Chapter 36 - Where Aerielle Came

107K 4.3K 1.2K
                                    

CHAPTER 36 - WHERE AERIELLE CAME

"Emerald, hindi ka parin ba nakakapili?" tanong nanaman ni Ate Amethyst. Pang-limang beses niya nang natanong sa akin 'yan ngayong umaga. Nakakaasar!

"Hindi pa nga po," ulit kong sagot. Dagdag pa sa nararamdaman ko ay yung dito nila ako pinaupo sa upuan ni Mama sa dining hall tuwing nakain kami.

"Pero kailangan mo nang pumili sa Coronation Day ha," sabi naman ni Ate Sapphire.

"Nakakahiya naman kanila Prince Vincent, Prince Allen at Prince Francis dahil naghihintay sila ng desisyon mo," sambit naman ni Ate Jade.

Sus. Ngayon nga lang sila nagpakita ulit eh. Kung kailan kailangan ko nang pumili.

"Okay lang naman po sa amin ang maghintay," sabi ni Prince Vincent. "Worth it naman po yung hinihintay eh."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Oo, kasama rin namin sila dito sa dining hall. Breakfast eh. Dito rin kasi sila natulog simula nung dumating sila dito.

'Kabadingan.' Napangiti nalang ako sa bulong nina Brix, Jared, Zac at Matt na nakatayo sa likod ko.

"Emerald, I forgot to tell you na you have a duty today sa Open Hall." Tumayo na si Ate Amethyst at inayos yung suot niya.

"Ano pong Open Hall?" tanong ko.

"Well, isa sa trabaho ng Queen ay ang dinggin ang mga hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Actually, ang King talaga dapat ang may trabaho sa Open Hall. Pero dahil wala ka pang King, ikaw ang may duty doon. Nakapila ang mga may problema sa Middle Village sa harap ng Open Hall at isa isa lang ang pwedeng pumasok para makausap ka," paliwanag ni Ate Amethyst.

"Kasama mo sina Matt at ang iba pang kawal kaya protektado ka just in case na may Dark Side na makapasok," sabi naman ni Ate Jade.

Kinabahan ako bigla. Paano kung maling hatol ang maibigay ko sa mga problema ng mga tao sa Middle Village?

"Matt, dalhin niyo si Emerald sa Open Hall mamaya," utos ni Ate Amethyst.

Wala na akong nagawa kundi sumunod. Napapagod na agad ako. Di talaga pwede. Hindi ako pwedeng maging Queen. This is absurd. Nakakainis.

"Em, kaya mo 'to. Don't worry," sabi ni Matt habang naglalakad kami.

"Paano mo naman nasabi?" Surprisingly, tahimik sina Brix sa likod ni Matt at hindi nagsasalita.

"Because I believe that you can."

Napangiti ako.

"Thank you sa inyo ha," sabi ko at humarap sa kanilang apat. "For always being there for me."

"Ang drama naman ng magiging Queen namin!" natatawang sabi ni Jared.

"Pupunta na ba agad tayo sa Open Hall?" tanong ko.

"Pwede namang hindi na muna. Maaga pa naman eh," sabi ni Zac.

"Ay!" Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Jared.

"Pucha bakit?!" sigaw ni Matt.

"Naalala ko lang na may napulot ako malapit sa lagusan papunta sa mundo... sa mundo ni Emerapd dati," sabi ni Jared. "Kaso hindi ko alam kung paano gamitin eh."

"Patingin," sabi ko. Naeexcite ako bigla. Sana cellphone! Please! Utang na loob, gustong gusto ko nang makahawak ng cellphone!

Tumakbo si Jared paakyat sa kwarto niya at sinabing hintayin daw siya. Kaya umupo muna kami sa Garden. Maaga pa naman siguro para pumunta agad sa Open Hall. Pwede naman siguro malate.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon