Chapter 11 - Under the Water

137K 5.3K 1.6K
                                    

CHAPTER 11 - UNDER THE WATER

=x=x=x EMERALD x=x=x=

'Ekawa ehs si?'

'Pu tuhs. Wonk tnod I.'

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nasaan ako? Ang dilim pero nakikita ko parin ang paligid. Parang nasa loob ako ng isang kweba.

"Ayis an gnisig!" rinig kong sigaw ng isa. Pagtingin ko'y nakahiga pala ako sa isang flat rock at puro tubig na pala ang nasa paligid ko. Nasaan sila? At ano ba sinasabi nila? Hindi ko sila maintindihan.

"Oat," rinig kong sabi ng isang lalaki pero di ko alam kung nasaan sila. "Ak onis?"

Ano daw?

"AK ONIS!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng lalaki.

"H-Hindi ko kayo maintindihan," sabi ko. Nag-echo pa ang boses ko.

"Nahidnitniam oyat ayin idnih," rinig kong sabi ng isang babae.

"Aseya is om nigawat," utos ng isa pang babae. Nakarinig ako ng galaw sa tubig. Doon ko nalaman na nasa ilalim pala sila ng tubig. Paano? Paano sila nakakapagsalita sa ilalim ng tubig?

May gumalaw ulit sa ilalim ng tubig at may nagsalitang babae, "Tikab?"

"Abid ays om nahidnitniiam?"

"Sino ka?" tanong ng isang babae. Finally ay naintindihan ko na sila this time.

"Tao, sumagot ka. Sino ka?" tanong ulit ng babae.

"Emerald... Emerald Prescott po," sagot ko.

"Ttocserp gnayis asi!" rinig kong sabi ng lalaki.

"Asesnirp gnasi!" sabi pa ng isa pang babae.

May mga gumalaw sa ilalim ng tubig at unti-unting lumiwanag sa kweba. Mas malinaw ko nang nakikita ang paligid. Bigla may umahon mula sa ilalim ng tubig. Isang babae na kulay light green ang buhok. Grey ang mga mata nito at patusok ang kanyang mga tenga. Umakyat siya sa flat rock na kinauupuan ko.

WHAT THE HELL? Napaatras ako sa nakita ko. Bakit ganon? Bakit wala siyang paa? Bakit...

"Wag kang matakot mahal na prinsesa," sabi niya. "Ako si Ayesa. At ito ang iba ko pang mga kasama."

Tinuro niyang tubig at may mga umahon. Puro light green ang kanilang mga buhok. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

"B-Bakit ako nandito? Anong kailangan niyo sa akin?"

"Wag mo kaming katakutan mahal na prinsesa. Kami'y iyong mga kaibigan. Kami'y kakampi," sabi ng isang lalaki na nasa tubig. "Ako si Zoren. Ipagpatawad mo sapagkat ako ang humatak sayo papunta dito."

"Nasaan ba ako? A-Ano ba k-kayo..." mahina kong tanong.

"Nasa ilalim ka ng tubig. Nandito ka sa aming tahanan," sabi ni Ayesa. "Kami ang tinatawag nilang kahating tao at kalahating isda. Mas kilala sa tawag na--"

"Diamrem!" sigaw ng isang bata.

"Ano?" Ibang lenggwahe nanaman ang ginamit ng bata.

"Mermaid," sabi ni Ayesa.

"Ano?!" gulat kong tanong.

"Gusto naming pakinggan mo kami prinsesa," sabi ni Ayesa. "Sana'y iparating mo ito sa reyna."

Napalunok ako at tumango. Giniginaw nako.

"Hindi kami pinapatahimik ng Dark Side Prinsesa Emerald. Unti-unting sinisira nito ang aming tahanan. Hindi na namin mapuntahan ang ibang parte ng kweba dahil sinira nila. Tulungan mo kami, Prinsesa Emerald. Mawawalan kami ng tirahan. Inaagawan pa nila kami sa pagkain. Pinapatay pa nila ang mga lamang-dagat," paliwanag ni Ayesa.

Dark Side nanaman? Ano ba talaga ang gusto nila? Ano ba talaga ang hinahanap nila at palagi silang nanggugulo?

*Boom!*

[A/N: Panes! LOL ang epal ko nanaman hahahahahahaha]

Halos mahulog na ako sa tubig nang may sumabog na malakas. Nagtakbuhan ang ilang mga mermaids.

"Anong nangyayari?" natataranta kong tanong. Hinatak ako ni Ayesa papunta sa tubig.

"Kailangan mo nang bumalik sa inyo, Prinsesa Emerald. Kami nalang ang bahala dito," sabi ni Zoren sa akin. Hinatak niya ako pababa sa tubig. Wala nanaman akong makita. Hindi nanaman ako makahinga. Mahigpit na hawak ni Zoren ang mga kamay ko.

Nakarinig nanaman ako ng mga sabog mula sa pinanggalingan namin.

Nandoon na ba ang mga sinasabi nilang Dark Side? Bakit nila ginagawa 'to?

Nakikita ko na ang liwanag sa taas. Finally, makakaahon na kami! Konti nalang, makakabalik nako sa castle. Sasabihin ko talaga ang lahat kay Mama. Kailangan ko silang iligtas.

Pero bago pa kami maahon ay may humatak sa paa ko.

Nakakapaso.

Ang sakit.

Pero mas ikinagulat ko ang bigla pagdulas ng mga kamay ko sa hawak ni Zoren.

Tulong!

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon