Chapter 25 - Mate

119K 4.8K 2.6K
                                    

Random Question #2

Kung magkakaron ng theme song si Matt at Emerald, anong kanta ang gusto niyo? :)

-Onneechan

______________________________________________________________________________

CHAPTER 25 - MATE

"R-Red."

"Ilayo mo ako sa kanya, Matt. Please," naiyak na sabi ni Red.

Hindi man lang ako tinignan ni Red -_-

"Bakit ka ba hinahanap ng mga asong 'yon?" tanong ko. Finally ay tumingin na siya sa akin.

"Sinusundan nila ako," nakayuko niyang sabi.

"NASAAN SI RED?!" rinig naming sigaw ni Clarence sa baba.

"Red, hawak nila sila Mama. Ano bang nagawa mo? Bakit ka nila sinusundan?"

"Takot ka nga pala sa aso," mahinang sabi ni Matt kay Red.

"Hindi ko kaya, Emerald. Natatakot ako." Hinawakan ni Red ang mga kamay ko. "Tumakas na tayo."

Ano?! Tatakas kami at iiwan namin sila Mama?

Tumingin ako kay Matt at tahimik lang siyang nakatingin kay Red. Hindi man lang niya ako tutulungan na kumbinsihin si Red? Ugh! Nakakaasar!

Hinatak ko ang kamay ko at napabitaw siya. "Handa mong iwan sila Mama dito para lang makatakas? Ganyan ka ba kaselfish?!"

"Hindi... Hindi ganon ang ibig kong sabihin..."

"Family comes first," inis kong sabi. "And Family means nobody get's left behind."

Oha. Natutunan ko 'yan sa favorite kong movie nung bata pako! Hoho~

"Don't run away from your fears, Red. Out of all people, ikaw dapat ang nakakaalam niyan. Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati noong nasira ko yung chariot ng Queen? Sabi mo: 'Face the consequences.' Sabi mo noon na mga duwag na tao lang ang tumatakbo dahil natatakot sila," sabi ni Matt. "Duwag ka na pala, Red? Nagbago ka na."

Naging tahimik bigla ang atmosphere. Ang awkward. Mukha akong kabit dito.

"Tara na," At nauna pa sa amin maglakad pababa si Red.

"Teka, Red! Bakit nga pala hindi nila naaamoy yung scent mo? Bakit hindi nila alam kung nasaan ka?" tanong ko.

"Suot ko 'tong red hood ko eh," sagot niya. "This protects me."

Bubuksan palang namin ang malaking pintuan ng Great Hall ay rinig na namin ang pagwawala ni Clarence. Napasigaw ako nang makita ko ang nangyayari sa loob. Puro dugo everywhere. Hirap na hirap sina Jared at Zac na pigilan si Clarence. Habang si Brix naman ay may tatlong werewolf na kinakalaban.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay nakatingin na sa amin ang lahat. At... tumigil bigla ang paglalaban. Nagbago din ang itsura ni Clarence. Nawala bigla ang galit niya sa mukha.

"Red," mahina niyang sabi pero narinig parin naming lahat.

Lumapit siya kay Red. "Okay ka lang? Sinaktan ka ba nila?"

WAIT. HA?! Bakit... HA?

"TEKA!" awat ko. "BAKIT ANG BAIT MO SA KANYA? CLOSE KAYO?"

Hinatak ako ni Matt ang tinakpan niya ang bibig ko. "Makinig ka nalang muna. Wag ka munang sumingit diyan. Panira ka ng moment eh."

"Hindi kami magkakilala," inis na sabi ni Red. "Bakit mo ba ako sinusundan? Diba sabi ko layuan mo na ako?"

"Hindi pwede, Red."

"Bakit? Takot ako sa mga tulad niyo, okay?"

"Hindi mo ba nararamdaman?" Lumapit pa lalo si Clarence kay Red at hinawakan ang kamay niya. "Can't you feel the electricity whenever I touch you?"

"E-Electricity...?" nauutan na sabi ni Red.

"Can't you feel the feeling whenever we look at each other's eyes?" tanong ulit ni Clarence.

"A-Ano bang ginagawa mo saken? I feel... weird."

"Mate. Ikaw ang Mate ko."

MATE?! Tinanggal ko yung kamay ni Matt na nakatakip sa bibig ko at bumulong, "Mate?! As in yung kagaya sa mga stories sa wattpad?"

"Anong wattpad? Ano yun?" nagtatakang tanong ni Matt. SERIOUSLY?! PATI WATTPAD HINDI NIYA ALAM? Kawawa naman siya :(

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Anong mate?" malakas na tanong ni Red kay Clarence.

"It's what werewolves have. Sa buong buhay namin, may isang tao na nakalaan para makasama namin habang buhay. Mate ang tawag namin doon. Isang tingin palang namin ay malalaman na kaagad namin na mate namin ang taong 'yon," paliwanag ni Clarence. "I waited for years para mahanap kita. You're the one for me."

Nakasimangot lang si Red. Siguro nagsisink in pa sa utak niya ang information. Napatingin ako kay Matt. Ano kaya ang nararamdaman niya? May gusto siya kay Red diba? Nasasaktan siguro siya.

"Sumama ka na sa akin, Red. Please," pagmamakaawa ni Clarence.

"What about my feelings?! Paano kung hindi pala kita mahal? Paano kung may iba pala akong mahal?!" sigaw ni Red.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Si Matt kaya ang tinutukoy niya?

"You can't fall in love with someone else, Red. I'm your soulmate. Bakit hahanap ka pa ng iba kung nandito na ako?" Hinawakan niya si Red sa pisngi. "Hindi mo ba nararamdaman ang connection natin sa isa't isa?"

Umiwas ng tingin si Red.

"Don't lie to me, Red. Alam kong you feel it too," bulong ni Clarence. "You'll love me. We'll have a family. We'll be happy forever. Ano ba ang kinakatakot mo?"

"Nothing lasts forever. Nothing stays the same."

Teka, parang kanta yun ah?

"Our love will be forever. Hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan," sabi ni Clarence.

Yumuko si Red.

"Please, Red. I don't want to wake up in the morning without you by my side."

Tumulo bigla ang mga luha ni Red. "Kapag sinaktan mo ako, papatayin kita."

Tapos nagyakapan sila bigla -_- Ganon lang 'yon? World peace na ulit? MUNTIK AKONG MA-RAPE KANINA! DAPAT PUGUTAN SILA NG ULO!

Napatingin ako kay Matt nang bumuntong hininga siya.

"Masakit ba?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" naguguluhan niyang tanong.

"Yung puso mo," sabi ko.

"Ha? Bakit naman sasakit ang puso ko?"

"It hurts to see the person you love be with someone else."

Alam ko yung feeling na 'yon Matt.

"Sino nagsabing nasasaktan ako kasi may iba nang kasama si Red?!" gulat niyang tanong. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na past is past?"

"Pero may quote na nagsasabing 'The past will always be there to ruin the present'. So kahit past lang 'yan, pwede niyan baguhin o guluhin ang present o kaya ang future," sabi ko.

"It won't. Crush ko lang naman siya dati. Iba ang crush sa love, okay?"

Bigla niyang kinurot yung ilong ko.

Nakakaasar!

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon