Chapter 1

396K 10.2K 3.3K
                                    

CHAPTER 1


In 5 minutes, 18 years old nako. Ano kayang ireregalo sa akin nina Mommy? Kotse? Nope. Mahirap lang tayo, Emerald. Wag kang umasa. Siguro necklace. O kaya baka magpapaparty lang sila Mommy.

Ayan na.. 1 minute nalang. Kanina pako tulala sa kisame. Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hindi ako makatulog. Magbibirthday na ako!

Ten.

Nine..

Eight...

Seven....

Six.....

Five.......

Four........

Three.....

Two...

One....

Yessss~  18 na ako! Debut ko na! Legal nako! I can drink alcohol na pero I can get arrested na din! Hinintay ko na pumasok sila Mommy sa kwarto ko para mag-happy birthday. Pero lumagpas na ang 5 minutes wala parin sila.

Na-sad naman ako. Baka tulog na sila.

Pagkapikit na pagkapikit ng mga mata ko'y malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Siguro si Mommy yun. Bahala siya. Kunyare tulog ako.

"EMERALD!" isang nakakabinging sigaw ang narinig ko kaya't napatayo ako bigla. Nakita ko si Mommy na tarantang taranta. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari?

"UMALIS KA NA DITO! DUMAAN KA SA BINTANA!" Hinatak niya ako patayo at sinuotan ng yellow na hood. May sinuot siya sa akin na parang kwintas at tinulak ako papunta sa bintana.

"Ma? Mommy? Anong nangyayari?" tanong ko. Ang lamig ng kamay ni Mommy. Pawis na pawis siya at namumutla.

"NANDITO SILA! TUMAKBO KA!" tinulak niya ako sa bintana. Buti nalang sa unang palapag ang kwarto ko. Tumingin ulit ako sa bintana at nakita kong nakaharap si Mommy sa pinto. Nanginginig siya. Ano bang nangyayari?

Nanatili akong nakatayo sa labas ng bintana ng kwarto ko. Ano ba yung tinitignan ni Mommy sa pinto ng kwarto ko? Bakit takot na takot siya?

Naramdaman kong may kamay na bumalot sa bewang ko at may tumusok sa syringe sa leeg ko.

Nagdilim ang paligid.

+~+~+~+~+~+~+~+~+~+~+

'Malapit na tayo Matt..'

'Gisingin mo na siya..'

'Bakit ako? Ikaw dapat!'

Sino 'tong mga nagsasalita? Kinidnap ba ako? Anong nangyari kay Mommy at Daddy? Bakit ayaw dumilat ng mga mata ko?

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon