Chapter 30 - River of Fantasies

120K 4.3K 587
                                    

CHAPTER 30 - RIVER OF FANTASIES

"Emerald, yuko!"

"Bakit mo nanaman ba ako sinisigawan?! Ano bang nangyayari? Bakit ako yuyuko?"

"Basta!" Niyuko ako ni Matt. Naramdaman kong may bumanggang malakas sa sinasakyan namin at bigla itong tumaob.

Are we going to crash?!

May humatak sa akin at niyakap ako bigla. "Oy anong--"

Malakas na bumagsak sa lapag ang sinasakyan namin. Ouch.

"Okay lang ba kayo?" malakas na tanong ni Matt at binitawan nako. I felt my head hurt pero mild lang naman. Nauntog siguro ako kanina. What happened?

Bumaba na kami sa sinasakyan namin. Halos sira na siya. Pero yung mga gryffins ay maayos lang na nakatayo.

"Biglang naglanding yung mga gryffins. Kaya tumama tayo sa mga puno," sabi ni Jared.

Tumingin ako sa paligid. Ang laki ng mga puno. As in sobrang laki. Mas malaki pa sa amin ang mga ugat ng mga puno. Halatang matatanda na at sobrang matangkad. Ang fresh ng paligid at ang titingkad ng mga bulaklak. May mga paru-paro at mga ibon na nagliliparan. Ito pala ang light forest. Kaya pala light forest ang tawag dito.

"Parang may tumawag sa mga gryffins," sabi ni Brix. "Kahit anong gawin namin ay hindi namin sila mapigilan."

"Sino naman ang tatawag sa kanila?" tanong ko.

"Someone powerful," Matt said. "Someone na kailangan sundin ng mga gryffins."

May narinig kaming gumalaw sa likod namin kaya napalingon kaagad kami. That's when we saw her. Ang ganda niya talaga. Oo nga pala, dito siya nakatira.

"Kayo pala ang maingay kanina," sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako, "Kamusta ka na, Princess Emerald?"

"O-Okay lang..." Hanggang ngayon parin ba ay nauutal ako kapag kausap ko si Thelessa?! Nakakaintimidate kasi yung ganda niya eh!

"Ikaw ba ang tumawag sa kanila, Thelessa?" tanong ni Matt. Wow ha? Walang galang kung makipag-usap 'tong si Matt -_-

"Kanino?" As always, kalmado lang si Thelessa.

"Sa mga gryffins po," singit ni Zac.

"Wala akong tinatawag." Tumingin bigla sa langit si Thelessa. Para bang may naririnig siya. Unti-unting dumidilim.

"Mag-gagabi na," bulong ni Brix.

Nagiging silver nanaman ang kulay ni Thelessa. Dumidilim nanaman ang mga mata niya. Diretso siyang tumingin sa akin. Alam ko na agad kung ano 'to. Ang Chant.

'Ang ilog ang siyang tumawag, makikita mo ang pinapangarap.
Pati ang kahinaan nila na maaaring ikamatay sa hinaharap.

Hindi maniniwala sa umpisa,
Iisiping hindi totoo ang nakita.
Pero habang tumatagal ay mauunawa,
Na iyon nga ang laman ng puso niya.'

Bumalik na siya sa normal at napaatras. Ano nanaman ba ang ibig sabihin ng chant? Hindi ko pa nga nasosolve yung huling niyang chant sa akin tapos ngayon may bago nanaman?!

"Anong ilog?" tanong ni Matt. "Ito ba yung--"

"Oo. Tama ka, Matt." Tumalikod sa amin si Thelessa. "Sundan ninyo ako."

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon