Chapter 22 - Red

121K 4.6K 1.8K
                                    

CHAPTER 22 - RED

"I, Elleanor Cinder,
take you James HuffleHoff,
to be my husband,
And I promise to love and care for you,
And I'll try in every way to be worthy of your love.
You shall not walk alone anymore for I will now be by your side.
From this day forward, I promise to be faithful and loyal to you as I join my life to yours."

Nginitian ni Miss Ella si Lord James.

"I, James HuffleHoff,
take you Elleanor Cinder,
to be my wife.
This is my promise of love to you:
I will always love you, care for you and protect you,
I promise to be the same person you love no matter what life brings to us.
And I promise to never leave you for I am your partner until death do us part."

Sinuot na nila ang singsing sa isa't isa. Naiiyak ako. First time kong umattend sa isang wedding. Sana ganito din kasweet ang wedding ko.

"You may now kiss the bride," nakangiting sabi ni Mama. Ang mga Kings and Queens pala ang nagkakasal dito at walang mga pari. Nalungkot ako sa idea na walang religion na nag-eexist dito. Kung iisipin, ako lang pala ang nag-iisang katoliko dito. Dahil ako lang ang nag-iisang may religion.

"May kakaiba akong nararamdaman," bulong ni Ate Jade. Napasimangot ako.

"Ano po 'yon, Ate?" tanong ko.

"May paparating. Hindi maganda. Hindi ko kilala. Apat na babae." Tumayo bigla si Ate Jade kaya napatingin sa kanya ang lahat. Natahimik ang lahat ng tao na nandito sa loob ng Great Hall.

"Sino, Jade?" tanong ni Mama.

"Tatlong babae," sabi ni Ate Jade. "At... at si Aliyah."

Nagbulungan ang mga tao. Naramdaman kong tumabi na bigla sa akin sina Matt, Jared, Zac at Brix.

"Si Aliyah?" gulat na tanong ni Meredith.

Umulan nanaman ng malakas sa labas. Sinasabayan pa ito ng mga kulog at kidlat.

"Malapit na sila," bulong ni Ate Jade.

May mga kawal naman sa labas ng castle diba? Bakit natatakot na ako ngayon kay Aliyah?

"Mabait naman siya noon. Bakit nagbago siya?" bulong ko.

"Love changes people," bulong sa akin ni Matt.

Tinignan ko siya. Oo nga. Naalala ko kung paano tinignan ni Aliyah si Lord James kahapon.

"Dahil sa love, may mga bagay tayong nagagawa kahit nasasaktan na tayo," dugtong ni Matt. "O kahit nakakasakit na tayo ng iba. We become selfish and selfless all at the same time."

"Wow ha, saan mo na pulot 'yan? Nagsearch ka sa twitter 'no?" natatawa kong sabi.

"Ha? Twitter? Ano 'yon?"

SERIOUSLY?! HINDI NIYA ALAM KUNG ANO YUNG TWITTER?

Bumukas nang malakas ang malaking pintuan ng Great Hall. Bumalik ang kaba sa dibdib ko. Nakita naming bumagsak ang dalawang kawal na nagbabantay sa pintuan. Nagsigawan bigla ang mga tao. May pumasok na tatlong babae. At sa likod nila ay si Aliyah.

"Ouch," sabi ng babae sa gitna. Mukhang matanda na siya pero puro retoke ang mukha. Ew. "Hindi mo man lang kami ininvite sa kasal mo, Ella?"

"Wala kang utang na loob!" sabi ng babae sa kaliwa. Ang taas ng boses niya. Nakakairita. Pangkontrabida talaga.

"Pinalaki ka ni Mother Earth tapos hindi mo ininvite sa kasal mo? Ang kapal ng pes mo 'no?" sabi naman ng babae sa kanan.

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Where stories live. Discover now