Chapter 7 - Heir to the Throne

168K 6.7K 1.3K
                                    

Game of Thrones and Reign inspired ang story na 'to :)

-Onneechan

______________________________________________________________________________

Chapter 7 - HEIR TO THE THRONE

"Anong balak ni mother?" Kanina pa palakad-lakad si Ate Amethyst. Kanina pa kami nakatayo dito sa labas ng Great Hall. Pinalabas kaming magkakapatid ni Mother habang pinaiwan sina Meredith, Zac at yung iba pa.

"Anong nangyari?" napatingin kami kay Matt, Brix at Jared na kakadating lang.

"Saan kayo pumunta?" tanong ko. Tinignan lang ako ni Matt bago pumasok sa Great Hall. Nakita kong seryoso silang nag-uusap sa loob bago sumara ang malaking pinto.

"Ano bang pinag-uusapan nila? Bakit hindi tayo pwede sa loob?" tanong ni Ate Ruby.

"Jade, hindi mo ba naririnig ang pinag-uusapan nila?" tanong ni Ate Sapphire sa kanya.

"Hindi. Parang hinaharangan nila ako. Ayaw nilang malaman natin ang pinag-uusapan nila," sagot ni Ate Jade.

Bumukas ulit ang malaking pinto ng Great Hall at lumabas si mother.

"Matulog na kayo," utos niya.

"Anong pinag-usapan niyo, Ma?" tanong ni Ate Ruby.

"Bukas niyo malalaman," sagot ni Mother. "Matulog na kayo."

Pumasok na siya muli sa Great Hall at iniwan kami. Wala na kaming nagawa kundi sundin siya. Umakyat na ako sa kwarto ko nang mag-isa. Muntik pa nga ako maligaw dahil halos pare-parehas lang ang itsura ng mga hallway. Nakakalito.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagpalit na agad ako ng damit. Paghiga ko sa kama ay napatingin ako sa bintana. Ang gulo. Hindi parin ako nasasanay.

*Poof!*

Lumabas sa harap ko ang isang sobrang cute na color green pixie. Ang taba taba!

"Tipsy!" nakangiti kong sabi.

"Nandito po ako para shabihin yung nipapashabi ng Queen shayo," nabubulol niyang sabi.

"Ano yun?" tanong ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na damputin siya at ikiss.

"Bukash daw ay shashabihin nya na daw sha party ang next na magiging Queen!" sabi niya habang tumatalon-talon. "Isha daw po sha inyong magkakapatid ang mapipili!"

Napashimangot ako. Este, napasimangot ako. Isa sa amin? Malamang si Ate Amethyst 'yon. Siya ang pinakamatanda eh.

"Shana po ikaw ang mapili!" masayang sabi ni Tipsy. "Para ako na ang pinakashwerteng pixie!"

Natawa ako. Nagpaalam na siya sa akin kaya ako nanaman mag-isa sa kwarto ko. Bababa na as Queen si Mama? Bakit?

Nakarinig ako ng foot steps sa labas ng kwarto ko. Baka si Matt. Tumayo ako sa kama at binuksan agad ang pinto. Si Matt nga.

"Matt!" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Bubuksan palang niya yata 'yung pinto ng kwarto niya. "Tama ba yung sinabi sa akin ni Tipsy? Mamimili na si Mama ng papalit sa kanya?"

"Oo," matipid niyang sagot. Pumasok na kaagad siya sa kwarto niya at sinara nang malakas ang kanyang pinto.

Anong problema 'nun?

~~~~~~

"Emerald."

"Emerald, gising na!"

"HOY!"

Napaupo ako bigla. "Ano? Bakit?!"

"Gising na, kailangan mo nang mag-ayos," sabi ni Meredith.

"Pero maaga pa," sabi ko.

"Matagal ka namin aayusan. Malaking pagsasalo ang mangyayari mamaya. Iaannounce na ang next Queen!" masayang sabi ni Aliyah.

Oo nga pala.

"Pero alam naman natin na si Ate Amethyst na ang mapipili eh," sabi ko. "Bakit kailangan ko pang mag-ayos?"

Humiga na ako ulit pero hinatak nila ako patayo.

"Kahit na! Dadating ang iba't ibang bisita mula sa iba't ibang kaharian! Yung mga kings at queens ay pupunta! At hindi porket pinakamatanda ang ate Amethyst mo ay siya na agad ang mapipili!" sabi ni Felicity.

"Kaya mag-ayos ka na," seryosong sabi ni Lucinda.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila. Naligo ako't inayusan nila. Ang tagal nga. Kung ano ano ang nilagay nila sa buhok ko. Pati pagsuot ng malaking gown ay matagal din.

Royal blue balloon gown na may laced long sleeves ang suot ko. Made of silk yung gown, ang dulas sa kamay. Yung tipong nakikita ko lang dati sa tv na suot ng mga prinsesa. Hindi ako makapaniwala na suot ko na ito ngayon. May maliit na emerald crown akong suot habang kulot ang mahaba kong buhok at may maliliit na bulaklak na nakasabit dito. Idagdag pa ang suot kong heels na gawa sa emerald stones.

Grabe. Gaano ba kami kayaman?

Maganda din ang nilagay na make-up ni Meredith sa akin. Simple but elegant.

Pumasok si Lucinda sa loob na kwarto at sinabing magsisimula na daw. Rinig ko na sa labas ang ingay ng mga tao. Tumayo ako at dumungaw sa bintana. Ang daming tao!

"Tara na, Emerald." Napatingin ako kay Meredith. "Pinapapunta ka na ni Queen Diamond."

Tumango ako at bumaba na papunta sa Great Hall. Nakaupo na sila Ate at Mama sa thrones nila kaya umupo na rin ko. Grabe rin ang ginawa nilang pag-aayos. Mas lalong gumanda ang castle.

Pumasok na ang mga bisita. Puro mga tao na naka-gown.

"KING FERNEE AND QUEEN KAILA," malakas na bati ng kawal na taga-bukas ng malaking pinto ng Great Hall. May pumasok na sobrang puti na babae at napakahaba ng buhok niya. Sobrang pula na kanyang mga labi at kitang kita ang kulay asul niyang mata. Kasama niya ang isang sobrang puti rin na lalaki na may kulay asul rin na mata. Kakaiba ang mga itsura nila. Mukha talaga silang King at Queen. May kasunod silang dalawang lalaki na kamukha nila. Ang gwapo.

"KING PATRICK AND QUEEN MARIAH," bati muli ng kawal. May pumasok muli na dalawang mag-asawa. Sobrang ganda ng babae. Nakakahumaling ang ganda niya. Hindi ko matanggal sa kanya ang mga mata ko. May kasunod silang Dalawang lalaki at isang babae.

"KING VLADIMIR AND PRINCE VINCENT," bati muli ng guard nang pumasok ang Vladimirs. Nakatingin sa akin si Vincent. Napahawak tuloy ako sa leeg ko.

"KING JULIUS AND QUEEN CAZELLE," bati muli ng kawal. Pumasok na sila, ramdam sa itsura nila ang power. Halatang makapangyarihan sila.

Tumayo na si Mama kaya't tumahimik ang lahat. Nakita kong sila Matt, Zac, Meredith, at yung iba pa ay mga nakaayos din. Napatingin ako kay Matt. Nakasimangot siya. Ano nanaman bang problema niya?

"As you all know, I have an announcement to make."

Tumingin ako kay Ate Amethyst at halatang excited na siya. Siguro nga'y matagal niya nang hinihintay ang pagkakataon na 'to.

"I will step down as Queen," sabi niya. Nagbulungan naman ang ma bisita. Pati ang mga Kings at Queens ay nagulat. "I am now ready to give my crown to one of my daughters. I know that one of them is ready to be the Queen of the Middle Castle."

Seryosong nakatingin ang mga bisita kay Mama.

"The new Queen is..." tumingin si Mama sa akin.

"Emerald." Nanlaki ang mga mata ko. ANO?! HINDI PWEDE. IMPOSIBLE.

"And she needs a King. She needs to get married bago siya koronahan as Queen. And she's open for suitors."

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon