malalim. Tangina. Tangina naman, Eli. 


[Makakapunta ka ba? Iyak siya nang iyak, e. Mukhang hindi pa rin nakakatulog ng maayos] 


Pumikit ako bago sumagot. "Oo, hintayin niyo ako diyan." sabi ko bago patayin ang tawag. 


I didn't utter a word at tumayo na lang para dumeretso sa bathroom at maligo. Habang nag-aayos naman ako ay si Levi naman ang naligo. Kinakain pa rin ako ng mga iniisip ko. Naghahanap na agad ako ng mga pwede kong sabihin kay Eli. Iniisip ko na agad ang mga dapat kong sabihin sa kanya. 


Ayoko siyang pagalitan. Huwag ngayon dahil alam kong hindi rin naman niya ito ginusto. Masyado lang siyang nilamon ng sakit. Nahirapan lang siyang pagsabayin ang sakit at pag-aaral dahil sa dami ng nangyari. Hindi niya kailangan ng galit o mga salita ko, ang kailangan niya ay karamay. Kailangan niya ng taong maiintindihan siya. Ng taong malalapitan, ng taong sasamahan siyang malagpasan ang lahat. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now