Chapter 2

262K 8.4K 1.6K
                                    

CHAPTER 2

I can't believe it. Here I am, sitting on a golden throne. Nakapantulog pa nga ako dahil biglaan ang mga nangyari.

Hours ago, hinihintay ko ang pagsapit ng birthday ko. Ngayon, isa akong long lost princess sa isang land far,far, away. It's really hard to process. I really can't believe it. I've always wanted to be rich. But never like this. Every single person in this room is looking at me. Hindi ko nga alam kung room itatawag ko dito o Great Hall dahil sa laki eh.

Tumingin ako sa Queen. She said kanina na mag-uusap daw kami pagkatapos ng salo-salo. Sa wakas, tumayo siya at tinaas ang kamay niya. Nanahimik ang lahat. Ramdam ko ang lakas ng control at power ng Queen. Mukhang lahat ayaw siyang galitin.

"It is a pleasure to have all of you here. I had fun but unfortunately me and my daughters have to leave early. Have a wonderful night." Tumalikod siya at naglakad papunta sa malaking pinto sa likod ng 6 thrones na inuupuan namin.

"Come with us, Emerald." rinig kong sabi ng Queen. Sumunod ako sa Queen kasabay nung apat na kasama kong nakaupo sa thrones kanina.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto na may malaking fire place at dalawang mahabang red sofa. Sobrang ganda ng kwarto. Ang warm at ang peaceful. May malaking diamond chandelier sa ceiling at may gold designs ang walls.

"Sit down." Umupo ako sa isang sofa samantalang yung Queen at yung apat na babae ay umupo sa isa pang sofa sa harap ko.

Tinitigan nila ako. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Do you want to know everything, Emerald?" gentle na sabi ng Queen. I nodded. Mamaya ko na muna siguro itatanong kung anong nangyari kay Mommy at Daddy.

"Hmm.. where to start?" yumuko siya at hinawakan ang chin niya. "Right. Let's start with 18 years ago. Baby ka pa nun Emerald while your older sisters naman are still young ladies."

Napasimangot ako. Older sisters? Napatingin ako sa apat na babaeng katabi ng Queen. "You mean.."

"Yes, Emerald. They're your sisters and I'm your real mother. 18 years ago, buhay pa ang Father niyo pero namatay siya dahil sa war against the Dark Side. Saktong kakasilang mo palang nun Emerald. The Dark Side wants the youngest daughter of the King and Queen. They want to take you. I don't know why but they want you."

Hindi ko maintindihan. Dark Side? Anak niya ako? Eh sino yung mga nagpalaki saken?

As if nabasa ng Queen ang utak ko, nagsalita siya muli. "I don't have a choice kundi ibigay ka sa matalik kong kaibigan para siya ang magpalaki sayo. Pinadala ko kayo sa malayong lugar kung saan hindi kayo makikita ng Dark Side but at the same time, hindi ko rin kayo pwedeng makita kasi mahahalata ng Dark Side. 18 years akong nagtiis na hindi ka makita Emerald."

Naglabas ng maliit na panyo yung Queen at mahinhin na pinunasan ang mga luha niya. "Dahil 18 years old ka na, pinasundo na kita sa inyo. Pero naunahan kami ng Dark Side. Muntik ka na nilang makuha Emerald. Buti nalang kumilos kaagad si Minerva."

Si Mommy? "Nasaan na po si Mommy? Ano pong nangyari sa kanila ni Daddy?"

Nakita kong nalungkot ng konti yung Queen. Ugh. I'm so insensitive talaga. Siya nga pala ang totoo kong nanay. Hindi pala sila Mommy at Daddy.

"Sadly, ang first priority ay ikaw Emerald. Ang trabaho ni Minerva ay iligtas ka no matter what happens." Hindi ko maintindihan ang sinabi ng Queen. Ibig sabihin ba nun iniwan nila si Mommy?

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon