Chapter 31 - Statue

116K 4.2K 930
                                    

Random Confession #2

Si Zac dapat yung magiging kaagaw ni Matt kay Emerald pero nagbago isip ko :))

-Onneechan

______________________________________________________

CHAPTER 31 - STATUES

"Emerald?"

"Emerald, gising na," rinig kong sabi ni Thelessa. Dinilat ko na bigla ang mga mata ko.

"Naiyak ka," sabi ni Matt. Napahawak tuloy ako sa mga pisngi ko. Oo nga, naiyak nga ako.

"Kanina ka pa namin ginising. Pero ayaw mong magising. Anong nakita mo?" tanong sa akin ni Zac.

Ano nga ba ang nakita ko? Hindi naman 'yon totoo diba? Fantasy lang 'yon. Kaya nga River of Fantasies eh.

"Kailangan na nating umalis." Naglakad na si Matt pabalik sa chariot namin kaya sumunod na kami.

"Emerald," tawag sa akin ni Thelessa. Hinatak niya ako. "Anong nakita mo?"

"Yung... mga taong mahalaga po sa akin."

"Yun lang?"

"Tapos may dugo po akong nakita. Ano po bang ibig sabihin 'non?"

"Kaya ko nakita yung mga taong mahahalaga sayo, dahil yun yung mga desires mo. Yung mga gusto mo," paliwanag ni Thelessa.

"Pero bakit po may mga dugo?"

"It's because what you love can someday kill you."

Ha? What I love can kill me?

"Emerald, desires and weaknesses mo lang 'yon. Pwede mong iovercome ang mga 'yon para maiwasan ang masasamang pangyayari. Hindi lahat ng nakita mo sa panaginip ay mangyayari. Yun lang ang gustong mangyari ng puso mo," dugtong ni Thelessa. "Don't let your fantasies distract you from the reality."

Teka, yung napanaginipan ko ay yung mga gustong mangyari ng puso ko? EH BAKIT KASAMA SI MATT? BAKIT PARANG IKAKASAL KAMI?!

Pero ikakasal nga ba kami sa panaginip ko? Baka naman best man lang siya ng groom? O baka siya yung pari? Oo nga. Baka nga.

Sumakay na ako ng chariot. Nagpaalam na kami kay Thelessa at bumyahe na pauwi. Sa wakas, makakapagpahinga na ako.

***

"Takbo, Emerald! Dalian mo!"

Huh? Bakit ako natakbo? Sino yung kumakausap saken? Saan ako pupunta? Tinignan ko ang mahabang hallway ng castle. Parang walang ending. Kanina pa ako takbo nang takbo.

"Emerald! Malapit na siya!"

Sino ba yung tinatakbuhan ko? Lumingon ako sa likod at wala namang tao.

'Ushios hesia mechurisa kusiesh.'

Sino 'yon?! Parang... ahas kung magsalita. Bakit ba hindi ko mapigilan yung sarili ko sa pagtakbo?

Wait, nananaginip nanaman ba ako?

"EMERALD! WAG KANG TITINGIN!"

Napaupo na ako bigla. Umaga na pala. Kailan ako nakarating dito sa kwarto ko? Baka nakatulog na ako sa chariot kagabi kaya binuhat nalang nila ako dito.

Kumatok at pumasok na sina Meredith. Binati nila ako pero tinitigan nila ako.

"Pawis na pawis ka," sabi ni Lucinda.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon