17

287 4 13
                                    

tw: death , mention of drugs

"Aries, ako na kasi diyan!"

Nakakunot ang noo ko. Sabi ko kasi ako na maghahalo nung soju at nung beer, e.

"Oh, magtatalo pa," kunot noong sabi ni Laurice. "Ako na! Ipupukpok ko 'to sa inyo, e." Sabi niya at inagaw kay Aries yung bote. 

Siya na tuloy ang naghalo nung beer at soju. Wala si Fiona at Eli ngayon kaya kaming apat lang ang nasa condo ni Tom. Fiona is in Laguna right now because of her Lola's condition habang si Eli naman ay may family dinner. Nasa dining area kami, nag-iinom. Habang si Tom ay nasa sala, nagre-review. Kanina pa kami nagtatalo ni Aries at kanina pa rin suway nang suway si Laurice sa amin. 

"Sapak gusto mo?" Inangat ni Laurice ang kamao niya, si Aries ang kausap. "Uminom ka na lang diyan. Oh, tissue! Iiyak ka na naman mamaya, e." Inabutan niya ng isang box ng tissue si Aries. 

Napaawang naman ang bibig ni Aries. "Kailan pa ako umiyak kapag nalalasing?" Tinaasan niya ng kilay si Laurice. "Gumagawa ka lang ng kwento, Laurice! Grabe ka naman! Nagbago ka na talaga," sabi ni Aries bago uminom. 

"Duh, may video ako!"

"Uy, pasend," sabi ko kay Laurice, inaasar si Aries. 

Sumama ang mukha ni Aries kaya natawa kami ni Laurice. Hindi tuloy kami pinansin ni Aries nang ilang minuto pero hindi rin naman niya natiis. Tiningnan ko si Tom kung tapos na siya pero mukhang hindi pa. Napaka-seryoso! Nakapatong ang siko niya sa lamesa habang nakatuon naman ang ulo niya sa kamay niya. 

"Papa Tom, tagay ka muna!" tawag ko sa kanya. 

Tiningnan naman niya ako. "Maya. Isang lagukan 'yan sakin." Sabi niya bago muling ibalik ang paningin sa libro niya. 

Hinayaan naman namin siya at nagpatuloy sa kwentuhan. Kung saan-saan na umabot ang pinag-uusapan namin. Hindi naman masyadong uminom si Laurice dahil ayaw daw niyang malasing. Maya-maya ay sumali na sa amin si Tom. Mabilis niyang ininom yung isang bote. 

"Maiba tayo, pre," si Aries, may pa-hand gesture pa. Lasing na 'to. "Kasi ako, kapag mahal ko yung tao, susugal ako! Kahit talo, ang mahalaga tumaya ka!" sabi niya pa. "Ako, alam kong talo na ako.."

"Pinipilit mong tanggapin kasi baka may iba pa diyan, baka may darating pa.." dagdag niya, nakatulala na sa lamesa. "Pero napapaisip din ako.. paano kung siya lang yung kaya kong mahalin nang ganito?"

Bumuntong hininga naman si Tom. "Okay, man, let it out." Tom said. "I don't know anything about love or any serious relationships but I hope I won't experience my heart being broken. Geez. I can't imagine myself.. crying or begging." he sighed. 

Sumandal siya sa inuupuan at tinungga ang bote habang nakatitig sa kisame, malalim ang iniisip. Nagkatinginan kami ni Laurice. Aries was staring at the table, drowning by his own thoughts. Napansin ko rin ang pagsulyap niya kay Laurice na ngayon ay nakatingin na langsa mga bote ng alak. 

"Ikaw, Lauirce.." he started.

Napatingin si Laurice sa kanya, ganoon din kami ni Tom sa kanila. Kumunot ang noo ni Laurice habang nakatingin kay Aries. 

"What's your opinion about love?"

Napatigil at napaisip naman si Laurice. "I don't believe in love anymore." sagot niya. "Ikaw ba, Jenwel?" baling niya sa akin.

Umiling ako. "Still figuring out what love is," sagot ko. 

I'm scared that my heart will break into many pieces.. pero bakit kapag iniisip ko si Levi, ayos lang kahit na madurog ako basta siya ang dahilan. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Where stories live. Discover now