Chapter 39

510K 23.4K 24.2K
                                    

Tumayo si Kobe at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Sinundan ko siya ng tingin. It was still pouring outside, but that didn't stop him. He kept on walking, and I stood there watching him become drenched in the rain.

Narinig ko ang pag-iyak ni Gayle. Nakatayo na siya habang tinitingnan ang papalayong pigura ng lalaki. Hindi ko siya mapuntahan para maalo. I was afraid I'd break down too.

"Mimi!" she called me helplessly.

I gathered all my faint courage and walked towards the door. Isinarado ko iyon, dahilan para lalong lumakas ang pag-iyak niya. Nang marinig ko ang sasakyan ni Kobe ay saka ko lang nilapitan ang anak.

"I'm sorry, baby..." bulong ko habang niyayakap siya. "I'm sorry... ito lang ang kinaya ni Mommy."

Hindi na ako nakapagtrabaho noong gabing iyon. After putting Gayle to sleep, I remembered every word Kobe told me. I remembered his tears and mournful expression. I didn't know that he made a grave for our child... and the thought that he cried there with no one to comfort him made me question my decision years ago.

Mali ba ako? Dapat ba ay sinabi ko na lang sa kanya? Dapat ay nagsumbong na lang ako?

But I was so scared at that time, and all I wanted to do was get away from their brutal world. We were not good for each other. I was the root of his downfall, and the people around him were the root of mine.

Umiling ako nang paulit-ulit. Hindi dapat ganoon kahirap ang pagmamahal.

Wala ngang pasok kinabukasan dahil sa malakas na ulan. The YN Organization deposited financial assistance into my bank account. Kasama na roon ang monthly allowance at disaster risk management. Gayle and I spent the whole day inside our small apartment. Parang nakalimutan naman na niya ang nangyari kahapon dahil masaya na ulit siya ngayon.

Tumunog ang cellphone ko at napangiti ako nang makita ang text message ng mga kaibigan.

Ate Kat:

Sinabi ni Mill na malakas ang ulan d'yan. Mag-iingat kayo. 'Wag munang lumabas, ha? Tatawagan kita pagkatapos ng trabaho ko.

Mill:

Stay inside. Ubusin n'yo na 'yong stocks ko d'yan.

Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang pangalan ni Mari. It was her roaming number.

Mari:

Kumusta ang Gayle ko? May bagyo raw d'yan? May butas pa ba ang mga bubong? Pinakisuyo ko na kay Eddie na tapalan 'yon, 'di ba? Natapalan ba? Sabihin mo kung kailangan n'yo ng matutuluyan. I'll pay for your hotel and food accommodation. Ingat.

I texted Ate Kat and Mill back. Binuksan ko naman ang messenger ko para doon sagutin si Mari. Wala kasi akong sapat na load balance para makapag-reply sa kanya. I created a new Facebook account a few years back, but I rarely use it.

Tatlong araw nawalan ng pasok kaya kahit papaano ay nakapagpahinga ako. Wala rin namang reklamo si Gayle. Sanay kasi siya na kaming dalawa lang. Minsan ay umuuwi si Mill sa apartment pero ngayon ay mas madalas na siyang wala dahil sa trabaho. Nahihiya nga ako dahil hinahatian niya pa rin ako ng renta.

Nang makaalis ng bansa ang bagyo ay bumalik ang lahat sa normal. Well, for some. Marami rin kasing nawalan ng tirahan at mga mahal sa buhay. Hindi naman sa lugar namin tumama ang mata ng bagyo pero isa ang pamilya ni Felice sa mga nasalanta. They had to evacuate because their roof was torn off. Nag-abot kami ng kaunting tulong sa kanila.

Weeks went by. Hindi ko na ulit nakita si Kobe. Hindi ko alam kung dapat ko iyong ipagpasalamat dahil minumulto pa rin ako ng mga salita niya.

"Tapos na 'yong building," sabi ni Ate Neri. "Medyo natagalan dahil sa bagyo, pero baka by Friday ay ribbon cutting na."

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon