27

395 2 0
                                    

There are moments in life that we want to live in forever. Lalo na kapag doon tayo masaya.. kapag kasama natin yung taong mahal natin. I used to live in the moment where my Mom was still alive. I wish we had more time, to spend together, to laugh together. I wish we had more time so I could feel I am loved. 

Nabuhay ako na puno ng galit.. sakit.. pangungulila--sa pagmamahal, atensyon, at ama. It feels like I lost a father, too. I grieved on my father more than my mom... I lost a family. Para akong natanggalan ng rason para mabuhay. I lost everything I have.. a mother, my family, and almost myself. I felt helpless. I tried my best to keep myself... Did I keep the wrong one? It seems like she wasn't enough. She wasn't deserving for a love. 

Growing up I only have me. I only have myself. So why does it feel wrong to put myself first? I provide the love and happiness for myself. So why does it seem like I am selfish? Sakim ba ang pagmamahal na alam ko?

Siguro nga... Maybe I am really selfish to keep Levi, the only person who made me feel loved, who showed me how love really works. Sakim nga siguro ako dahil pinangako ko sa sarili ko na ipaglalaban ko si Levi, huwag lang siyang mawala sa akin. Sakim nga siguro ako dahil ayoko siyang mawala sa akin. 

Thank God, I met Levi. He made me experience the love I've been looking for my whole life. 

"Baby," I felt Levi's hand around my waist. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko habang nakayakap sa akin mula sa likuran. "Maaga pa naman, lunch muna tayo?" tanong niya. 

Tumango ako. "Where are we going first?" humarap ako sa kanya. 

"Tukon Church," nakangiting sagot niya. Sinabi niya sa akin yung mga pupuntahan namin ngayong araw. 

Kasama na doon ang iba ko nilista na gusto kong puntahan. Sobrang excited ako ngayon dahil narito ako sa dream destination ko dito sa bansa tapos siya pa ang kasama ko. 

We eat lunch. I am excited for our tour here in Batanes. Paanong hindi, napakaganda ng mga makikita dito. We're going to stay here for three nights and four days. I am excited to spend time with him. Pagkatapos nito, magiging busy na siya sa Law School kaya susulitin ko na. At least kahit ilang araw lang ay makapagpahinga siya. 

There's a lot of things we're planning to do here. We're going to visit the cathedrals, Basco Lighthouse, Chawa View Deck, Valugan Boulder Beach, Honesty Store, and of course the End of the Road! 

Pinag-usapan namin ni Levi ang mga balak namin habang kumakain. Dito lang din sa hotel since may resto naman dito sa baba. Sa room naman namin ay sakto lang sa amin ni Levi tapos maganda pa yung view. Super relaxing! Kahit saan ka tumingin ay mamamangha ka. Breathtaking! 

Sobrang payapa mo, Batanes. 

Sariwang sariwa ang hangin at parang gugustuhin mo na lang na dito tumira habang buhay. 

"I ordered their famous and best dishes here," Levi said, napatingin ako sa kanya. "Mostly are seafoods, baby,"

Tumango ako. "Levi, do you understand what they are saying? Hindi ko sila maintindihan kanina, e." sabi ko.

"It's Ivatan, their local language here. Don't worry, they also understand us and they know how to speak tagalog," sagot niya naman.

Tumango naman ako. Mabuti naman. Akala ko kasi buong trip namin akong mahihirapan intindihin sila. 

Nag bihis na rin kami ni Levi at nag-ready dahil sisimulan na namin na libutin at puntahan ang mga tourist spot dito. We're going to the cathedrals first. I'm wearing a dress. White floral dress that reaches almost above my knee. May dala rin akong small bag para mailagay ang mga dadalhin namin. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now