07

323 5 6
                                    

"Sabi ko, crush ko lang siya! Happy crush! Yun lang!" Inis na sabi ko.

Inaasar kasi nila ako na na-fall na ako kay Levi!Nandito kami sa condo ni Eli. Kumakain kami habang nagkekwentuhan at umiinom. Napailing na lang si Laurice, si Fiona ay inaasar ako habang si Eli ay ginagatungan pa si Fiona!

"Sinabi ko na rin 'yan, e." sabi ni Fiona.

Sumama ang mukha ko. "Trust me. I won't fall for him." I told them.

Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito. Levi replied on my ig story. I posted our pictures kasi sa ig story ko. I posted the photo of our food and drinks, then kaming apat.

levisylvan: lasing na naman si madam mamaya

Natawa ako sa reply niya. Mas naging close rin kaming dalawa ni Levi. And I can say, he's really a nice person. Masungit lang talaga siya minsan. Sinabi ko naman 'yon sa kanya and he said, he's really masungit kapag hindi pa sila close nung tao.

Nagreply rin si Aries at Tom, pati si Xhenlai.

zarckeus: fake friends #ifeelbetrayed

alvion.t: wow bonding yan??? walang iyakan ha

xhenlaidm: enjoy! tell eli not to drink too much :)

Nagreply ako sa kanila bago ibaba muli ang phone ko at makipag-kwentuhan sa mga kaibigan ko. They are talking about a lot of stuffs. Hindi rin kami nauubusan ng kwento kapag magkakasama.

"Baka sa resort na lang rin ako mag-trabaho after college. Hindi ko pa talaga alam ang gagawin ko, e." Sabi ni Fiona. "Ikaw, Jenwel, for sure may position ka agad sa company niyo." Baling niya sa akin.

Nagkibit balikat ako. "I really hope so," sabi ko. Hindi rin kasi ako sigurado pero sa kumpanya pa rin naman ako magtatrabaho kahit papano.

"I still have a long journey," Sabi naman ni Eli.

"Mag-aapply agad ako sa kumpanya niyo, Eli, after graduating." Sabi ni Laurice.

Agad-agad?!

"Wala ka bang balak magpahinga muna? Kahit one year lang?" Tanong ko.

Umiling siya. "Boring ang buhay ko kaya kailangan ko ng mapagkaka-abalahan." Sagot niya.

Tumango naman ako. Naiintindihan ko si Laurice, she's a career-oriented person,  masipag rin mag-aral. Gusto niya palagi siyang busy at may pinagkaka-abalahan. Doon umiikot ang buhay niya, e.

Marami pa kaming pinag-usapan. Most of them are the memories we made, at nakakamiss kapag binabalikan namin yung mga high school memories namin. Natatandaan ko pa kung paano kami nabuo. Naitulak ko kasi si Eli noon sa putikan. Hindi ko sinasadya dahil may kaaway ako noon at siya ang naitulak ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin, pero binigyan niya pa ako ng band aid dahil may sugat ako sa mukha dahil sa away.

Laurice, is a quiet person. Si Fiona ang unang nag-approach sa kanya dahil kulang kami sa grupo namin for reporting. Tatlo na kami nila Eli and we need one more person to complete our group. Si Laurice rin ang nag introduce sa amin kina Aries at Tom.

"Oo nga pala, Jenwel, tinatanong ni Asher kung sasama ka raw sa kanya sa Clark for car racing," sabi niya.

Oo nga pala. Nabanggit ko kasi 'yon last month sa kanila. Sakto naman na mahilig rin sa racing yung kaibigan ni Laurice, si Asher. I want to learn how to race, it looks fun. Na-try ko naman na makipagkarera noon. Nanghihiram pa nga ako kay Nathan ng motor noon. Pero ngayon, I want to try car racing. Sinabi ko na rin naman kay Nathan since close naman kami and he also do racing.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now