Chapter 19 - Runaway Queen

130K 4.7K 1.7K
                                    

CHAPTER 19 - RUNAWAY QUEEN

"Wait! Miss!" sigaw ng lalaki.

Gaya ng sabi nila ate, ganon na ganon ang nangyari ngayong Winter Ball. Pero nung inannounce na kung sino ang Queen of All Hearts of this year's Winter Ball, tumakbo bigla paalis yung nanalong babae. Hindi tuloy namin alam kung ano ang pangalan niya. Basta ang alam namin ay maganda siya.

Tumakbo siya pababa sa malawak na hagdan ng castle. Lahat kami'y nakatingin sa kanya. Bakit kaya siya tumakbo? Sino ba ang tinatakbuhan niya?

Napatingin ako sa malaking orasan ng castle. 11:59am na pala. Kaya pala inaantok na ako.

"Miss, sandali lang!" sigaw muli ng lalaki. Naalala kong siya yung kanina pang kasayaw ng babae. Patuloy parin sa pagtakbo yung babae hanggang sa nawala na siya at ang tangi nalang na natira ay ang isang sapatos niya na mukhang natanggal habang natakbo siya.

"Well, sino kaya ang magandang binibini na iyon? Siya pa naman ang ating Queen of All Hearts," sabi ni Queen Cazelle sa harap. Nakita kong pinulot ng lalaki yung sapatos na naiwan ng babae. Kumikinang ito at napansin kong gawa sa glass.

"Halina't umuwi na tayo. Pagod na ako," sabi ni Mama kaya't sumunod na kami.

"Bakit kaya siya tumakbo?" tanong ni Ate Sapphire pagkapasok palang namin sa castle namin.

"Baka hindi talaga siya galing sa mayaman na pamilya. She is certainly not from a royal family kasi ngayon ko lang siya nakita," sabi ni Ate Amethyst.

"May nararamdaman akong kakaiba sa babaeng 'yon," sabi ni Ate Jade. "Parang hindi normal. Iba yung feeling. Parang magic."

"Enough na yan. Let's rest na," utos ni Mama. "Emerald, bukas dadating na yung tutor mo."

"Tutor? Tutor po saan?" tanong ko.

"Tutor sa fine dinings, ball room dancing, archery, fencing, painting, at kung ano ano pang dapat malaman bago ka maging Queen." Umakyat na siya sa malawak naming hagdan. Umakyat na rin ako kasabay ni Matt dahil magkatapat lang naman ang kwarto namin samantalang ang mga Ate ko naman ay sa kabilang hagdan kasabay ni Mama dahil sa kabilang side ng castle yung mga kwarto nila.

"Emerald, napansin mo ba kanina?" tanong ni Matt habang naakyat kami.

"Ang alin?"

"Nung nagsasayaw tayo, nabunggo natin yung babae. Tapos bigla siyang lumayo sa atin noong nakita ka niya."

"Hindi ko napansin. Baka naman nagulat lang siya sa akin."

"Hindi. Iniiwasan ka talaga niya. Dahil patingin-tingin siya sayo. Mas lalo pakong nagtaka nung tumakbo siya bigla nung inannounce na siya ang Queen of all Hearts ngayong year. Parang may tinatakbuhan o tinatakasan siya." Nakarating na kami sa mga kwarto namin.

"Thank you, Matt," sabi ko bago pumasok ng kwarto ko. "For being my escort."

***

"Emerald, gising na!"

I lazily got up nang marinig ko ang boses ni Meredith at Lucinda. Another day nanaman. Habang tumatagal ay nabobored na ako dito sa castle. Namimiss ko na ang tv. Lalong lalo na ang wifi at cellphone ko.

Pati si Mommy Minerva. Nasaan na kaya siya? Nakaligtas kaya siya?

Pagtapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako sa dining hall at nakitang nakaupo na sila Ate at Mama. May isa pang babaeng nakaupo pero hindi siya kilala.

"Good morning, Emerald," sabi ni Mama at tumayo. "I want you to meet your tutor, Miss Elleanor Cinder."

Tumayo yung babae. Blonde yung buhok niya at mukhang mas matanda lang sa akin ng dalawa o tatlong taon. Ang ganda niya. Maputi at maamo ang mukha. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko alam kung saan.

"Hi, Princess Emerald. Call me Ella."

Ngumiti ako at umupo sa tapat niya. "Hello po, Miss Ella Cinder!"

Pagtapos naming magbreakfast ay nagsimula na agad ang tutoring class namin. Ang class namin ngayon ay Painting Class. Finally! Nakahawak ako ulit ng paint brush! Nganga ako pagdating sa Math pero pagdating sa arts ay magaling ako :D

"Wow! Ang ganda po niyan, Princess Emerald!" puri ni Miss Ella. "Parehas po kayo ng tatay ko. Magaling din siyang magpainting."

"Talaga po? Pwede ko po bang makita sa susunod na class natin yung mga gawa niya?" tanong ko.

"Sorry po Princess Emerald pero hindi ko na alam kung nasaan siya. Iniwan niya na po kasi ako sa step-mother ko," malungkot na sabi ni Miss Ella.

"Emerald, Miss Ella, pinapapunta po kayo sa Great Hall dahil may parating daw pong bisita," sabi ni Aliyah. Tumayo na kami at pumunta sa Great Hall.

"Sino daw yung bisita?" tanong ko kay Ate Jade.

"Si James."

James? Sinong James?

"May hinahanap daw siyang babae at baka nandito daw 'yon."

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon