Chapter 42 - APPLE

105K 3.8K 1.1K
                                    

CHAPTER 42 - APPLE

"Goodmorning, Queen Emerald!"

Ngumiti nalang ako at tumayo na mula sa pagkakahiga ko sa kama. "Wag mo nga akong tawaging Queen."

"Pero Queen ka na," sabi naman ni Lucinda.

"Lucinda, hinahanap ka nga pala ng kuya mo," sabi naman ni Felicity.

"Teka, may kuya ka Lucinda?" tanong ko.

"Di mo alam?" sabay-sabay nilang tanong saken. Magtatanong ba ako kung alam ko? O.o

"Kapatid niya si Zac. Lockwood pareho ang apelyido nila diba?" sabi sa akin ni Meredith. SERYOSO?! Bakit hindi ko alam? Nashock ako!

Napatingin kami sa pinto nang may kumatok. Bumukas ito at pumasok si Matt. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Di ko makalimutan yung nangyari noong isang araw.

'Please tell me you said no. Sabihin mo sa aking hindi ka pumayag. Please.'

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang nagsorry at pumasok na sa kwarto niya. Simula 'non ay hindi niya na ako pinansin. Hindi niya na rin ako tinitignan. Bakit kaya sinabi sa akin ni Matt 'yon? Bakit niya ako iniiwasan? Nasasaktan ako.

"Pinapatawag si Queen Emerald sa Great Hall ni Prince Vincent at King Vladimir," mabilis na sabi ni Matt at umalis na. Hindi nanaman niya ako tinignan. Ano bang problema niya sa akin?!

Teka. Ano bang gusto mo Emerald? Na pansinin ka pa ni Matt para umasa ka pa lalo? Para masaktan ka pa lalo? Gulo ko talaga!

"Magkaaway ba kayo ni Matt?" tanong sa akin nina Lucinda. Hindi ko nalang sila pinansin at naligo na ako.

Pagtapos kong mag-ayos ay bumaba na ako papunta sa Great Hall. Nakita kong nandoon nga sina King Vladimir at Vincent. Ang aga naman nila para pumunta dito -_-

"Queen Emerald! Goodmorning!" bati sa akin ni King Vladimir. Nginitian ko sila pero si Vincent ay lumapit pa sa akin at... kiniss ako sa cheeks. Ugh. Ang... weird ng feeling. Ganito pala ang feeling kapag... engaged ka.

"We have good news!" excited na sabi ni King Vladimir. Kinabahan ako bigla. Mukhang hindi good news 'yan.

"Ano po 'yon?"

"YOU'RE GETTING MARRIED THREE DAYS FROM NOW!"

"..."

"Ano masasabi mo?" rinig kong tanong ni Vincent.

Three days from now...

Three days from...

Three days...

Three...

"ANO?!" malakas kong tanong.

"Imemeet ka na ng mga servants ko mamaya para sukatan ka. Tatahiin na wedding gown mo! Dadating din mamaya ang planner para tanungin kung ano ang mga gusto mong flowers, cake, food, motif, etc," mabilis na sabi ni King Vladimir.

"Pero--"

"Aalis kami ni Vincent dahil aasikasuhin namin ang guest list. Yung mga pupunta at yung Coronation Day nya as King ng Middle Nation," singit ni King Vladimir.

"Teka!" Hindi na nila ako pinansin at umalis na sila.

This is bullshit.

***

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon