Chapter 43 - Holding on and Letting go

100K 3.8K 628
                                    

CHAPTER 43 - HOLDING ON AND LETTING GO

~*~*~* MATT'S POV *~*~*~

Bumukas ang pinto ng Great Hall kaya't lahat ay napatingin. Kinabahan ako. Akala ko si Emerald na. Sina Meredith pala.

Bakit di nila kasama si Emerald? Late na siya ah?

"Nasaan na si Emerald?" rinig kong tanong ni Amethyst.

"Di pa po siya tapos mag-ayos. Babalikan po namin siya after 30 minutes," sagot ni Meredith.

"Anong nangyari dun kay Emerald? Kanina pa siya nakaayos diba?" bulong sa akin ni Brix.

"Baka umatras. Baka ayaw niya na magpakasal," bulong naman ni Zac.

Sana nga. Sana nga umatras si Emerald.

"Kung umatras siya, sana sinabi niya kahapon pa para hindi na ako nagsuot nito. Ang kati kaya!" naaasar na sabi naman ni Jared. Oo nga, makati sa balat yung suot namin.

"Oy, Matt," tawag sa akin ni Brix. "Wala ka bang reaksyon diyan?"

"Ano bang gusto niyong sabihin ko?"

"Ewan ko sayo, Matt. Ang saya mong batukan." At binatukan nga ako ni Jared.

"Ano bang problema niyo? Ano bang gusto niyong gawin ko? Pigilan siyang magpakasal?"

Natahimik sila at tinitigan ako. Minsan talaga ang hilig mangielam ng mga ito. Pasalamat sila tinuturing ko silang kapatid.

Kapatid mula sa ibang nanay at tatay -_-

"Matt... ang gusto lang naman namin ay sumaya ka," seryosong sabi ni Zac.

"Masaya naman ako ah."

"Masaya ka kahit nasa piling siya ng iba?" singit ni Brix.

"Masaya kasi masaya siya." Natahimik sila sa sinabi ko. Totoo naman eh. Basta masaya siya, masaya na rin ako.

Lumapit bigla sa amin sina Meredith at hinatak kami palabas ng Great Hall. Nahuli kong nakatingin sa akin si Vincent pero hindi ko nalang pinansin. Kinakabahan na siguro siya dahil hindi pa nadating si Emerald.

Sana nga hindi na dumating si Emerald para umiyak si Vincent.

Ha. Ang sama ko diba?

"Bakit Mer?" tanong ni Zac pagkalabas na pagkalabas palang namin sa Great Hall. May tawagan din pala 'tong dalawang 'to? Naalala ko si Em...

"Si Emerald kasi..." Nag-alala ako bigla.

"Bakit?! Ano nangyari?!"

"Kalma ka lang Matt," singit ni Zac. "Ano nangyari?"

Nagkatinginan muna sina Felicity, Lucinda at Meredith bago sumagot. "AyawnakasimagpakasalniEmerald!"

Matapos ng matagal na titigan, tumawa bigla ng malakas si Jared. "Hahahahahaha! Hindi namin kayo maitindihan!"

"Bagalan niyo naman," sabi ni Brix.

"Si Emerald kasi, ayaw nang magpakasal. Nagpapanic siya sa taas kanina kaya binigyan namin siya ng 30 minutes para mag-isip," mahinahon na sabi ni Felicity.

"Bakit daw?" tanong ni Zac. Hindi ako makapagsalita. Masaya ako and at the same time ay nag-aalala kay Emerald.

"Hindi niya daw mahal si Vincent," sagot ni Meredith. Sabay sabay na tumingin sa akin sina Zac at ngumiti.

"THIS IS IT PARE!" Yumakap sila sa akin bigla. "Moment mo na 'to!"

Tinulak ko sila bigla at sinimangutan.

"Anong meron?" tanong nila Lucinda.

"Ano pang hinihintay mo Matt? Puntahan mo na si Emerald!" Tinulak tulak na ako nina Brix.

"May gusto ka kay Emerald?" gulat na tanong ni Meredith.

"Tigilan niyo nga ako." Babalik na sana ako sa Great Hall pero hinatak ako bigla ni Zac at sinuntok.

"WHAT THE HELL ZAC?!" sigaw ko habang nakahawak sa kaliwang pisngi ko.

"Gising ka na ba sa pagbubulag-bulagan mo o kailangan ko pang bubugbugin ka?"

[A/N: Pakiplay yung nasa multimedia :))]

Napayuko ako. Buti nalang may mga kaibigan akong ganito. "Salamat Zac."

Tumakbo na ako paakyat papunta sa kwarto ni Emerald. Sana... Sana pakinggan niya muna ako.

'I don't know where I'm at

I'm standing at the back

And I'm tired of waiting

Waiting here in line, hoping that I'll find what I've been chasing.' ♬♪

Naalala ko bigla lahat. Yung unang nakita ko si Emerald. Yung itsura niya kapag naiinis siya sa akin. Yung mukha niya kapag natawa siya. Yung mga panahong palagi nalang siya napapahamak. Yung mga panahong palagi ko nalang siya nililigtas.

Hintayin mo sana ako Emerald. Kahit di ko pa planado mga sasabihin ko bahala na. Ang mahalaga ay makita ko muna si Emerald. Ang mahalaga ay maabutan ko siya. it's now or never. Hindi na ako maduduwag. Hindi na ako susuko.

'Not ready to let go

Cause then I'd never know

What I could be missing

But I'm missing way too much

So when do I give up what I've been wishing for.'♬♪

Pumunta muna ako sa kwarto ko at binuksan ang aking drawer.

Doon ko nakita ang binigay na singsing sa akin ng mahal na Hari. Ng tatay ni Emerald.

Kailangan nang malaman ni Emerald. Panahon na para malaman niya na ako dapat ang naghihintay sa kanya sa Great Hall. Na ako dapat ang piliin niya. Na nauna ako sa kanya.

Na ako ang pinili ng tatay niya para pakasalan siya.

'Oh I am going down, down, down

I can't find another way around

And I don't want to hear the sound, of losing what I never found.'♬♪

Lumabas na ako ng kwarto ko pero nadatnan ko na agad sina Amethyst. Naiyak sila. Nakabukas agad ang kwarto ni Emerald. Nasa loob si Vincent at ang tanging nakikita ko lang ay may nakahiga sa lapag.

"Matt!" Lumapit sa akin sina Zac at pinigilan ako sa paglapit sa kwarto ni Emerald.

"Zac, anong nangyayari? Kailangan kong malapitan si Emerald. Sasabihin ko na sa kanya."

Pinipigilan parin nila ako. Parang nabingi ako bigla. Wala na akong ibang naririnig kundi ang sarili ko. Parang nagslow motion ang paligid at ang bagal ng galaw ng mga tao.

"Emerald!" sigaw ko habang pinipigilan parin ako nina Zac hanggang sa nabitawan na nila ako at nakatakbo na ako papasok sa kwarto ni Emerald.

At nakita ko na nga siya. Pero hindi ito ang inaasahan ko.

"Matt," rinig kong sabi ni Zac pero hindi ko siya pinansin.

"Anong nangyari?" mahina kong tanong habang nakatingin kay Emerald na nakahiga sa lapag.

'I'll never know why it's coming down, down, down.'♬♪

__________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon