Chapter 34 - Time

103K 4.3K 879
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Kitakits po tayo sa March 1 sa Trinoma para sa Pop Fic Fest 3 :D Ako, kasama ang iba pang Pop Fic Authors, ay may booksigning at may iba pang masasayang activities at program.

Punta kayo! :D

-Onneechan
______________________________________________________________________________

CHAPTER 34 - TIME

Nag-unahang pumatak ang mga luha ko. Nakakabingi ang mga sigaw nila Ate. Mawawalan nanaman ba ako ng Mama?

Ayoko. Hindi totoo 'to. Diamond siya. A diamond doesn't break.

"Ma," tawag ko. "Ma."

Hinahatak ako ni Matt. Ayoko umalis. Ang sakit ng puso ko. Naalala ko sila Ate at sobrang close sila kay Mama. Lumaki silang kasama si Mama. Hindi pwedeng mawala si Mama dahil saken.

"MA! ANO BA! GUMALAW KA!"

Tumahimik bigla. Tanging sarili ko lang ang naririnig ko at parang may nailaw sa dibdib ko.

"Anong nangyayari?" Bakit nagliliwanag yung Emerald locket ko? Pagkabukas ko ay hindi nagalaw yung orasan sa loob. Nasira?

"Matt, anong nangyayari?" tanong ko. Pero pagtingin ko sa kanya, nakahinto lang siya. Pati sila Ate. Pati si Medusa.

Nilapitan ko si Mama. Statue na nga siya. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak, pero naiyak parin ako. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko man lang nasabi sa kanya sobrang thankful ako.

Now, I am too late.

Wala na akong magulang. Ang sakit. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Ganito pala feeling nang mawalan 'no?

I feel so alone.

Dapat pala sinunod ko na yung sinabi ni Ate Sapphire. Dapat pala sinabi ko na agad lahat kay Mama. I took her for granted.

Kasalanan ko 'to. Nawalan ng Mama sina Ate. Maayos naman sila bago ako dumating dito. Ako ang dahilan ng lahat.

At ako ang dapat tumapos.

Lumapit ako kay Matt at kinuha yung sword niya. Ayokong gawin 'to. Pero kailangan.

Magbabago nako.

Gusto nila akong kunin diba? Subukan lang nila. Subukan nilang tumuntong sa teritoryo ko.

Papatayin ko sila.

Kasabay ng bagsak ng ulo ni Medusa ang paggalaw muli ng oras at ng paligid.

----

"Emerald, hindi ka nanaman kakain?" Tinitigan ko lang si Meredith.

"Emerald kailangan mong kumain," sabi naman ni Lucinda. Tumingin lang ako sa bintana. Mag-isa nalang talaga ako.

Umalis din sila Ate. Pumunta sa mga asawa nila para iparating ang nangyari. Mag-isa nalang ako.

Kasalanan ko 'to.

"Emerald, next week kailangan mo nang humarap sa mga Modars. Ikaw na ang magiging Queen," paalala ulit ni Felicity. Hindi ko sila pinansin. Ayoko. Wala akong kwenta. Malas ako. Sisirain ko lang ang Kingdom na 'to.

Walang nagawa sina Meredith kundi lumabas nalang ng kwarto. Gaano katagal na ba ako nakaupo dito? Gaano katagal na ba ako hindi natutulog?

Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, naaalala ko si Mama. Yung itsura niya. Yung mga nangyari.

Ayokong matulog. Hindi ko kakayanin. The guilt will kill me. It's all my fault.

Narinig kong bumukas yung pinto pero hindi ko nalang pinansin. Wala na akong pakialam.

May nilapag na pagkain sa harap ko.

"Kain." Napatingin ako sa kanya.

"Ayoko, Matt."

"Gusto mo bang subuan pa kita?"

"Iwanan mo nako, Matt."

"Hindi kita iiwan."

[A/N: Pakiplay yung nasa multimedia para may sound effects :)]

Naluha ako bigla. Bakit ba kapag kasama ko siya, nanghihina ako? Bakit ba palagi nalang ako naiyak?!

Niyakap niya ako. Ang sakit ng puso ko. Nahihirapan ako huminga. Ayoko na dito.

"Mag-isa nalang ako," bulong ko.

"Hindi ka nag-iisa."

"Mag-isa nalang ako," ulit ko.

"Nandito ako."

Iiwan mo rin ako, Matt. Alam ko. Lahat naman nawawala saken eh. Ano bang nagawa ko?! Bakit nawawala lahat saken?

Napatingin ako sa langit. Ano bang problema mo saken?! Galit ka ba saken? Ako nalang sana kinuha mo! Lord, ako nalang sana.

"Hindi ako aalis, Em. Hindi kita iiwan."

Umiyak lang ako nang umiyak.

"Iiwan mo din ako, Matt."

"Hindi nga."

"Wag mo akong paasahin. Please."

Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi kita pinapaasa. Hindi ako nangangako. Lahat tayo mamamatay, Em. Lahat tayo mawawala. Pero hangga't kaya ko, hangga't buhay pako, hindi kita iiwan. I will do everything wag lang kitang iwan."

♬♪ 'Lost and insecure,
You found me, you found me.
Lying on the floor,
Surrounded, surrounded.' ♪♬

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Sht. Hindi 'to pwede. Bakit kay Matt pa?

"Trabaho kong wag kang iwan," dugtong niya.

Ouch. Leche.

♬♪ 'Just a little late,
You found me, you found me.' ♪♬

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon