Chapter 13 - Candy Rush

138K 5.3K 872
                                    

CHAPTER 13 - CANDY CRUSH

=x=x=x EMERALD x=x=x=

"T-Teka lang," sabi ko.

"Bilisan po natin! Baka po mahuli tayo!" naiiyak na sabi ng bata. Este ni Gretel.

Parang pamilyar ang pangalan niya? Pati pangalan ng kuya niya ay pamilyar sa akin. Parang narinig ko na somewhere.

"May kukunin lang ako sa loob, hintayin niyo ako dito ha?" sabi ni Matt kay Gretel. Tumingin siya sa akin at lumapit.

"Gigisingin ko sina Zac. Para may kasama ako. Maiiwan ka dito. Hindi ka sasama kapag kukunin na namin ang Kuya niya. Baka mapahamak ka pa," bulong niya sa akin at pumasok na ulit sa castle. Nakakainis. Hindi niya ako isasama?

"Ate, dalian na po natin! Kakainin niya na si kuya!" Hinatak ng bata yung dulo ng robe ko.

"Gretel, hintayin muna natin si kuya Matt mo. Kailangan natin-- GRETEL!" Tumakbo siya bigla papunta sa madilim na forest.

Medyo malayo pa naman sa castle ang forest na 'yon dahil may malawak na sunflower field sa pagitan pero ang bilis tumakbo ng Gretel!

Wala na akong nagawa kundi habulin siya. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang siya. Siguro naman ay mahahabol kami nina Matt. At siguro naman ay mahahabol ko si Gretel at mapipigilan sa pagtakbo.

"Gretel! Hintayin muna natin si Matt!" sigaw ko. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Malapit na kami sa madilim na forest. Shit. Bakit ba ang bagal ko tumakbo? Ngayon lang kasi ako ulit tumakbo eh.

"Kakainin niya na po si Kuya Hansel! Kailangan po natin bilisan!" sigaw niya habang natakbo. Hindi ba siya hinihingal?

Dumilim lalo. Nasa forest na kami. Ang lalaki ng mga puno. Ang dilim at nakakatakot. Kahit ilaw ng buwan ay hindi ko makita.

Patuloy parin sa pagtakbo si Gretel. Nananakit na bewang ko. Hindi ko na kaya.

"Gretel! Sandali lang!" sigaw ko. "Tumigil ka muna!"

Nagulat ako ng tumigil siya bigla sa pagtakbo. Finally! May liwanag sa tinitignan niya.

"Buti naman tumigil ka--" Napanganga ako sa tinitignan niya. Bahay ba 'yan?

"Nasa loob po si kuya," sabi niya saken. May ilaw ngang nanggagaling sa loob ng bahay. Pero... bahay ba 'yan?!

Gawa sa chocolate ang pader. Cadbury pa yata. Waffles naman ang bubong niya at may malalaking jelly beans pa sa tuktok. Ang pinto ay gawa sa wafers na may sprinkles. May mga glow in the dark cherries na nakasabit sa bahay kaya maliwanag. Ang nagsisilbing fence pa ng bahay ay mga lollipop.

Grabe. Ang sarap. Ang sarap ng bahay.

"Sigurado ka bang bahay 'yan? Baka pagpasok natin ay mabali ang pader dahil gawa 'yan sa chocolate," bulong ko kay Gretel.

"Matibay po 'yan! May magic po 'yan ng matandang babae," sabi niya.

"Sinong matandang babae?"

Hinatak na ako ni Gretel palapit sa bahay. Dahan-Dahan kaming sumilip sa bintana na gawa sa melted brown sugar. Di ko napigilan ang sarili ko na pumutol sa chocolate wall. Oo nga, cadbury nga. Lasang caramel.

Isang lalaking mataba at halos kaheight lang ni Gretel ang nasa loob. Walang witch. Walang matandang babae.

"Tara po, si kuya Hansel lang nasa loob! Iligtas na po natin siya!" tumakbo siya bigla papunta sa pinto. Bago ko pa sabihin na baka may trap sa loob ay pumasok na siya. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hindi ko siya pwedeng iwan. Bata lang siya.

"Gretel! Bakit ka bumalik dito?" sabi ng kuya niya. Si Hansel. Ang cute cute. Ang taba taba.

"Ate Emerald, tulungan mo po ako hanapin yung susi para makalabas si Kuya Hansel!" sabi ni Gretel habang binubuksan lahat ng drawer.

Buti sa loob ng bahay ay normal ang mga gamit. May napakalaking oven na nakasindi at puro panluto lang ang nasa loob ng bahay. Walang higaan, walang upuan.

"May hinahanap ba kayo?" Mabilis akong napatingin sa pinto. Tumakbo sa akin si Gretel at nagtago sa likod ko.

Matanda na siya at malaki ang katawan. Puti na ang kanyang hanggang bewang na buhok. May hawak siyang malaking kutsilyo.

"Pakawalan mo na kuya ko!" sigaw ni Gretel. Si Hansel naman ay iyak nang iyak.

"At sino ka naman iha?" tanong ng matanda sa akin.

"Emerald Prescott."

"Emerald? A gemstone? Isang prinsesa. Anak ka ng mahal na reyna, diba?" Tumawa bigla yung matanda. "Very good, Gretel. Nagdala ka ng mas masarap ma pagkain."

"Pakawalan mo na ang mga bata," sabi ko.

"At ano naman ang kapalit?" Humakbang siya palapit sa amin.

"Magpapadala kami ng maraming pagkain dito every month."

"AYOKO!" sigaw niya bigla. "Let's have a deal, Princess Emerald."

"Anong deal?"

"Listen. Papakawalan ko ang dalawang bata."

"Pero ano?"

Lumapit pa siya sa amin. Nanginginig na si Gretel sa likod ko.

"Pero maiiwan ka."

Ano? Maiiwan ako? Anong kailangan niya sa akin? Ako ba ang tinutuloy niyang masarap na pagkain? Shit. Kakainin niya ba ako?

Tinignan ko si Gretel na nanginginig sa takot at si Hansel na naiyak sa kulungan niya. Nakakaawa. Paano ba sila nakarating dito? Mga bata palang sila.

Dadating naman si Matt diba? Ililigtas ako ni Matt.

Tama. Dadating si Matt.

"Sige. Magpapaiwan ako. Pakawalan mo na ang mga bata."

With that, ngumiti ng malapad ang matandang witch.

"Sweet!"

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon