18

279 3 7
                                    

Pumasok kami ni Levi sa loob. Wala na si Fiona at Justin nung bumalik kami, lumabas daw yung dalawa. Tumulong naman ako sa pag-aasikaso sa mga nakikiramay, ganoon din ang mga kaibigan ko pati si Levi. Madaling araw na nung umuwi ang mga kaibigan namin. Aries and I stayed here with Fiona. Levi also went home na rin. Doon muna siya tumuloy sa house ng grandparents niya since anong oras na rin kung babalik pa siya sa Manila. Natutulog ngayon si Fiona habang kami ay nasa kalapit niya. 

"Matulog ka na muna," Aries told me. "Ako na magbabantay kay Fiona,"

Umiling ako at tumingin sa relo ko. "Kaya ko pa," sabi ko. 2 am na pala. "Lalabas muna ako." paalam ko.

"Saan ka pupunta? Teka, samahan kita. Anong oras na, oh," sabi niya sa akin saka tumayo.

Umiling ako. "Papahangin lang ako saglit," sabi ko sa kanya. "Diyan ka na lang muna sa tabi ni Fiona."

"Bumalik ka agad, ha," sabi niya. Tumango naman ako. 

Buong weekend kaming nasa Laguna. Pumasok ako nung monday at umuwi ulit ng Laguna after ng class ko. Sa Wednesday ang libing ng Lola ni Fiona kaya pare pareho kaming hindi pumasok nung araw na 'yon. My family went there, too. Maging ang pamilya ng mga kaibigan ko. Fiona was crying so much. She's calling her Lola over and over. Nakahawak sa kanya si Tita at Ate Kinsley, kahit si Justin ay lumapit na rin dahil pilit siyang lumalapit sa kabaong ng lola niya habang ibinababa ito. 

I bit my lower lip at pinunasan ang luha ko. I'm wearing a shades kaya hindi rin naman ganoon nakikita ang mata ko. I was standing beside Ate Hillary. She's looking at Fiona with sympathy. Fiona was screaming, even her mom and ate are crying while holding her. Hanggang sa mailibing ang Lola niya ay umiiyak siya. Halos manghina na siya sa sobrang pag-iyak. 

Lumapit kami sa pamilya ni Fiona bago umuwi. I hugged Fiona and Ate Kinsley. Sa kanya kanyang pamilya kami sumabay pauwi. Tahimik ako habang nakasakay sa kotse at hanggang sa makauwi kami. Dumeretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Nakaramdam ako ng pagod kahit na wala naman akong masyadong ginawa. 

Months had passed. Fiona was trying her best to be okay. Ang sabi naman namin sa kanya ay hindi niya kailangang madaliin iyon. She needs to take it slowly. Healing takes time. 

It was when Fiona was trying to get better, si Eli naman ang kumailangan ng lakas. Kuya Dale got into a car accident at sobrang lala ng nangyari sa kanya. Ang sabi ay siya ang napuruhan. Umiiyak ako habang papunta sa ospital. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa paligid ko, natatakot ako. I saw Eli at the lobby of the hospital, sitting alone. She was crying. Mas lalo akong umiyak nang makita siya. 

Parang nung isang gabi lang ay magkakasama pa kami nila Eli. Lumapit ako at tinawag siya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay agad siyang tumayo at niyakap ako. I hugged her tight. She was crying so hard on my shoulder, she almost fall. 

"Hush.. Eli.. gigising si Kuya Dale.." sabi ko. Paulit ulit niyang sinasabi na natatakot siya. 

"N-Natatakot ako.." her words wasn't clear. 

I bit my lower lip and just hugged her. Isa isa na ring dumating ang mga kaibigan namin. Kasama ni Fiona si Ate Kinsley. She was also crying. Agad siyang lumapit sa parents nila Eli nang makita ang mga ito. Pero nagulat ako nang biglang sampalin ni Tita Elena si Ate Kinsley, agad na lumapit si Fiona sa Ate niya. 

"Mom.." si Eli. 

"Look what happened to my son!" umiiyak na sigaw ni Tita. Ate Kinsley cried harder. "He was there for you when you needed him! Bakit mo naman tinaboy yung anak namin.." pilit inaawat ni Tito ang kanyang asawa. 

Ate Kinsley was just looking down. I can hear her saying 'sorry' over and over. Eli was trying to stop her mother, too. Kami naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Fiona was hugging her Ate. Marami pang sinabi si Tita at lahat iyon tinanggap ni Ate. She even.. kneel down in front of them. Eli was shaking her head, telling that she doesn't need to do that. Pilit namang tinatayo ni Fiona ang Ate niya, umiiyak na rin. 

He Stole My Heart (Heart Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora