Chapter 37

102K 4.1K 1.2K
                                    

CHAPTER 37

"Paano po ba makalimot?"

Ano daw?

"Seryoso ba siya?" rinig kong bulong ni Jared kay Brix sa likod ko.

"Seryoso po ako. Gusto ko pong makalimot," sagot ni Aerielle.

"Bakit naman?" tanong ko. Nagkatingin kami ni Matt pero umiwas ako agad.

"Kailangan po ba may dahilan ang lahat?"

"Mag-ingat ka sa pananalita mo. Baka nakakalimutan mo na ang future Queen ang kausap mo," banta ni Matt.

"Okay lang yon, Matt. Wag mo siyang takutin," sabi ko. "Aerielle, everything happens for a reason. Ba't di mo ikwento sa akin ang dahilan?"

"May nangyari na po ba sa inyo na kahit anong gawin niyo ay hindi niyo makalimutan?" tanong niya bigla.

Oo. Yung pagkamatay ni Mama.

"May sasabihin po akong sikreto." Lumapit siya sa akin. Biglang humarang sina Matt.

"Bawal kang lumapit," sabi ni Matt.

Naawa naman ako bigla. Bakit ba ang higpit nila? Mukha bang terorista 'tong si Aerielle?

"Kilala mo po si Zeke diba?" biglang sigaw ni Aerielle. Napatayo ako bigla. Sino... daw...

Si Zeke?

Napatingin sina Matt sa akin. "Sino si Zeke?"

Tumayo ako agad at nagsalita. "Sabihin mo nalang kung ano yung dahilan mo, Aerielle. Para matulungan na kita."

"Kapatid niya po ako," tuloy parin niya. "Kapatid po ako ni Zeke."

"Wala akong pakialam." Tumalikod na ako at akmang aalis na.

"Iniwan din ako. Nagmahal din ako at nasaktan. Pinaasa rin ako," sigaw niya. "Kagaya mo."

"Woah," bulong nila Zac.

Naalala ko nanaman ang lahat. Ang nakaraan. Si Zeke. Paanong kapatid niya 'tong si Aerielle? Bakit nandito siya? Tao lang si Zeke diba? Diba dapat nasa mundo ko sila?

"Madami ka pong hindi nalalaman."

Humarap ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. Oo nga. Magkahawig sila ni Zeke.

Tumingin ako kay Matt. "Pwede bang dalhin niyo siya sa kwarto ko? Kakausapin ko siya pagkatapos ko dito sa Open Hall."

"Nababaliw ka na ba? Dadalhin mo siya sa kwarto mo?" gulat na tanong ni Zac.

"Kung saan nandoon yung mga alahas mo?" sabi naman ni Jared.

"Tanga mo talaga Jared!" Binatukan ni Brix si Jared. "Bakit mo sinabi na nandoon yung mga alahas ni Emerald?!"

"Itigil niyo na 'yan. Sundin niyo nalang si Em. Bantayan niyo nalang yung babae habang nandoon. Kami na ni Zac ang magbabantay kay Em dito," utos ni Matt. Sumunod naman sina Brix. Walang tigil na thank you yung sinasabi ni Aerielle sa akin hanggang sa makalabas na sila sa Open Hall.

Kapatid siya ni Zeke. Si Zeke. 2 years na rin pala ang nakalipas.

"Sino si Zeke?" bulong ni Matt.

"Secret."

"Arte. Ayaw pang magkwento. Ang dami-dami kasing problema sa mundo. Bakit problemang pag-ibig pa yung problema ng babaeng 'yon." Hindi ko nalang pinansin yung mga pinagsasasabi ni Matt.

20 na tao pa ang nakausap ko bago matapos ang duty ko sa Open Hall. Nakakapagod pero masarap sa feeling na nakatulong ka.

Akala ko tapos na. Naalala ko na nasa kwarto ko nga pala si Aerielle. May isa pa pala akong problema. Hayy.

Pagpasok namin sa kwarto ko at nandoon nga si Aerielle. Nakaupo sa kama ko habang sina Brix at Jared ay nakatayo sa harap niya at tinititigan siya.

Umupo ako sa tabi ni Aerielle samantalang sina Matt at Zac at tumayo rin sa tabi nina Brix. Sarap naman kotongan nitong mga 'to.

"Ikwento mo na yung dahilan mo kung bakit gusto mong makalimot, Aerielle," sabi ko.

"Ayaw mo po bang malaman yung dahilan ni Kuya Zeke?" tanong niya sa akin.

"May magbabago ba kapag nalaman ko? It was 2 years ago, Aerielle. Tapos na 'yon."

"Sino ba yung Zeke?" rinig kong bulong ni Zac kay Matt.

"Mahalaga po 'yon. Hindi ka po ba nagtataka kung bakit ako nandito at hindi sa mundo natin dati? Kasi nandito si Kuya Zeke." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Diba nawala siya dati? Akala mo ba iniwan ka niya? Hindi ka niya iniwan. Kinuha siya at dinala dito."

Napasimangot ako. Nandito siya? Ano?

"Ibig sabihin... hindi niya talaga ako iniwan?" naguguluhan kong tanong.

"Bakit ka iiwan ng kuya ko? Nakita ko kung gaano ka niya kamahal. Hindi ka niya kayang iwan."

Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit hindi ako masaya? Diba dapat masaya ako ngayon kasi hindi pala ako iniwan ni Zeke?

"Paano mo nalaman na nandito yung Zeke?" singit bigla ni Matt.

"May kumuha po sa kanya. Mga nakablack hood. Sinundan ko po sila kasama ng isa pa naming kapatid kaya napunta kami dito. Bigla silang nawala. Hindi na namin sila nakita," paliwanag ni Aerielle.

Mga nakablack na hood? Dark Side.

"Teka, anong connect nito sa kagustuhan mong makalimot?" singit naman ni Brix.

"Oo nga," sang-ayon ni Jared.

Oo nga naman.

"Paano mo po ba nagawang makalimutan si Kuya Zeke? Kasi po ako, hirap na hirap makalimutan ang isang tao." Tumingin siya bigla sa bintana. Teka ano 'to? MMK? Napaupo nalang sa lapag sina Matt. Nairita na yata sila.

"Naranasan niyo na bang mainlove? Yung hindi mo alam kung bakit, basta mo nalang naramdaman? Yung kahit anong pigil ang gawin mo ay walang kwenta kapag nakita mo ulit siya?" sabi ni Aerielle habang nakatingin sa bintana. "May nakilala kasi ako. Si Eric. I fell in love. Pero hindi kami pwede sa isa't isa."

Eto nanaman ba tayo sa 'Hindi pwede sa isa't isa?' Bakit ba puro ganito nalang yung naeencounter kong love story? Dapat si Thelessa yung kinausap nito eh!

"Ikakasal na siya sa iba. At hindi ako taga-dito. Hindi kami pwede."

Tumayo bigla si Matt. "Sino nagsabing hindi kayo pwede? Kapag mahal mo ang isang tao, walang pero pero."

Walang pero pero? I'm the future Queen and I need a King, not a Knight in shining armor. Only a royal blood can marry a royal blood. Yan ang 'pero' sa amin ni Matt. Kaya hindi ko talaga dapat hayaan na matuloy pa ang nararamdaman ko para kay Matt.

Buti nalang hindi niya alam. Buti nalang ako lang ang nakakaalam ng feelings ko.

Pero a part of me is hoping na sana malaman niya na may gusto na ako sa kanya. Na I'm falling for him na. Baka sakaling ganoon din yung nararamdaman niya para saken.

Baka sakaling mahal niya din ako.

"Hindi lang naman po iyon ang dahilan kung bakit hindi kami pwede ni Eric eh," mahinang sabi ni Aerielle.

"Ano pa?" tanong ko.

"I'm a mermaid."

______________________________________________________________________________

Kakabasa ko lang kasi ng prologue ng 'Baka Sakali' ni Jonaxx hahaha

-Onneechan

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon