Chapter 17

437K 19.2K 23.5K
                                    


From: dawnkarsen@gmail.com
To: carly.mercado@soulproduction.com
Subject: SEPARATION FEE

Hi, Ms. Carly!

It’s a pleasure to work with you and the rest of the team. I’ll never forget what you've shown me. Thank you for taking me under consideration as Kobe's leading lady. I’d also like to apologize for not returning to discuss the legal matter you mentioned. I had a situation that required immediate attention. In terms of the separation fee, you don’t have to deposit it in my account. My allowance from you has already been a big help for the past two months. I’ll send it back to you if you transfer it. 

Thank you!

Regards,
Dawn Karsen Navarro

“Okay na ‘to?” tanong ni Mill habang nakahilig ako sa balikat niya. Nakalahad sa akin ang cellphone, ipinapakita ang e-mail. “Sure ka bang ayaw mong tanggapin? Malaki panigurado ‘yon.”

Ngumiti lang ako. Kung alam ko lang na kay Kobe nanggagaling ang allowance ko, hindi ko na rin sana tinanggap iyon. Malaking sampal sa akin ang narinig kina Carly at Mr. Hernando. Para bang pinagbigyan lang nila si Kobe kaya siya ang nagbabayad sa akin.

Hindi naman mataas ang ego ko, pero pakiramdam ko ay inapakan ang pagkatao ko sa narinig.

“Isinend ko na, ha?”

Iniangat ko ang ulo sa balikat niya at tinanguan siya.

“Ba’t ayaw mong tanggapin, Karsen? Nagtrabaho ka. It’s their responsibility to give it to you,” singit ni Mari.

“Ang laki na kaya ng allowance ko! ‘Yong ibabayad nila sa akin, gamitin na lang nila sa production ng music videos ni Kobe,” pagdadahilan ko.

“Barya lang ‘yan sa kanila.”

Umiling ako. “Hayaan na. Hindi ko naman kailangan ‘yon. May part-time na ulit ako sa makalawa. Nagpapa-tutor ‘yong anak ni Tita Rosa. Naghahanda para sa college entrance exam.”

Hinayaan na nila ako sa gusto kong mangyari. Ipinagpasalamat ko naman iyon dahil ayokong madulas sa totoong dahilan kung bakit hindi ko tatanggapin ang pera. Sa totoo lang ay malaking tulong iyon sa pag-aaral at mga gastusin ko, pero hindi ko kayang isipin na manggagaling iyon sa bulsa ni Kobe.

Kapag nakaluwag-luwag, bibili ako ng bagong black shoes at flats. Siguro ay gagastos ako ng dalawang libo para doon. Magandang klase na kasi ang pinaplano kong bilhin. Hindi ko naman kasi alam na big deal pala sa iba ang maayos na sapatos.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang management dahil lalong umingay ang tambalang Kobe at Jennifer. Everyone was happy for them. Mukha naman kasi talaga silang Hollywood couple. Siguradong kung umaarte ang lalaki ay agad na mag-aagawan ang producers sa pagbibigay ng telenovela sa dalawa.

“Pero nag-uusap pa naman kayo?” tanong ni Eddie isang hapon matapos ang mahabang klase namin.

Tumango ako.

“Ay, wow! Ano ba kayo?”

That—I don’t know. Araw-araw kaming magkausap bago siya magpahinga. Hinihintay ko rin siyang makauwi para matawagan ako.

“Uhm... magkausap?”

Natawa si Eddie. “Wala kayong label?”

Umiling ako. “Kailangan pa ba no’n? Alam naman naming gusto namin ang isa’t isa.”

“Ewan ko, ha? Pero para sa akin, importante ‘yon, para alam mo kung ano ang stand mo sa buhay niya. Kahit pa sabihing may mutual understanding kayo, iba pa rin kapag natatawag mong boyfriend.”

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon