Chapter 40 - Coronation Day

102K 3.8K 1.1K
                                    

CHAPTER 40 - CORONATION DAY

"Emerald, ready ka na?"

"Oo, Mereditith."

"Pero kanina ka pa nakatayo diyan sa bintana. Maupo ka muna."

"Ayoko."

Iniwan na muna ako nina Meredith. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi na ba ako makakatakas? Ilang minuto nalang at magsisimula na. Ang Coronation Day. Kinakabahan ako. Gusto kong umatras.

Idagdag pa tong nakakaasar kong gown. Ang puffy masyado. Sino ba pumili nito? Nakakaasar.

Narinig kong bumukas ang pinto. Baka sina Meredith nanaman 'yon. Tatanungin nanaman ako kung ready na ba ako o kung kailangan ko ba ng tubig.

"Ang panget ng gown."

Napalingon ako bigla. Si Matt ba 'yon? "Matt?"

"Hindi bagay sayo yung gown."

"Anong ginagawa mo dito?"

Naglakad siya palapit sa akin. "May napili ka na?"

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Naiiyak nanaman ako.

"Napili saan?" Joke lang. Gusto ko lang talaga pahabain usapan namin.

"Kung sino papakasalan mo."

"Oo."

"Sino?" tanong niya.

Ikaw sana, Matt. Ikaw sana.

"Si Vincent."

Nagbago bigla expression ng mukha niya. Parang naging seryoso.

"Pinili mo ba si Vincent dahil gusto mo talaga siya o dahil kailangan mo lang siya?"

Tumingin ako sa labas ng bintana. Ayokong titigan ang mga mata niya. I don't want to see how beautiful his blue eyes are. Baka magbago isip ko. Baka maiyak ako.

"Ang mahalaga ay may napili ako. Matututunan ko naman siyang mahalin eh," sabi ko.

Hinarap niya ako bigla sa kanya. "You can't trust him."

"Bakit ka ba nakikialam? Ano bang pakialam mo saken?"

"Em..." Natigilan siya saglit. "Ginagamit ka lang niya para maging King siya."

"How can you be so sure? He truly likes me. Sinabi niya 'yon sa akin and I believed him. For once in my life I felt loved kaya bakit hindi ako maniniwala sa kanya? I want to be happy, Matt."

"Yun lang ba talaga ang dahilan, Em? Alam kong may sinabi pa siyang iba sayo."

"W-What do you mean?"

"Sinabi niya na kapag pinili mo siya ay poprotektahan niya ang Middle Village against sa Dark Side diba?"

Napayuko ako. "Oo."

"Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit ka pumayag diba?"

"Matt. Tama na."

"Sagutin moko, Em."

"Get out."

"Em..."

"GET OUT."

Narinig ko na ang pagsara bigla ng pinto. I'm doing this for my people. I chose Vincent para maprotektahan ang Middle Village. Sunod-sunod na ang pagpunta ng Dark Side dito dahil sa akin. I can't afford to lose my people because of me. Ayokong maulit ang nangyaro kay Mama.

At para... hindi na ako umasa kay Matt. Bakit ganon nalang bigla si Matt? Bakit ba ayaw na ayaw niya kay Vincent? Bakit ba affected siya masyado?

Para inisin ako?

Bumukas muli ang pinto at nakita ko sina Meredith. "Emerald, tara na-- Teka. Bakit ka naiyak?"

***

~*~*~* MATT's POV *~*~*~

"Matt, okay ka lang?" Hindi ko nalang pinansin sina Brix at tumayo na ako sa pwesto ko.

Naiinis ako. Bakit si Vincent pa ang pinili niya. Hindi ko naman ineexpect na tanga-tanga pumili si Emerald.

Ay, expected na pala na tanga-tanga siya.

Napatingin ako sa guests na nakaupo sa harap namin. 100+ people. Karamihan ay mga Modar syempre. Pero nasa harap ang Kings and Queens from different races.

Napatingin ako sa maingay sa harap. Sina King Vladimir at si Vincent. Kausap sina Amethyst. Naiinis nanaman ako. Ang sarap sapakin ng mukha ni Vincent. Ang angas kasi.

"Matt, kulang nalang matunaw na si Vincent sa titig mo. Pinapatay mo na ba siya sa utak mo ngayon o crush mo na siya?" biro ni Jared.

"Sino daw pinili ni Emerald?" tanong ni Zac.

Sakto ang pagbukas ng malaking pinto ng Great Hall at ang pagdating ni Emerald.

[A/N: Paki-play po yung youtube vid sa gilid para may song :)]

♬♪ 'Should've kissed you there
I should've held your face
I should've watched those eyes
Instead of run in place' ♪♬

Nagsinungaling ako kanina. Bagay sa kanya yung gown. Ang ganda niya.

Ano ba nangyayari sayo, Matt?! Nababaliw ka na ba? Bakit kay Emerald ka pa nagandahan?!

♬♪ 'But oh, I'm staring at the mess I made
I'm staring at the mess I made
I'm staring at the mess I made
As you turn, you take your heart and walk away' ♪♬

"Nasabi mo na ba sa kanya Matt?" rinig kong tanong sakin ni Zac.

"Ang alin?" tanong ko.

"Yung tungkol sa tatay niya. About sa inyong dalawa."

Tumingin ulit ako kay Emerald na naglalakad. Lahat nakatingin sa kanya.

♬♪ 'I should've spoken up
I should've proudly claimed
That oh my head's to blame
For all my heart's mistakes' ♪♬

"Hindi na siguro mahalaga pang sabihin sa kanya." Napatingin ako sa kanya na nakatayo sa harapan.

Kinokoronahan na siya. Nakangiti at masaya.

"Hindi niya ako kailangan. She deserves someone else. She doesn't deserve me."

"Paano mo naman nasabi 'yan Matt?" tanong sa akin ni Zac.

"I'm not a royal blood, Zac."

♬♪ 'And it's you, and it's you
And it's you, and it's you
And it's falling down, as you walk away
And it's on me now, as you go' ♪♬

"And now is the time for Queen Emerald to announce kung sino ang papakasalan niya. Queen Emerald, are you ready?" malakas na sabi ni Amethyst.

"Yes," ngumiti siya at napatingin siya sa akin.

Bakit tumingin pa siya sa akin? Nananadya ba siya? Inaasar niya ba ako?

"I choose Prince Vincent Vladimir."

♬♪ 'And it's falling down, as you walk away
And it's on me now, as you go' ♪♬

"LONG LIVE THE QUEEN!"

______________________________________________________________________________

Maikli ba? Sorry na. Hahaha

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon