Chapter 21 - The Glass Shoe Finally Fits

120K 4.8K 1K
                                    

CHAPTER 21 - THE GLASS SHOE FINALLY FITS

'Wag... please wag...'

Miss Ella? Bakit nagmamakaawa si Miss Ella?

'WAG!'

Biglang nahulog si Miss Ella sa isang balon. Nasaan siya? Nasaan kami? Bakit nandito ako?

'Tulong!'

"Emerald? Gising na po," rinig kong sabi ni Meredith. Napatayo ako bigla.

"Si Matt?"

"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Meredith. Hindi ako sanay na tatlo lang sila. Wala na pala si Aliyah.

"Yiieeee, kakagising mo palang pero si Matt na agad hinahanap mo!" kinikilig naman na sabi ni Felicity.

"Baliw. May mahalaga akong sasabihin sa kanya. Pwedeng pakitawag naman siya? Please?"

"Okaaaay~ Tatawagin ko na po," sabi ni Lucinda at lumabas na.

Pinaligo muna ako nina Meredith at Felicity at inayusan.

"Bakit?" nakasimangot na tanong ni Matt pagkapasok palang niya. Medyo basa pa ang buhok niya. Kakaligo palang yata.

"Ang aga-aga ang sungit mo na agad," sambit ko.

"Bakit nga kasi?" tanong niya ulit.

"Meredith, Felicity at Lucinda, iwan niyo muna kami. Mahalaga kasi 'to eh," sabi ko. Sobra namang makangiti sina Meredith. Bakit ba? Baliw na ba sila? O.o

Pagkalabas nila ay nagsalita na agad ako. "Napanaginipan ko si Miss Ella."

"Anong nangyari sa panaginip mo?" tanong niya agad. Last time kasi na nanaginip ako ay nagkatotoo ito.

"Nasa isang balon si Miss Ella. Nahulog siya at parang may tumulak sa kanya," sabi ko. "Hindi mo ba napanaginipan?"

"Hindi. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko rin napanaginipan 'yan," sabi niya. Last time kasi, sabay kaming nanaginip.

"Baka naman panaginip lang 'to ngayon, Emerald," sabi niya. "Baka hindi magkakatotoo 'to this time."

"Hindi, Matt. It feels real. Kailangan na nating iligtas si Miss Ella!"

"Naalala ko na may balon nga sa loob ng dark forest," sabi ni Matt. "Pero kung doon nga nahulog si Miss Ella, baka ngayon ay nanghihina na siya."

"Bakit?"

"Ang balon na 'yon ay tinatawag na Aging Well," sabi niya. "Lahat ng nahuhulog doon ay mabilis na tumatanda. Kapag nagtagal ka doon, mamamatay ka agad."

Napahawak ako sa kamay ni Matt,"Dalian na natin!"

***

"Pupunta na po ako agad doon," sabi ni Lord James pagkatapos kong ikwento ang panaginip ko. Nasa Great Hall kami ngayon at lahat sila'y nakinig sa akin.

"Matt, samahan ninyo si Lord James," utos ni Mama.

"Sasama ako." Tumayo ako.

"Emerald!" suway sa akin ni Ate Amethyst.

"Hindi pwede," sabi ni Mama. "Delikado sa dark forest."

"Pero ako po ang nakakaalam kung nasaan si Miss Ella." Tumingin ako kay Matt at sinenyasan siya na tulungan ako.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon