28

649 2 0
                                    


trigger warning: wounds , bruises


I know to myself that I will fight for my love. If I have given the chance to fight for it, I will go on war. I am not going to risk the chance I have because I once let something worth fighting for slipped away from my hands. I know how much it hurts... and I won't let it happen again.


Bibitaw na ba ako kahit na kaya ko pang lumaban? 


O hihintayin ko na lang na mapagod ako at kusang sumuko?


Hangga't kaya kong ipaglaban ka, Levi... lalaban ako. Pero isang sabi mo lang na siya pa rin... Isang sabi mo lang na mahal mo pa rin siya, susuko ako. I won't force you to love me, to stay with me when I know that the happiness you deserve wasn't me anymore. And I can feel it... you're slowly, carefully letting go of my hand..


Tanga ka kasi, Jenwel... You already knew from the start... pinilit mo pa rin. Pero at least, sumaya ka. 


Napapikit ako nang maramdaman ang malamig na hangin na bumabalot sa balat ko. Mabigat ang pinakawalan kong hininga. Aaminin ko, mabigat talaga ang nararamdaman ko dahil sa naging usapan namin ni Levi kagabi. Hindi siya sumagot kagabi kaya tinulikuran ko siya at tumakbo papasok sa kwarto, nagkulong ako sa bathroom at doon umiyak. 


Wala akong nakuhang sagot sa kanya pero ramdam ko na ang sagot niya... At hindi ko na kayang marinig pa kaya tinalikuran ko na siya. 


He was standing beside me, but it feels like he's too far away. I glnaced at him but hewas only looking in front of us. Napakaganda ng tanawin... I couldn't enjoy it... Hindi ko magawang pagmasdan ng mabuti ang tanawin sa harapan nang hindi iniisip ang mga bagay na nakakasakit sa akin. 


"Jen, mahal kita... Mahal na mahal..." biglang sambit ni Levi. Napatingin ako sa kanya. Nagbaba muna siya ng tingin bago ako hinarap. 


Tuwing titingnan ko siya hindi ko maiwasan isipin yung mga araw na umuuwi siya sa akin at maamoy ko ang pabango ni Tamara sa kanya... yung mga araw na nakikita ko siyang.. pumapasok sa apartment ni Tamara. I followed him... that's when I knew everything. And I pretend that I didn't know anything.


Martyr. Tanga. E, anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya. Na kahit may kahati ako.. o kahit hindi man ako... basta sa akin pa rin siya uuwi, ayos lang. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon, anong karapatan kong magreklamo? Pinili ko 'to kaya dapat kong tiisin.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Hindi ko kayang bitawan si Levi... Pero hindi ko alam kung tama pa ba na ipagpatuloy ang lahat ng meron kami. Hinihintay ko na lang siyang umamin sa akin... para pakawalan ko na siya. 


"Tama na... Masakit marinig 'yan sa ngayon, Levi," sabi ko sa kanya. 


Pero tangina kasi... si Levi 'yan, e... Kahit gaano kasakit kaya kong tiisin basta siya ang dahilan. Kaya.. kaya humihiling na lang ako na sana siya na yung tumapos. Kahit ngayon mismo.. kahit hindi ako handa kasi ayoko na... ayoko na ng masakit. Ayoko nang makaramdam. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon