Chapter 20 - Blue Ribbon

119K 4.6K 1.3K
                                    

CHAPTER 20 - BLUE RIBBON

"LORD JAMES HUFFLEHOFF OF THE NORTH CASTLE." sigaw ng kawal pagkabukas ng malaking pinto ng Great Hall.

"Lord?" pabulong kong tanong kay Ate Sapphire.

"Lord ang tawag sa mga non-royal pero mayayaman na lalaki. Lady naman kapag babae," paliwanag ni Ate Jade.

"Lord James, what brings you here? Ang layo ng dinayo mo," sabi ni Mama.

"It's a pleasure to see you all, Queen Diamond and her daughters. Hihingi lang po sana ako ng isang maliit na favor." sabi nung Lord James. Ang manly ng boses niya. Gwapo siya at matangkad. May pagkachinito at maputi.

"Favor? What is it?"

"Gusto ko lang po sanang makita lahat ng babae dito sa loob ng castle." Lahat kami'y nagtaka sa favor niya.

"Bakit, Lord James? Naghahanap ka na ba ng gusto mong mapangasawa?" tanong ni Ate Amethyst.

"Parang ganon na nga po. Pero kailangan po nilang sukatin ang sapatos na ito. Kapag po nagkasya, siya po ang babaeng hinahanap ko." Nilabas niya bigla ang isang glass shoe. "Nakilala ko po kasi ang babaeng iyon sa Winter Ball kahapon. Siya po yung Queen of All Hearts. Habang natakbo po siya paalis ay nahubad ang sapatos niyang ito. Siya po ang gusto kong mapangasawa."

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Ang sweet!

"Kadiri," rinig kong bulong sa likod ko. Nandoon pala sina Zac, Jared, Brix at Matt.

"Ang baduy," sabi ni Zac.

"Puro kabadingan naman ang alam nito," bulong naman ni Matt.

Hindi ko nalang sila pinansin. Ang sweet kaya! Ang romantic at nakakakilig  ̄ω ̄

Pinatawag na ni Mama lahat ng babae sa castle. Lahat lahat. Ang dami palang babaeng maids sa castle. Parang ngayon ko lang sila nakita dahil sa laki ng castle namin.

Nakapila silang lahat samantalang kami'y nakaupo parin sa thrones namin. Tahimik lang sa tabi ko si Miss Ella. Kanina pa pala siya hindi nagsasalita.

Sinimulan nang isuot ni Lord James yung sapatos sa mga babae. Napansin ko ngang kinikilig pa't nagdadasal ang ilan. Hoping na magkasya ang isang sapatos sa paa nila.

I am half hoping na magkasya sa akin kahit hindi naman talaga ako 'yon.

"Wag ka nang umasa. Masasaktan ka lang," natatawang sabi sa likod ko. Sinimangutan ko nalang si Matt. Epal talaga siya!

Walang nagkasya sa mga paa ng mga maids. Kitang kita na lungkot na lungkot sila. Nakakatawa nga kasi sobra silang umasa.

Si Aliyah na ang susunod na susukat. Nakita ko kung paano niya tignan si Lord James. Mukhang may gusto siya dito.

"Oh my..." mahinang sabi ni Ate Jade. Nagtilian naman sila Meredith.

Pati ako ay nagulat. Nagkasya! Nagkasya sa paa ni Aliyah yung glass shoe. Paano nangyari 'yon?

Hindi naman namin siya kasama sa Winter Ball. Hindi naman siya galing sa mayaman na pamilya. At hindi naman siya ang babae na nakita namin sa Winter Ball kahapon.

O baka naman hindi ko lang masyadong tinignan yung babae sa Winter Ball kahapon? Baka nga si Aliyah 'yon? Kasi blonde naman yung buhok ng babae eh.

"Ikaw ba?" gulat na tanong ni Lord James? Niyakap niya bigla si Aliyah.

Pagtingin ko sa tabi ko ay nawala bigla si Miss Ella. Saan kaya siya pumunta?

"Emerald," bulong ni Matt. "Bakit umalis nang naiyak yung tutor mo?"

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon