14

256 2 5
                                    


"Hey, where are you going?" Tanong ni Ate Hillary nang makasalubong ko siya nung palabas na ako ng pinto. "Nagpaalam ka ba kay Daddy? Baka mag-inom ka na naman. Inuman na naman 'yang pupuntahan mo, 'no? Isusumbong kita kay Daddy!" sabi pa niya!


"Ate, angdami mo namang nasabi. Nagpaalam naman ako kay Daddy na pupunta ako kina Tom!"


Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Oh, really? Samahan kita! Ihahatid kita!" lumapit siya pero pinigilan ko siya.


"Bawal! Nandoon ibang friends namin. Pati ayaw kitang kasama." sabi ko at tinalikuran siya at nagpatuloy sa paglalakad.


"Hey! Tell him to follow me back on instagram!" malakas na sabi niya.


At inutusan pa ako?! Bahala siya diyan. Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive papunta kina Tom. Nung isang araw pa ako umuwi dito. Busy si Mama at Daddy nung umuwi ako pero alam naman nila na pauwi ako noon. Ngayon ay nagmessage sa amin si Tom na doon daw kami magdinner sa bahay nila dahil pinagluto raw kami ni Tita Sol. Hindi rin kami masyadong nag-uusap ni Levi. Maybe he's busy.


I arrive early than our friends. I parked my car in front of their house. Nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako ni Tom ng gate. He greeted me with a hug, akala mo naman sobrang tagal naming hindi nagkita!


"Papunta pa lang si Aries." sabi niya habang naglalakad kami papunta sa likod ng bahay nila. "Nagluluto pa si Mommy. Masyado ka namang maaga, naunahan mo pa si Aries." dagdag niya.


"Boring sa bahay." sabi ko.


Umupo ako sa chair malapit sa pool nila. Si Tom din ay naupo, may table sa pagitan naming dalawa. His arms are on the back rest of the chair beside him while crossing his legs, too.


"Follow back mo raw si Ate." sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. "Ate ko."


Tumango naman siya. "Later." sabi niya. Tumango ako. "Okay na kayo?" Tanong niya.


"Ewan."


Hindi na siya nagsalita ulit dahil alam niyang ayaw ko ng ganoong topic. He opened another topic na lang habang hinihintay namin ang iba naming kaibigan.


"Tom, hindi ba normal na maging mag-kaibigan ang mag-ex?" tanong ko kay Tom. Magkaibigan din sila ng ex niya, e.


He looked at me. "Hmm. Depende, bakit?"


Umiling ako. "Wala naman. Kumusta na nga pala kayo ni Tania?"


"We're fine. Nagkakamustahan kami minsan." sagot niya. "Bakit? May gumugulo ba sa isip mo? You won't ask me that if wala." sabi niya sa akin.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora