02

427 5 19
                                    


tw: self-harm


"Ang-init naman!" 


Namimigay kami ng flyers about sa major namin sa mga estudyante na nakikita namin. Mostly, first year students na hindi pa alam ang kukunin nilang major. Caregiving is one of the best choice. Yung major naman nila Aries ay about sa computer. 


"It's almost lunch time. Si Eli at Laurice kaya?" tanong ni Fiona.


"Mamaya pa sila matatapos, e." sabi ko naman bago magpatuloy sa pamimigay. "Kumain na tayo pagkatapos nito tapos puntahan natin yung dalawa." sabi ko.


Nagpatuloy kami sa pagbibigay. Maya-maya ay nakita namin yung tatlo na naglalakad palapit sa amin. Sakto namang tapos na kami dahil ubos na yung flyers na dala namin.


"Water," binigyan kami ni Aries ng tubig. "Mag-lulunch na kayo?" tanong niya. 


Tumango naman kami. "Oo, kayo rin ba?" tanong ni Fiona. 


"Tara, sabay-sabay na tayo." sabi naman ni Tom. 


"Si Eli?" tanong ni Xhenlai. "Did she eat already?" 


"Nako! Busy pa! 'Wag ka mag-alala, kasama naman niya si Laurice. Hindi 'yon pababayaan ni Laurice." sagot ko.


Sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Nagkwentuhan lang kami. Hindi sila ang bantay sa booth nila dahil may tugtog din sila mamaya. Kasali kasi si Aries at Tom sa Music Club. Binilisan na rin namin yung pag-kain namin para mapuntahan na yung dalawa. Medyo nahuli si Tom dahil pumunta pa siya sa CR. 


Hinintay naman namin siya sa may labas. Malapit na siya sa amin nang may nakasalubong siya na babae, nagkabungguan pa sila. Nakatingin lang kami dun sa dalawa. Mukhang natulala si Tom dun sa babae kaya napatingin din ako sa nakabungguan niya. Napaawang ang labi ko nang makita ito. Natural ang ganda nito at mukhang mahinhin. Maputi at mahaba ang buhok. Matangkad din at simple lang. Taga CSIL yata siya dahil sa suot niyang uniform.


"Ali! Let's go na!" may babaeng lumapit doon sa nakabungguan ni Tom at hinila agad ito paalis. Natulala lang si Tom doon. Sinundan niya pa ng tingin yung babae.


"Hoy, Tomas Alvion! Tara na, bro!" sigaw ni Aries. Natauhan naman si Tom at agad na lumapit sa amin. "Ganda, 'no? Natulala ka, pre!" pang-aasar ni Aries.


Napailing na lang si Tom at hindi na pinansin ang sinabi ni Aries. Pinuntahan na namin yung dalawa sa booth. We also watched our friends perform on stage. After no'n, anong oras na rin kami naka-uwi dahil sobrang busy namin sa pag-aayos. Sobrang pagod ako nang maka-uwi kaya nakatulog agad ako at hindi na nakakain ng dinner.

He Stole My Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon